21-30

54.4K 1.1K 161
                                    

Entry 21

Wala naman akong ginawa maghapon. Nag-general cleaning lang ako. Nagtapon ako ng mga papel papel ko. Ang daming naipon.

Entry 22

Enrollment ngayon. Hindi ko nakita si crush pero yung kaibigan niyang si Mr. Abs nakita ko. Sabay kami nag-enroll kasi wala akong kasama. Sinamahan na niya ako.

Entry 23

Lumabas kami nung kaibigan ko ngayon. Bumili ng gamit para sa pasukan. Magkaklase nga pala kaming tatlo! Si Mr. abs, ako at si friend. Si crush wala akong balita. Hindi nagpaparamdam sa text e.

Entry 24

Malapit na ang pasukan. Mga tatlong araw pa! Nagtext nga pala si crush saakin kasi may tinatanong siya. Akala ko naman para saakin yun pala sa bago niyang nililigawan. Selos ako. Masakit e

Entry 25

GUESS WHAT? MAGKAKLASE KAMI NI CRUSH! At heto pa pinakilala niya saamin yung nililigawan niya. Kulang nalang mabaon ako sa lupa. Ang ganda kasi niya. Sobra! Ano namang panama ng beauty ko kuno? WALA NA! Parang ang kamukha ko lang kay karibal ay yung paa niya. Nakakasad.

Entry 26

Si friend kasama ang boyfriend, si crush kasama si karibal. Ako heto nga-nga! Mag-isa ko sa canteen. Life saver nga lang si mr. abs! may kasama tuloy ako kaninang lunch!

Entry 27

Wala pang isang linggo nagquiz kami agad! Mejj turn-on si mr. abs! hindi lang face meron siya, brainy din! Si Crush din magaling! Si friend, hayun nangopya sakin! Haha.

Entry 28

Nag-away si crush saka yung nililigawan niya. Kaya sakin naglabas ng rants si crush. Hindi pa daw sila pero inaaway na daw siya. Paano daw kapag naging sila na? E KUNG KAMI NALANG KASI! EDI MASAYA SANA!

Entry 29

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang isusulat ko ngayon. Pero heto nagsusulat na ako! Pero kasi kinakabahan ako e! Kinausap ako ni Mr. Abs kanina. Crush daw niya ako. HALA!!! Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko kanina. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagpasalamat nalang ako. Tapos sabi niya hwag daw ako matakot o kaya lumayo, hindi PA daw niya ko liligawan. Kikilalanin daw niya muna ako. Hala ang lola mo kinakabahan!

Entry 30

Naiwan ko ‘tong diary ko kanina sa school. Pagbalik ko may nakasulat na at saka drawing. Nabasa kasi ni Mr. Abs. Sabi niya saakin hindi daw niya ipagkakalat. Tapos sabi pa niya goodluck nalang daw sa feelings ko para kay crush. Ayaw ko na tuloy magsulat. Itapon ko ‘to e! Pero hwag pala. May makabasa pang iba. Tama na yung isa.

---

again, hindi ko siya diary XD kunwari ako nalang nakapulot tas tinatayp ko nalang XD

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon