Chapter 21

1.7K 32 7
                                    

***Advance***

Erin's pov

Dissmisal time ko na.

Pumunta na ako sa adress na binigay ni Ethan.

Teka... Eto yung restaurant na pinuntahan ko kahapon ah.

Pinagloloko niya ba ako?!

Peste! Ayokong pumasok sa loob nyan! Uuwi nalang ako!

Pagkatalikod ko, bigla kong nakita si Ethan.

"Erin! Sabi na nga ba pupunta ka dito ehh-- oh bat ganyan ka na naman makatitig?" bwiset na lalaki to!

"Uuwi.nalang.ako!" madiin kong pagkakasabi at lumakad kaso hinarangan niya ako.

"Aalis ka kaagad di ka pa nga pumapasok" sabi niya habang nakahawak sa dalawang balikat ko.

"Pinagloloko mo ba ako? Eh kakagaling ko lang diyan kagabi eh! Ayokong pumasok diyan at baka mabugbog ko pa yung manager!"

"Di yan! Mabait ang manager niyan. Tara sa loob" at hinila na nga niya ako papasok.

Pumunta kami sa staffers room at nakita ko dun yung manager na mukhang homo sapiens at ibang mga crew.

"Kamusta kayong lahat?" bati ni Ethan sa kanila habang nakahawak pa din sa balikat ko. Argh!

"Ayos lang sir" sagot nila.

Teka...

SIR?!

"Ipapakilala ko lang si Erin. Bago nating waitress" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" sapilitan kong tinanggal yung hawak niya sa balikat ko at hinarap ko siya.

"Akala ko ba kailangan mo ng trabaho? Ayan na nga binibigyan kita ehh" sabi niya.

"Bakit ikaw ang magbibigay sakin?" sabay taas ko ng isang kilay.

"Dahil ako ang may-ari dito?" di pa siya sigurado niyan...

"Ikaw?! Eg g*go sabi mo kakilala mo lang yung may-ari tapos ikaw lang pala!" naiirita na ako! Bwiset pinagloloko talaga ako neto ehh.

"Wag ka namang galit! Basta you can start your work tomorrow. 4-10 pm ang schedule mo. Diba Lhea?" sabay tingin niya dun sa babaeng manager.

"Ah.. y-yes sir"

"Okay! Back to work na kayong lahat" at nagsikanya-kanyang galaw na yung mga tao.

"Lhea, ikaw magturo ng mga gagawin ni Erin. Maiwan ko muna kayo dito" at umalis na si Ethan. Naiwan kami nung homo sapiens.

"What?!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Sumunod ka sakin" sabi niya saka naunang maglakad.

"Eto ang kitchen" sabi niya. Anong tingin niya sakin bulag?! Halata naman kitchen to diba?

"Don't care" sagot ko tapos lumabas na kami dun sa kitchen.

"Eto ang counter. Make sure na di ka makakabasag ng plato kung hindi bawas yun sa sweldo mo."

"I'm not a clumsy girl. At kung babasag man ako ng plato, dun nalang sa mukha mo"

"Ano?!" inirapan ko nalang siya.

Nilibot pa namin yung loob. Di naman siya ganun kalaki. Mini resto lang naman to pero may pagka-cozy ang lugar. Bumalik kami sa staffers room at may inabot yung Lhea sakin.

"Eto magiging uniform mo. O sige maiwan na lang kita diyan" at iniwan na niya ako dito.

Kung akala niya nakakalimutan ko na yung kagabi pwes mangarap siya! Kahit manager pa siya dito di ko siya uurungan!

She Dance Like a GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora