Prologue

479 34 5
                                    

"Signore," the girl called out to the boy she spotted standing on the balcony alone. Tumingin naman ang lalaki sa batang babae na tumawag sa kanya.

"Have you seen my daddy?" Napakunot-noo ang batang lalaki sa tinuran nito.

"I saw him talking to you and that big man a while ago." Instead of answering, the boy simply stared at the little girl who's now slightly pouting. He knows that it is rude not to answer when someone's asking but it just amazes him how the little girl could easily talk to him like that.

"Mi sono persa (I'm lost)," she said. This time, the girl spoke in Italian.

"Where's your daddy?" bigla namang nakaramdam ng pikon ang batang babae nang magsalita sa Ingles ang lalaki. Kanina pa kasi ito hindi sumasagot kaya inakala niyang hindi siya nito naintindihan.

"I'm the one asking you that, signore." A soft laugh escaped his lips. Napakaliit ng batang babaeng kaharap niya ngayon na sa tingin niya'y nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang. Kung makapagsalita ito, akala mo'y kaedad lamang ang kausap.

"I'm sorry, little girl. What is the name of your father?" He asked and smiled. Lumapit siya rito para mas makita ang mukha ng batang babae. The young girl with an adorable curly black hair is wearing a white dress and a flower wreath on her head. Yumuko ito para pantayan ang tingin ng bata.

The girl tilted her head forward to look at the boy. May bahid ng pagtataka sa mukha nito.

"Sei molto carina." Natulala ang batang lalaki sa tinuran nito. Ang kaninang pagod niya ay biglang napalitan ng pagtataka.

"I said you are very pretty," pag-uulit ng batang babae. Magsasalita pa sana ito nang biglang may dumating na ibang tao.

"Signorina!" Napalingon ang batang babae sa nursemaid niya na mukhang kanina pa naghahanap sa kanya, "Susmaryosep! Mapapatay ako ng tatay mo. I had been searching for you everywhere. Let's go, your Daddy is waiting for you."

Malayo-layo na sila mula sa batang lalaki kaya't nang nilingon niya ito'y pasigaw niya itong kinausap, "Lei come si chiama?"

Nginitian naman ito ng lalaki, "I'm Zed."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng batang babae, "I'm Georgina!"

Natawa na lamang si Zed nang makaalis na ang babae. Natutuwa siya sa pagiging makulit nito. Papaalis na rin sana siya nang makasalubong niya ang ama niya na inakay siya pabalik sa balkonahe. Dumungaw sila sa gilid ng balkonahe at nakita ang daan-daang taong naka-tuxedo at bestida na pawang nag-uusap at nagtatawanan. Importante ang gabing ito.

"I see that you've already met her," sabi ng kanyang ama matapos ibuga ang usok ng sigarilyo nito.

"Who?"

"The other edge of the dagger."

The Double-Edged DaggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon