Unang Yugto

409 3 1
                                    

            “Umaatras ang liwanag,” wika ng Anito ng Katapangan. “Isang pitik ng isang sandali ng liwanag ang biglang nawala kahapon. Ngayon, nararamdaman ko ang unti-unting paggapang ng dilim.”


            Tumango ang Anito ng Pagbabago. Malalim ang kanyang iniisip. Ang pag-usad ng dilim ay kasabay ng pagbabago sa ugali ng tao. “Tumatagilid ang mundo,” ang dugtong niya. “Mas marupok ang mga kabataan. Mahina ang kanilang loob. Madali silang malito.” 


            “Oo nga,” sang-ayon ng Anito ng Katapangan. “Sobra ang diin sa sarili. Marami ang laki sa layaw. Hindi maganda ang kahihinatnan ng mundo. Kailangan tulungan natin ang kabataan.”


           “Ano kaya ang maaari nating gawin?,” ang tanong ng Anito ng Pagbabago. “Alam ko na!” Siya na din ang sumagot sa sariling tanong. “Bigyan natin ng katulong ang mga kabataan, mga  katulong na magsisilbing gabay para sa pagtatag ng bagong bukas, isang bukas na hitik sa katarungan at pagmamahal sa kapwa.” 


            Humingi ng tulong ang mga anito mula sa kanilang mga kaibigan sa ibayong dagat. Hindi nagtagal, pinadalan sila ng dalawalang kakaibang hayop - isang dragon at isang phoenix. Kahit mga bagong supling pa lamang, kapansin-pansin na ang tapang at kapangyarihan ng dragon at ang kakayahan ng phoenix lumutas ng anumang suliranin. Inatasan ng mga anito ang dalawa para maging kabalikat ng mga kabataan tungo sa kabutihan at karunungan. Ang dalawang inakay ay pinaalagaan ng mga anito kay Eles, isang mabuting tao at kilalang panday sa Dulo ng Daigidig.

           

Alamat ng Dragon at PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon