41-50

48.9K 1K 110
                                    

Entry 41

Hello! Akala ko mahahassle ako sa pagpili kung saan ako aattend! Yun pala hindi! Umalis kami nila mama sa bahay. Namasyal kami kina lola. YEHEY!

Entry 42

Ayun aburido ako kasi humihingi ng regalo saakin yung dalawa! ANO NAMANG IBIBIGAY KO? Magpaload nga hindi ko afford! REGALO PA KAYA PARA SAKANILA? Hello! :3

Entry 43

May lumalapit saakin na kaklase namin. Akala ko naman makikipagkaibigan, aba! Hinihingi lang yung number ni Mr. Abs. Kaya hayun binigay ko.

Entry 44

Pinagalitan ako ni Mr. Abs sa pagbibigay ng numero niya. Bakit daw hindi ako nagselos? Tapos pinamimigay ko pa daw siya. Luh! Yung lolo sensitive! Nagsorry naman ako tapos nagpalit siya ng number. Ako daw yung unang tinext at tinawagan niya at habang kausap ko siya ngayon katext ko naman si crush. Bakit feeling ko nagtataksil ako? Sus landi ko!

Entry 45

Absent si Crush ngayon. May sakit kasi siya kaya kaninang uwian pinuntahan namin siya. Malaki pa banyo nila sa kwarto ko. Siya na mayaman.

Entry 46

Nag-group study kami para sa exam sa lunes. Natulog kami kina Mr. Abs. Ang taray din ng bahay nila! Dala-dala ko pa diary ko baka kasi makita ng nanay ko mga kalandian ko. Lagot ako baka mamaya niyan e magkaroon ako ng curfew.

Entry 47

Saturday ngayon kaya naman nababagot ako. Nanuod lang ako ng movie maghapon na natulugan ko lang din dahil ang booooring.

Entry 48

Si Friend at ako ay namasyal kasama yung iba naming kaklase. Napapansin ko dumadami ang kaibigan ko.

Entry 49

Hello diary! Ang hirap ng exam ngayon! NAKAKAIYAK! Sabi ko nga hindi na ako gagala before exam! Mag-aaral nanaman ako. Nga pala talamak ang kopyahan kanina pati mga kodigo! Kita ko yung kaklase ko gamit niya yung cellphone niya. Nangopya din naman ako. Hindi ko kasi alam yung ibang sagot!

Entry 50

E yung nagkokopyahan kami ni crush dun sa math! NAKS! Talino ng lolo sa math! Kulang nalang ABS! para yummy! Hihi Joke! Baka mabasa nanaman ito nung pakialamero kong kaklase.

****

e diary daw kuno kaya random lang. parang ako random XDDD again hindi ko ito diary TToTT

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon