14. Everything

29.6K 698 131
                                    

“I wanna make things right, Nathan.”

Calen was standing inside Nathan’s clinic that morning. He got his attention, ibinaba ni Nathan ang binabasa nitong chart at saka tumingin sa kanya. Naupo siya sa visitor’s chair na malapit sa mesa nito. Nathan was just looking at him as if he was trying to read the things inside his brain. He sighed.

“What do you mean? You wanna tell Jin---“

“I wanna tell Harmony about Jin Hye.” Sabi niya dito. Lalong kumunot ang noo ni Nathan. He sighed again. Wala siyang ideya kung paano nangyari pero mahal niya si Harmony. Kahit siya ay nagulat sa realization na iyon. Inaamin naman niya noon na nakikita niya lang si Harmony bilang isang diversion – isang bagay na nagpapalimot sa kanya sa kalungkutang nararamdaman niya. Alam niyang hindi maganda ang simula nila but along the way, he managed to fall in love with her.

Galit siya sa sarili niya. Alam niyang hindi tama ang simula nila. Kung tutuusin, naiintindihan niya kung bakit galit na galit sa kanya ang kapatid niya at si Kerky, kahit siya naman ay pinipilit niya ang sarili niya – he really wanted to be with Jin Hye – to fulfill their ten years ago – pero paano niya magagawa iyon kung iba naman na ang gusto niyang makasama.

He sighed.

“What about Jin Hye?” Nathan asked him. Napahawak siya sa kanyang ulo.

“Hindi ko alam, Nathan.” He sighed. “I didn’t want this thing to be like this. Alam ko kung sakali man, masasaktan ko siya pero hindi ko rin kayang saktan si Harmony. Magalit na sa akin ang buong banda, kahit pa ang kapatid ko, pero hindi ko bibitiwan si Harmony.”

Nathan just looked at him. Hindi niya talaga alam kung anong tumatakbo sa utak nito kapag tahimik itong ganoon. Sa tagal nilang magkakilala, hanggang ngayon hindi pa rin niya huli ang takbo ng utak ni Nathan.

“Sigurado ka na ba? I mean,” He sighed. “Just like what Kerky said natutuwa ka lang sa atensyon na galing kay Harmony kaya lagi mo siyang kasama. Maybe it’s just a phase.”

“Matalino ka, Nathan. Kilala mo ako. Hindi ako magsasayang ng oras sa isang tao kung wala siyang halaga sa akin.” Mariing sabi niya. Hindi kumibo si Nathan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad.

Mula noon, hanggang ngayon si Nathan ang takbuhan niya kapag may problema siya. Si Nathan ang naging kapatid niya noong mga panahong galit siya kay Caleb, si Nathan ang mas nakakaintindi kung saan siya nanggaling.

“Siguro mali, pero mahal ko si Harmony. Ayokong iwan si Jin Hye. Pero mas hindi ko kayang iwan si Harmony.” He looked at Nathan again. “It’s not about just being happy anymore, Nathan. I will make things right. I will tell her, kung anong magiging reaksyon niya, tatanggapin ko. Kung sasampalin niya ako, tatanggapin ko, pero hindi ko siya bibitiwan.”

Hindi kumibo si Nathan. Palakad-lakad lang siya sa loob ng klinika nito. Matapos ang nangyari noong isang gabi ay hindi na siya kinausap ni Caleb at ni Kerky. Lex was always telling him na nasa likod niya lang ito maski anong desisyon niya pero sa palagay niya ay iba na rin ang tingin ni Lex sa pangyayari. That night that he babysat with Harmony, may sinabi sa kanya si Lex…

“You brought your girl?” Lex asked Calen. He looked at him. Karga ni Lex si Xander pero sa kanya ito nakatingin. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito kaya nagkibit balikat na lang siya. He smiled.

“Does she make you happy?” Tanong pa muli nito sa kanya. He just nodded. Totoo naman iyon. Sa ngayon – sa kabila nang lahat ng nangyayari sa kanya at kay Jin Hye, masaya siya na may isang tulad ni Harmony na nagpapalimot sa kanya sa nararamdaman niyang sakit.

The one in vainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon