Chapter 5

2.4K 38 24
                                    

***She's a pretender***

Erin's pov

Bumangon na ako sa pagtulog.

"Ack! Fck! Ang sakit ng ulo ko..."

Napa-hawak ako sa ulo ko. Ang sakit ehh.

Wala naman akong hang-over.

Masyado akong nai-stress sa bago kong school >.<

Nag-shower na ako nag-bihis saka bumaba ng kwarto.

"Aalis ka na?" bungad sakin ni tanda.

"Eh ano ngayon?" sagot ko.

"Balita ko may gulo ka na namang ginawa? Pinapatawag pa ako"

"Eh ano ngayon? Bakit pupunta ka ba huh?" -ako.

"Naayos ko na yang gulo mo. Next time, pwede ba tumino ka naman. Sinabi pa ni Maisha na sinampal mo siya kahapon"

"Tss. Sumbungera. Oo sinampal ko nga. Ano ifi-freeze niyo na naman ang accounts ko? Sige lang. Pakialam ko sa inyo?" at lumabas na ako ng bahay.

Sumakay ako sa motor ko at dumiretso ng school. Doon nalang ako mag-aalmusal.

"Good morning Erin ^_^" sabay may umupo sa harap ko at kumain. Peste! Kapal ng mukha neto ahh. Feeling close.

"Ang kapal din ng mukha mo no? Sinong nag-bigay permisyo na maki-upo ka diyan?" sabi ko dun sa babaeng nerd. Oo yung nerd na walang kwenta. Kainis!

"H-huh? Bakit bawal ba?"

"Oo! Ano di ka pa aalis sa harap ko?"

"Gusto ko lang naman sabayan ka kumain. Nakikipag-kaibigan lang ako sayo" sabi nung nerd. Duh! Ni hindi ko nga alam pangalan neto.

"Ang kulit ng lahi mo noh? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na di ako makikipag-kaibigan sayo! I hate you!" sabay tayo ko. Busog na ako.. I mean wala na akong gana kumain..

"Teka----"

SPLASH

Tinapon ko sa mukha niya yung tubig.

"Next time, matuto kang umintindi. Di mo kilala kung sino ako. For the last time sasabihin ko ulit sayo to... wala akong balak makipag-kaibigan sayo. I.HATE.YOU!" at umalis na ako. Iiyak lang naman yang nerd na yan.

Pumasok na ako sa first class ko.

Ilang minutes nalang before class starts. Tsk! Ka-boring naman.

"Good morning" bati nung music teacher.

"Good morning Ms." bati nung mga kaklase ko sa sabay tayo.

Nanatili lang akong naka-upo. Bakit ba? Mag-papagod pa ako batiin yang babaeng yan.

"Ma'am sorry I'm late!" hinihingal na sabi nung nerd na nasa pinto na mukhang tumakbo pa.

"Okay, take your seat Ms. Vergineth" 

Nag-tama yung paningin namin nug nerd tapos nag-smile siya sabay upo sa katabing seat ko.

Tsk! Di talaga siya makaintindi huh? Bwiset!

Inub-ob ko nalang yung ulo ko sa desk para matulog. Subukan lang ako pagalitan ng teacher na nasa harap at pagsisisihan niyang nabuhay pa siya.

Sa kalagitnaan ng tulog ko ehh biglang may kumalabit sakin.

G*go tong nerd na to ahh.

I give her my 'What-the fck?' and 'Do-you-wanna-die' look.

Imbes na matakot siya ehh may inabot siya saking papel.

She Dance Like a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon