Episode 13 || You bring your's , I'll bring Mine

18.4K 142 5
                                    

Isang lingo na ng umuwi sila galing hawai pero wala parin nangyayari, Bumalik sa dating ang situation nila ni Vice, nanahimik ito, pag kinakausap nia ito ay isang tanong at isang sagot lang ang tugon nito. At halatang napipilitan ito samga scene nila sa Sine Moto.

                Pati ang mga Vk babbies ay nanahimik din, dahil daw halata na daw na scripted ang sweetness nila ni Vice, kahit sia naman ay napapansin nia yon. Lagi nitong binibida ang Baby boy nia sa showtime at pag moment nila, ay halatang pinipilit nito ang lumapit sa kanya.

                “Ah! Give me some Godo Vibes!!” pasigaw nia habang nakasandal sa upuan ng DR. nia. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang showtime. Araw iyon ng martes, absent kasi sia kahapon dahil inasikaso nia ang rehearsal with Cristian Bautista para sa Cinderella nila.

                Biglang may nagtakip  ng mga mata nia. Amoy palang nito ay alam nia kong Sino iyon.

                “Yael” she rolled her eyes, kahit may takip sa mata nia.

                “Hello baby!” hinalikan sia rito sa pisnge. “Surprise!?.”

                Pinikot nia ito sa ilong. “ Anong ginagawa mo rito?” tanong nia.

                “Binisita kita, wala kasi akong magawa sa bahay, ang wi-wild pa ng mga Vk babbies mo, kung ano-ano ang pinagtatanong.” Maktol nito sa kanya.

                Kinurot nia to sa pisnge. “Baby, kasi sila, makukulit., intindihin mo na lang ok?” pag lalambing nia rito.

                “ok.” Ngumuso ito. “wala ba akong kiss?”

                Umismid  siya. “ Ganern? So pumunta ka lang dito para sa kiss?”

                Sunod-sunod ang tango nito. At nag pout sa kanya.

                They were about to kiss ng biglang may magsalita sa pinto.         

                “Sir, maam, pasensia na po sa abala.”

                “Vice!”  nakita nia tong nasa pinto, nakakunot ang noo at marahang ngumiti. “Bawal pong mag PDA dito.” Wika ni Vice.

                Napakamot ng noo si Yael. “Vice ikaw pala yan,!” lumapit ito at Bumeso si Vice, dahil nga matangkad si Vice marahan itong yumuko para bumeso kay yael. Binalingan sia ni Vice.

                “tawag na tau ni Direk” malamig na tugon nito sa kanya.

                “Ok, susunod na ako.” Sagot nia rito. Nilapitan nia si Yael. “Gusto mo sumama, Baby”?”diniinan nia ang huling salita para dumating sa pandinig ni Vice. “ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Pinapaselos mo si Vice? As if naman mag seselos yan! Illusyunada!”

                “Sure baby” wika ni Yael.

                “oh di sia! Kayo na mag sabay! Gogora na ako sa inyo.” Nag paalam si Vice sa kanila.

Sine Moto!

                “at bigla naman! Malolove at first sight si Don Rafael kay ZORRA!, lalapitan nia ito at sasabihin ang nararamdaman para kay zorra.” Basa ni Billy sa libro.       

                “Napakaganda mo… “ wika ni Vice. Tinaas ni ang kamay at hinaplos ang kanyang mukha.Napangiti sia, kinilig sia sa titig ni Vice sa kanya.

Beautiful Disaster || Untold Stories || Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon