Chapter 8

178 24 0
                                    

Habang binubuhat ni Grey ay lihim siyang napangiti. Hindi inakala ni Savana na tatalab ang pag-arte niya sa harap ni Grey. Kung tutuusin ay kaya niya namang depensahan ang sarili, ngunit mas pinili niyang maging "biktima" sa mata ng marami. Savana was extremely happy when Grey sided with her, especially when he didn't even bother to ask for Davina's explanation—killing two birds with one stone, ika nga.

Alam niya ring posibleng umabot sa SDFO ang nangyaring insidente. Gayunpaman ay hindi siya natatakot. Alam naman niya na siya ang lalabas na biktima. At kung meron mang sasaksi—na sa tingin niya ay napakababa naman ng tsansa lalo pa't si Davina ang pinag-uusapan, maaari niyang palabasin na hindi niya sinasadya ang nangyari at bigla na lamang siyang inatake ni Davina.

Palihim niyang pinanlakihan ng mga mata ang mga kaibigan nitong nakasunod sa kanila. Parang kinikiliti ang dalawang kaibigan niya habang ang isa naman ay pasimple silang kinukuhanan ng picture. Pakiramdam tuloy ni Savana ay isa siyang bride habang buhat-buhat ng kanyang groom. She smiled at the thought of that. It really makes her feel so feminine.

Nang makarating sila sa clinic ay agad siyang ihiniga ni Grey sa clinic bed. Maliit at dalawa lang ang single bed nito na pinaghiwalay gamit ang kurtina.

"Miss, assist her please," pakiusap ni Grey sa isang nurse na umalalay sa kanila sa pagpasok.

"Are you okay?" Grey asked her. Alalang-alala ang itsura nito para kay Savana. Pinigilan naman ni Savana ang mapangiti sa naging reaksyon nito, at umarteng nanghihina siya, kahit pa halos wala namang tumutulong dugo sa leeg nito.

"Y-Yeah. I'm fine," pagkukunwari niya. Napabuntong hininga naman si Grey sa tinuruan nito. Halata rin sa mukha nito ang pagod at pagkabalisa sa hindi niya malamang dahilan.

Lalapit na sana siya sa babaeng nasa desk upang magpaliwanag ng nangyari nang biglang malakas na bumukas ng pinto. Iniluwa nito ang dalawang tao na para batang nagtatalo.

"Georgina⁠—"

"Assist your own dammit!" inis na sigaw ni Davina at saka padabog na isinara ang pinto ng clinic. Mas lalong nadagdagan ang inis niya nang bumungad sa kanila si Savana na ina-assist ng isang nurse, si Grey na kunot-noong nakatingin lang sa kanya, at ang tatlong kaibigan ni Savana na may hawak na cellphone habang nakatayo sa gilid.

What a day!

Maliban kila Savana at mga medical professionals ay wala namang ibang tao sa loob ng clinic ngunit naiinis pa rin siyang pinagtitinginan sila ng lahat. Sinamaan ni Davina ng tingin ang lalaking naging dahilan kung bakit siya napapasok sa clinic nang wala sa oras. Sa dinami-rami kasi ng clinic sa unibersidad nila ay hindi niya mawari kung bakit ang kasamang lalaki ay nagpumilit na pumunta rito.

Hindi ko alam kung nananadya ba itong kumag na 'to o nagkataon lang.

Ni hindi tinapunan ng lalaki ang babaeng nasa desk at dumire-diretso na sa isa sa mga higaan kaya naman sinundan na lang ito ni Davina.

"Miss, S-Sir, ano pong nangyari? Sino po sa inyo ang na-injure o may karamdaman?" tanong ng isang nurse at lumapit sa kanilang dalawa. Parang natatakot pa itong nagtanong sa kanila.

"Sa tingin mo ba, ako?" inis na saad ni Davina. Nakita niya kung paano ito napalunok at napatingin sa lalaking kasama niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Double-Edged DaggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon