3. Abnormalities

36.1K 723 34
                                    

“Ang abnormal mo ngayon.”

Hindi maintindihan ni Calen si Kerky. He was so happy that morning, he guessed that he was excited about something new, he asked him about this sudden happiness pero ngiti lang ang palagi nitong isinasagot sa kanya.

“Mga bok!” Lex greeted them when they entered Studio 14. Nasa Revert Records sila nang araw na iyon para sa recording. Lex was just like Kerky, he’s so happy and he knew the reason why. Kasal nito sa Linggo. Finally after a year of living and having a child with Keith – the one Lex loved to hate – magpapakasal na ang mga ito and he was really happy for him.

“Kasal ko sa Linggo. Friday nang gabi aalis na tayo dito para mag-stay sa venue. Three days tayong party-party.”

“May stag party ka?” He asked his friend. Lex shook his head.

“Wala na, I’d rather spend my pre-wedding night with my wife to be than with some stripper.” Natawa siya at si Kerky. Seryoso na talaga si Lex kay Keith – kung sabagay ay may anak na ang mga ito. He sighed. Hindi niya maiwasan ang makadama ng inggit. Kung hindi lang sana nagka-aberya noon, sana okay na sila ni Jin Hye. Maayos naman sila bago ang aksidente pero nagkanda-leche-leche ang lahat dahil sa mga tao sa paligid nila. He sighed again. Nagulat na lang siya nang bigla siyang akbayan ni Lex.

“Bok, okay lang iyan!” Lex said. “Bumalik na siya, hindi man ikaw iyong naaalala niya sa ngayon, alam kong darating din ang panahon na ikaw ang maaalalala niya at magkaka-happy ending na kayo.”

“Thanks, bok.” He said as he smiled. Maya-maya ay bumukas ang pinto at dumating si Caleb. Nakangiti ito sa kanila. Kakaiba ang ngiti ng kapatid niya, at naintindihan niya kung bakit nang mula sa likod nito ay pumasok si Aiko.

”Hey guys!” Aiko greeted them. Caleb looked at her with that familiar smile of happiness he once knew.

“Sinama ko na, baka kasi hindi ko na naman masundo mamaya.”  Sabi pa ni Caleb sa kanila. Natawa naman si Aiko.

“Sabi ko naman sa’yo, okay na ako. May kotse ako, diba?”

“Tsk, ayoko nga, saka masama ba iyon? Nami-miss na kita. Busy tayo kahapon, hindi kita nakasama.”

“Wow!” Sigaw ni Kerky. “Teenager ang peg?” Natatawang sabi ni Kerky. Napangiti na rin siya. Inakbayan niya si Aiko.

“Pasensya ka na sis-in-law, retarded na naman ang kapatid ko.” He said to her. Caleb’s face turned red tapos ay inirapan siya nito.

“Huwag mo nga siyang akbayan, girlfriend ko iyan.” Sabi nito sa kanya. Tinawanan niya lang ang kapatid niya. Alam niyang wala dito ang sinasabi nito, pero nasaktan pa rin siya. Caleb is obviously happy with Aiko habang siya, minsan ay gusto na niyang murahin ang tadhana, masama bang lumigaya siya? Hindi ba pwedeng sabay sila ni Caleb maging masaya?

“Lol!” Narinig niyang komento ni Kerky. “Ikaw nga eh, pinakasalan mo iyong girlfriend ni Calen tapos ngayon hinaha… ha.. hahahaha!” Natigilan si Kerky nang bigla itong sikuhin ni Lex. Napa-face palm siya. Kitang-kita niyang nagbago ang hitsura ni Aiko. She looked at his brother

“Aiko…” Caleb took her hand. “Aiko ano…”

“Naalala ko, kailangan ko nga palang umuwi.” Sabi bigla nito. Aiko looked like she was about to cry.

“Ihahatid kita.” Sabi muli ni Caleb.

“Hindi na. Magtataxi na lang ako.” Binawi nito ang kamay nito kay Caleb at saka lumabas ng studio. Caleb chased her. Naiwan silang tatlo nina Kerky doon. Sinikmuraan ni Lex si Kerky. Napailing naman siya.

The one in vainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon