Chapter 15

1.9K 34 17
                                    

***Anger***

Erin's pov

Ipinatong ko ang mga dala kong bulaklak sa puntod ng mom ko.

It's been 7 years since mag-isa nalang ako sa mundong to. It's been 7 years na nakaya kong hindi umiyak...

Napapikit na lamang ako at sa pagpikit ko, naalala ko na naman...

*flashback*

"Mommy!" sigaw ko ng sapilitang pinasok nila ako sa sasakyan. Ang dad ko ang nagda-drive habang nasa backseat kami ng kabit niya.

"Walang hiya kayo! Ibalik niyo ang anak ko!" sigaw ng mom ko habang kinakatok ang salamin ng sasakyan.

Mas lalong lumakas ang pagiyak ko ng umandar ang sasakyan.

"Ano ba! Manahimik ka nga!" sinigawan ako ng kabit ng dad ko. Tinignan ko siya ng matalim. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari to!

"Argh! Malandi ka! Malandi ka! Mang-aagaw!" at sinabunutan ko yung babaeng yun. Kahit na 12 years old palang ako, hindi ko magawang galangin ang babaeng to dahil simula palang... hindi na siya kagalang galang.

"Ano ba! Bitiwan mo kong bata ka!" 

"Erin stop it! She's your mom!" napatigil naman ako ng magsalita ang dad ko.

"Mom? Hindi siya ang nanay ko! Ibaba niyo ko dito! Ayokong sumama sa inyo!" at tinulak tulak ko ang dad ko para ihinto niya ang sasakyan.

"Stop it Erin mababangga tayo!" wala na akong nagawa, tumingin nalang ako sa labas and to my surprise, nakita ko ang sasakyan ng mommy ko.

Nandito siya! Kukuhanin niya ako!

"Mommy!" sigaw ko. Mas lalong binilisan ni dad ang pagmamanaeho. Para bang may karerang nagaganap. Pero hindi nagpapatalo ang mom ko. Sigaw ng sigaw si mommy ngunit wala hindi man lang naaawa ang dad ko. 

Tumingin ako sa likod. Nakita ko ang ibang sasakyan ng mga body gurads ng dad ko.

Masyado ng mabilis ang andar ng sasakyan. Natatakot na ako...

SCREEEEEEEEEEEEEEEECCCCCCCCCCHHHHHHHHHHHHHH

Para namang tumigil ang mundo ko sa biglaang paghinto ng sasakyan.

Nahihilo man, hindi na ako nag-aksaya ng oras para lumabas sa sasakyan ito. 

Kaso halos gumuho ang mundo ko ng makitang nakataob ang sasakyan ng mommy ko. Tumakbo ako papalapit dun at tuluyan na ngang nanghina ang katawan ko.

Napaluhod na lamang ako kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha ko. Ang mommy ko...

"M-mommy...." hinawakan ko ang dalawang balikat ng mommy ko. Mga dugo... Ang daming dugo..

"Mommy!" inalog alog ko ang katawan ng mom ko kaso ayaw niyang gumising. Ayokong isipin na wala na siya...

"ARGHHHHHH!!!!!!" napasigaw nalang ako ng may bumuhat sakin at isinakay na naman ako sa isang sasakyan. Sasakyan ng mga bodyguards ng dad ko. 

At ngayon ko lang napansin, may isa ding sasakyan na nadamay. Ng dahil sa sa walang kwenta kong dad...

Sinuntok ko yung lalaking nasa tabi ko atsaka tumakbo palabas ng sasakyan.

Kahit saan na ako pumunta basta malayo ako sa kanila... Gusto ko sa mommy ko..

Ayoko sa kanilang lahat. Mga traydor silang lahat!

*end of flashback*

Naiyukom ko ang palad ko sa muling pagbalik ng alaalang iyon... Sinusumpa ko silang lahat! Sila ang pumatay sa mommy ko!

She Dance Like a GangsterWhere stories live. Discover now