Chapter 1

563 40 2
                                    

"Upper floor," malamig na sabi nung lalaki sa operator ng elevator. Diretso lang ang tingin nito sa pintuan ng elevator na para bang walang pakialam sa mundo. Ni hindi makitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha ng lalaki kaya naman nakuha agad nito ang atensiyon ni Davina, na nakasabay niya sa pagpasok.

Davina was amused with his voice. Napaka-manly kung pakikinggan. Napakaseryoso rin ng itsura ng mga mata ng lalaki. As if on cue, biglang nakaramdam ng inis si Davina. She hates those kinds of eyes. It reminds her of someone else she knows--of what she had lost.

"Sir, Ma'am; magjowa po ba kayong dalawa? Iba na po talaga ngayon ang mga kabataan, ano? Couple jacket na leather na pala. Bagay na bagay ho sa inyo," parang kinikiliti pang sabi nung operator na malawak ang ngiting nakatingin kila Davina at sa lalaking kasama niya sa loob.

Alam ni Davina na silang dalawa ang tinutukoy ng operator dahil tatlo lang naman sila ang nasa loob ng elevator. Bago pa makapagsalita si Davina, naunahan na siya ng lalaki. Pinasadahan ni Davina ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaki at nakumpirmang parehas na parehas nga sila ng suot ng leather jacket.

"Shut. Up," he said, glaring, while emphasizing every word. Napalunok naman ang operator at saka lumingon na lamang sa pindutan ng elevator. Halata ang pagkailang at pagiging hindi nito komportable. Buti na lang talaga at walang pumapasok galing sa ibang palapag.

Biglang napa-tiim-bagang si Davina nang may maalala. Tumayo ito nang matuwid, at saka isinabit ang mga hintuturo at hinlalatok ng mga daliri sa belt hooks ng itim niyang pantalon. Bago pa man kasi siya magtungo sa mall ay ramdam na niyang sinusundan siya.

She looked down at her wristwatch. Exactly 2:30 P.M. Nandito siya sa mall para libangin ang sarili, isang bagay na minsan na lang niyang magawa. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakatapak sa gusaling ito, o sa kahit na anong parke o mall pa man.

Mabilis na lumabas ang lalaki pagdating sa Upper Floor. Nanatili naman sa loob si Davina na para bang kutsilyo ang mga mata kung makatingin sa operator. Tinignan niya ito sa paraan na alam niyang kung hindi ito matatakot ay manliliit ito sa sarili niya.

"Ma'am, dito na po tayo. May naghihintay pa po sa ibang floor." Kita ni Davina ang panginginig ng labi nito sa likod ng malawak na ngiti ng operator.

"Let me tell you a secret, Miss. Manghuhula ako. Gusto mo bang hulaan kita?" ang sabi ni Davina na kinakunot ng noo nito. Dahil panigurado namang wala akong ibang mapagtitripan, ito na lang. Diretso ang tingin ni Davina sa mata nito kaya kitang-kita niya kung paano nito sapilitang iginuhit ang ngiti sa sariling mukha.

Bago pa man ito sumagot ay inunahan na ni Davina, "Kung hindi mo ititikom 'yang bibig mo, 'di ka makakalabas dito ng buhay. Mukhang isang babaeng naka-couple leather jacket ang papatay sa'yo. Mag-ingat ka."

Iniwan niyang tulala ang babae. Muntik pang magsara ng kusa ang elevator kaya hinarangan niya ito ng kamay niya habang lumalabas na may malawak na ngising suot-suot.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang nito ng elevator ay ramdam niya nang may nagmamasid sa kanya. Nilingon niya ito, at tama ang hinala niya. Ito ang lalaking nakasabay niya sa elevator. Nakayuko ito habang nakasandal sa malaking posteng tatlong metro lang ang layo sa kanya. Nasa loob ng leather jacket nito ang magkabilang kamay.

Sinalubong ng lalaki ng ngisi si Davina. Ngayong magkaharap na sila, mas malinaw na ang mukha nito kay Davina. Ang kaharap ni Davina ang may pinakamaitim na pares ng mga mata na nakita niya, at nakaramdam siya ng saglit na pagkalunod dito. Lalo niya pa itong tinitigan sa mga mata na biglang nagpaalala sa kanya sa daang-daang memoryang pinilit niyang ibaon. Hindi niya kilala ang lalaking nasa harapan, ngunit pinapaalala ng mga mata nito ang mga taong minsan nang naging importante sa buhay niya.

The Double-Edged DaggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon