141-149

29.8K 775 191
                                    

Entry 141

Nabasa ng boyfriend ko ang diary ko. Mahal ko daw ba siya o sadyang panakip butas lang ba? Oo, inaamin kong masama ako dahil ginamit ko siya. Break na kami.

Entry 142

Third year college na ako diary! Buhay pa pala itong diary ko. Akala ko tinapon na ni mama. Nga pala! Walang gwapo! Tapos wala akong friend sa section ko. Block kasi ako e.

Entry 143

Nalaman ko na bumalik na si L. Anyare saakin? Bakit kinakabahan yata akong makita siya? Pinapapunta ako ng mga kaibigan niya sa welcome party nila sakanya e. Kailangan ba talaga akong kasama doon? Hindi naman kasi kami close.

Entry 144

Bumibili ako ng gamot kanina sa botika nang may magkasintahang naglalampungan sa harapan ko. Alam mo yung ang sarap nilang sabihan ng: HOY MGA PANGIT! BAWAL ANG PDA LALO NA KUNG PANGIT KAYO! WALA KAYONG KARAPATANG MAGLAMPUNGAN SA HARAPAN KO! MALIWANAG BA? MAG-PDA KAYO KAPAG HINDI NA MUKHANG BISUGO YUNG ISA AT ASO YUNG ISA!

Teka parang ang bitter ko bigla? Kainis! Naiinis talaga ako ngayong araw! Buti nalang si Seth pinuntahan ako. Nga pala may girlfriend na si Seth. Nakapagmove on na daw siya saakin. Yan ang sabi niya saakin nung nakaraang taon. Kaya nga sinubukan ko din magmove on kay L gamit ang ibang lalaki kaso wala e! LECHENG LENARD YAN! SUBUKAN LANG NIYANG SABIHING MAY GIRLFRIEND NA SIYA! UUPAKAN KO TALAGA SIYA!

Entry 145

Boring. Nagbasa lang ako ng libro maghapon. Buti pa sa mga binabasa ko may kilig factors. Ang lablayp ko wala. Mukhang isinumpa talaga akong tao. Taong hindi pwedeng makaramdam ng kaligayahan lang ang peg ko. Hindi ko bet itong nangyayari sa buhay ko! nakakalurky! Yung junakis ng kapitbahay pa namin napakaingay! Hindi tuloy ako makapag-aral ng mabuti. OO HINDI NA AKO BUMABAGSAK! GRADE CONCSIOUS NA AKO SIMULA NUNG NAGING SINGLE AT TAHIMIK NA ANG LABLAYP KO!

Entry 146

May unknown number na tumawag saakin. Nga pala napapadalas nanaman ang pagsusulat ko sayong diary ka! Baka isumpa mo nanaman ako! Pero anyway, sinagot ko yung tawag at laking gulat ko dahil kilala ko pa din ang boses niya. We shared an awkward silence at first then awkward kumustahan then ayun iniinvite niya ko sa party nga nila. Ugh, L! Naiinis ako sayo! Kung kailan naman akala kong nakamove on na ako saka ka naman bumabalik! :(

Entry 147

Hindi pa nakuntento si L sa pagtawag-tawag saakin. Nagulat ako kanina dahil sinundo niya ako sa university. Ay hwag kang epal diary! TINANONG NIYA KO KUNG MAY BOYPREN AKO! EDI SYEMPRE AKO ITONG SI MALANDI! Sinabi kong wala at hindi na ulit nagkaboypren pa. ugh. Gusto ko pa din si Lenard hanggang ngayon. Paano ko sasabihin sakanya?

Entry 148

OUTCAST! Ayan ako. Hindi ko alam kung gumaganti lang ba si L saakin pero sobrang ang sakit naman ng pinakita niya saakin sa party. May mga kasama siyang babae at nababalewala lang ako doon. Sabi na nga ba’t hindi talaga dapat ako nagpunta doon. Haha! Umaiyak lang naman akong umuwi. Sira ulo ako e. umasa pa akong gusto pa niya ako dahil sa mga pinakita niya. Hindi na pala dapat ako umasa dahil lang bumalik siya. Bakit hindi ko naisip na gumanti lang pala siya?

Entry 149

Taeng naapakan! Asong may pulgas! Lecheng utak! ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ! Sinabi niya saakin na may girlfriend na siya. Laslas puso. Umuwi nanaman akong umiiyak kainis! Tapos heto tunog ng tunog ang cellphone ko ngayon Hindi ko pinapansin. Itutulog ko nalang ito.

Hoy lamok, hwag mo ko kakagatin. Maawa ka muna saakin, Umiiyak pa ako. Saka ka nalang magpyesta pag nasa mood na akong patayin kita. Okay?

~~~

aww sinaktan siya ni L! May gelpren na si Abs! OH NO! anong ending nitong diary? last update nalang niyan. wawa naman.

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon