Episode 3 || Dance In The Dark

23.1K 214 5
                                    

Pag katapos ng showtime ay agad pumunta si Vice sa DR. ni K.

                Nakatayo lang si Vice sa pinto ng DR ni K, gusto niya humingi ng tawad sa mga sinabi nia. Pero di niya alam pano Ito kakausapin. Pikit mata niang pinihit ang sidura ng pinto.

                “K-k?” alanganing tawag nia rito.

                “anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni K kay Vice.

                Parang tinarakan ng punyal sa dibdib si Vice sa ibinungad sa kanya ni K pagpasok nito sa Dr at nakita nia itong nakaupo sa sofa. Ni ang tingnan siya nito kahit sandali ay hindi nito ginawa.

                Bumuntong-hininga sia bago nagsalita. “Alam kong hindi mo pa akong kayang kausapin ngayon, pero sana huwag mong isipin na ayaw ko sau, at ayaw ko sa-sa--.” Damn, bat ayaw lumabas sa labi ko. Magsasalita ulit si Vice ng Biglang mag salita ulit si K.

                “Umalis ka na Vice. H-hindi pa akong handang makipag usap sau.” mahinang sabi nito.

                “ngaun? Ano ka? Nga-nga” bulong nia sa sarili. “ Huwag ka masyadong magpupuyat. Kumain ka nang mabuti. Alagaan mo ang sarili mo para sa aki- para di ka magkasakit.”

                Hindi ito umimik.

                “Aalis muna ako, K. Laging mong iingatan ang sarili mo, okay?”

                Tiningnan sia nito. Nagsalubong ang mga kilay nito. “A-aalis ka?”

                Tumango sia. Nagtatanong ang mga mata nito. Ang akala yata nito sa sinasabi nia ay aalis sia para pumunta sa malayong lugar para magpakalayo-layo rito. Kung ganoon nga ang iniisip nito, matatakot ba ito o mag aalala kung saka sakali?

                Bakit na man sia matatakot at mag aalala na mawala ka? Sita ng maliit na boses sa kanyang isip. Baka nga matuwa pa sia kung tuluyan mo na siang lulubayan.

                Nginitian nia si K. “Hindi naman ako aalis para magpakalayo-layo, kung iyon ang akala mo”

                Namula ang magkabilang pisngi nito. Nadagdagan ang pag-asa nia dahil reaksyon nitong iyon. “W-wala naman akong pakialam kung aalis ka at pumunta sa ibang bansa. It doesn’t matter to me kahit pa sa ibang planeta ka pumunta,”. Tila pilit na pagsusuplada nito.

                “ouch! Ang hard mo K” sabay hawak sa dibdib nia.Nakita nia tong ngumiti pero agad binawi ito.

                Naglakas loob siang lumapit dito, umupo sia sa tabi nit. “K, sorry na, sige para makabawi ka, suntukin mo ko, sipain moko, basta pls. wag kana magalit sa akin, di ko talaga kaya” pagmamaktol niana parang bata. “papayagan kita hawakan ulit ang scar ko.”

                K bit her lip, then giggled. “baliw!” sabay suntok sa balikat nito.

                “so ok na? lilibre kita, inuman tau ngaun.. ako mag babayad” aya nia rito.

                “Sinabi ko bang ok na?”

                “ay, pakipot? Lilibre na nga kita, kaloka”

                Ngumiti ito sa kanya. "ok! Pero sa  isang kondesyon.. di ko babawiin ung sinabi ko”.

                "anong sinabi mo? tanong nia. Nagtaas ito ng Kilay sa kanya. Nakuha nia ang ibig sabihin nito. " Ah, ok. " mahinang sambit nia.

Beautiful Disaster || Untold Stories || Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon