Chapter 10

2.1K 34 20
                                    

***Amnesia***

Shone's pov

"Erin, parang wala namang nangyayari eh" sabi ko.

"Matuto ka kasing maghintay diba?" sabi ni Erin sabay upo sa isang vacant table dito sa cafetiria.

"Patagal kasi ng patagal, mas lumalayo siya sakin" malungkot na sabi ko.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Mizzy na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

Masaya ba talaga siya ngayon?

Sigurado ba siyang lahat ng mga kinakaibigan niya eh totoo?

Ayoko lang kasi masaktan siya.... ulit.

"Pero kung talagang hindi ka niya mahal. Well, sorry ka nalang" sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Kailan ba ang kasal niyo?" tanong niya.

"After ng studies. Pero mukhang malabo ng mangyari yun hanggat di pa rin niya ako naaalala" napatingin na naman ako kay Mizzy and this time, mukhang napansin niya ako kaya nagtama yung paningin namin pero agad siyang umiwas na parang wala lang sa kanya yung mga titig ko.

"Naaalala?"

"Maniniwala ka bang naging kami dati ni Mizzy?" tanong ko. Tinitigan niya lang ako at mukhang sasabog na sa tawa. Ta mo, pati siya di naniniwala.

"Tunay nga kasi! Bakit ba ayaw niyong maniwala?"

"Eh sa di kapani-paniwala ehh. Tell me, nakailang girlfriends ka na?"

"Si Mizzy lang ang minahal at mamahalin ko" sagot ko.

"Tsk tsk. Kung naging kayo nga ni Mizzy, bakit pa kayo naghiwalay?" tanong niya.

"I took her for granted" sagot ko.

"Sa itsura mong yan ikaw pa talaga ang gumawa nun? Haha."

"Akala ko kasi ayos lang ang lahat kasi naka-arranged naman na kami at aabot din sa point na magiging asawa ko siya. Naging masama akong boyfriend sa kanya. I don't do romantic stuffs to her. Ni hindi ko nga siya nabigyan ng mga bulaklak dati kasi sa pag-aaral lang nakatuon ang oras ko" paliwanag ko.

"You're really a nerd huh?"

"I thought magiging proud siya sakin kung magiging mataas yung mga grades ko. Tsaka highschool palang kami that time, mas priniority ko ang pag-aaral pero saka ko lang na-realize na ang g*go ko after that accident" naiyukom ko ang mga palad ko ng maalala ko yung nangyari.

"Accident what?" I can see curiosity on her eyes. I trust Erin that much. I don't know pero gusto ko siyang pagkatiwalaan kahit kakakilala ko palang sa kanya at di ko alam ang motibo niya kung bakit niya ako tinutulungan. I just want my Mizzy back.

"She has an amnesia"

"What?!"

Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sa kanya ang lahat.

Mizzy and I are childhood friends. Childhood sweethearts too, I guess.

Kahit bata pa kami, pinaliwanag na samin ng mga magulang namin na arranged kami. Buhay business eh.

Tanggap naming dalawa yun tsaka unti unting nagkakagusto narin ako kay Mizzy nun kasi halos siya lang ang nakakasama kong babae.

I'm a nerd eversince birth. Yan ang mga sinasabi sakin dati. Mula gradeschool hanggang ngayon. Pero I don't look nerd anymore, thanks to Erin.

Sabi ko nga kanina kay Erin. I took her for granted. Tanging studies ko lang ang inuuna ko. Akala ko kasi ayos lang dahil kami parin naman kahit anong mangyari but that thoughts changed, after she got accident.... and that's because of me.

She Dance Like a GangsterWhere stories live. Discover now