11-20 (malditang owner)

38.2K 823 159
                                    

Entry 11

Hi Ate Gurang! Nakuha ko nga pala ang diary mo sa tatay kong guard. Nakalimutan niya kasing ibalik sayo at hindi naman niya alam na nakuha ko. Aba! Nangailangan lang naman ako ng notebook na pagsusulatan. Malay ko bang diary mo pala ito. Burara kasi kayo e.

Entry 12

Badtrip. Promise nagtitimpi nalang ako dito sa leche kong kaklase. Makapanlait wagas! Mukha namang ulong tinubuan ng pimples! Take note yung may nana pa. Papokerface nga ako! -___-

Entry 13

Ano na nga bang date ngayon? Ay grabe te! Kung alam mo lang ang dinanas ng kaklase ko sa kamay ko! MUAHAHAHA! Wala lang sinampal ko kasi yung hinayupak kong kaklase. Kairita e. Kung pwede ko nga lang siya itapon sa labas ng bintana ginawa ko na din. Nga pala, nagkakatext ba kayo ni L? muahahahaha! Feeling ko dedeskarte sayo yun e. Para tuloy akong kulangot na hindi niya matanggal-tanggal sa ilong niya! HAHAHAHA. Isa akong malaking hadlang!

Entry 14

Boring. Nanlait lang ako sa facebook buong araw. KUNG NAKITA MO LANG GIRLFRIEND NUNG CRUSH KO NA HIGHER YEAR! College na sila. ANG PANGIT SOBRA! SARAP BUHUSAN NG MURIATIC ACID YUNG MUKHA NUNG BABAE PARA MAGPARETOKE NA SIYA!

Entry 15

BOOHOO! Wow click pa ng click ng link. Ayan may nananakot na palang bangkay sa screen. TSE! Akala naman nila natatakot ako! ILIBING KO NG BUHAY ‘TONG SAKIT SA ULO KONG KAKLASE E! TRIP NA TRIP AKONG ASARIN! ITATAPON KO TALAGA SIYA!!! AYAN UPPERCASE PARA INTENSE!

Entry 16

Te! Madami pang pahina ‘tong pink diary mo! Hwag kang mag-alala may pagsusulatan ka pa kapag nabalik sayo ‘to. Kung mababalik pa sayo.

Entry 17

Pinabasa ko sa mga kaklase ko ‘tong diary mo. Kinikilig daw sila saiyo! GANDA MO E! MAGANDA KA BA? GURANG KA NA E >.<

Entry 18

D.U.H! HINDI KO PINAKOPYA YUNG CRUSH KO! AS IF!!! Manigas siya! Hindi porket gwapo siya pakokopyahin ko na siya. ASANESS! Maghahanap na nga ako ng matalinong ika-crush

Entry 19

Nanunuod lang kami ng mga kaibigan ko ng movie buong araw. At saka nilait ang mga cast.

Entry 20

YUCK! AS IN YUCK! LIKE DUH! YUCK TALAGA! KADIRI YUNG IPIS NAPAKALECHE!!! KAMUKHA NIYA YUNG KAKLASE KONG IPIS! SHEMAY PATITAY!!! UUBUSIN KO LAHI NG MGA IPIS NA YAN!!!

****

oh fenk diary! kailan ka kaya mababalik?

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon