Chapter 7 - The Faithful Dog

180 7 5
                                    

Makalipas ang ilang buwan….

May nakakita sa aso sa labas ng train station, siya ay isang news reporter. Siya si Marco. Pumasok sya sa loob ng train station at kinausap ang ticket vendor:

Ayun ba yung aso na laging pinag-uusapan sa loob ng tren na ito? Mukhang magandang gawan ng storya yun ah.” Aniya kay Will na ticket vendor.

Ngumiti lang si Will at tuluyan ng nagpa-interview.

Lumabas ang dalawa para makita si Hutch.

Simon Jones, yan ang pangalan ng amo niya. Ako ang unang nakakita sa kanya dito sa loob ng tren at ibinigay ko lang sakanya.” Bahagyang pagsisinungaling ni Will.

So…. Sir Will… Saan sya nakatira??” tanong ng reporter

Hmmm actually hindi ko alam, hindi namin alam. He comes and goes.” Sagot ni Will

Ah ganun po ba, if you don’t mind sir pwede ko ba syang picturan? Para sa newspaper.”

“Oo naman, okay lang samin diba Hutch?” nakangiting tugon ni Will

“Ahh sir…. Yung aso lang po muna ang pipikturan ko”

“Ah siya ba muna? Sige” pahiyang sabi ni Will

1, 2, 3 and click.

“Sige sir, kayo naming dalawa. Smile.”

Madami ang nakakita ng article ni Hutch sa isang newspaper.

Faithful dog awaits return of his deceased master.

Marami ang naantig at napaluhang mga tao sa artikulong ito. Marami din ang nagpadala ng pera para sa maintenance ng health at para sa pagkain ng aso.

10 years na ang nakakalipas at muling bumisita si Katty sa puntod ng kanyang asawang si Simon. Nakita sya ng mga taga train station at nabigla sila sa pagbabalik ng asawa.

Nang nasa puntod na ito, nakita nya si Mr. Nakamura na may hawak na bulaklak para ialay sa matalik na kaibigan.

Kahit sampung taon na ng mamatay siya, hanggang ngayon ay nami-miss ko parin siya.” Paiyak na sinabi ni Katty

At agad agad naman siyang dinamayan ni Mr. Nakamura.

Pauwi na si Katty at sasakay na siya ng tren. Nagulat siya sa nakita. Hindi nya inasahan. Napaiyak siya dahil nakita niya ang matamlay at maduming aso na si Hutch na andoon parin sa labas ng istasyon ng tren para maghintay. Hindi ito umalis sa kinalalagyan nito para lang makitang muli ang pagbabalik ng kanyang yumaong amo na si Simon.

Lumapit si Katty sa aso.

Oh….. andito ka pa rin at naghihintay… oh hutch” naiiyak na sabi ni Katty

Madami ang nakakita ng kaganapang iyon. Madami ang nalungkot. Madami ang naiyak.

Niyakap ni Katty ang asong si Hutch…. Mahigpit ang yakap nito na parang niyayakap na din nya ang kanyang yumaong asawa.

Pwede ba akong sumama sa iyo sa paghihintay hanggang sa makarating ang susunod na tren?” iyak ng iyak si Katty. Maamo lang ang aso.

Thank you Hutch, thank you.” At muli nyang niyakap ang alaga

Naka-upo sila at matyagang naghintay…

Naka-uwi na si Katty at ipinakita nya ang mga lumang larawan sa kanyang apong si Joe. Kinuwento nya ang kanilang asong si Hutch na sobrang bait, sobrang loyal at sobrang mapagmahal sa kanyang amo. Sobrang namangha ang bata sa kanyang nalaman….

Isang araw….

Nang bumalik si Hutch sa train station, humiga siya sa lagi nyang kinauupuan at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Na-imagine nya na bumalik ang kanyang amo. Na ulit silang naglaro, nagyakapan at nagmahalan.

Hey Hutch, tara. Let’s go.” Sinabe ni Simon sa kanyang imahinasyon. Tumakbo takbo sila ng parang wala ng bukas.

…………….. “I love you Hutch.”

Hutch - A Dog's Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon