Chapter 5 - The Loyalty

162 6 1
                                    

Nasa paaralan na si Simon…. Nagtuturo na sya sa music class nya at tila hindi siya mapakali. Nababalisa siya dahil sa ginawa ng kanyang aso… Napaisip kung pano siya nasundan nito.

Uwian na at nasa loob na ng tren si Simon. Nag-iisip pa rin ito…

Si Hutch, alam nya na uuwi na ang kanyang amo. Nararamdaman niya ito.Alam nya kung anung oras at kung saan bababa galing ng tren. Nakakita siya ng malaking drum ng tubig at agad agad niya itong ginamit para makatalon at tumakas sa kanilang bakod. Mabilis na tumakbo si Hutch  para sunduin si Simon sa labas ng train station.

Nang makarating na ito sa istasyon ng tren…. Humanap ito ng pwesto, pwesto na kung saan ay makikita at matatanaw nya agad ang kanyang amo. Ito ay sa harap mismo ng pinto ng train station, naka-upo at naghihintay.

Madami ang naka-puna sa pangyayaring iyon. At nang makita ni Simon si Hutch sa labas ng train station…..

Arf arf!Arf arf!”

HUTCH!!!”

Arf arf!Arf arf!”sabay yakap kay Simon.

Hinintay mo ako???” Mapaluhang sabi ni Simon.

Tuwang tuwa si Simon sa nakita. Maiyak iyak siya ng makita ang kanyang aso na naghihintay sa kanya ng lubos sa labas ng train station. Kung titignan mo, para silang mag-ama na sobrang na-miss ang isa’t isa.

Kanina pa ba siya dito?” Tanong ni Simon kay Mang Kaloy na hotdog vendor sa labas ng istasyon.

Oo kanina pa, kanina ka pa niya hinihintay.” Tugon ni Kaloy.

Ang saya saya ko naman.Tara na Hutch at umuwi na tayo.”Hinimas himas nya ang kanyang aso. Naghabulan hanggang sa maka-uwi ng bahay.

Naulit ang mga pangyayari at araw-araw na nila itong ginawa. Kasama ni Simon sa pagpunta ng train station ang kanyang aso sa umaga at umaalis din pag nakasakay na ito. Bumabalik lang ang aso pag alam na nyang malapit na bumaba ng tren ang amo. Patuloy parin sila sa paglalambingan, sa paghahabulan, sa paghihintayan at sa pagmamahalan.

Dumalaw si Alice sa kanilang bahay at pinakilala ang kanyang fiancé na si Fred… Nagluto sila, nagkainan at naglaro-laro. Nilaro din nila si Hutch. At sa makatuwid, ikinasal din ang dalawa….

Isang araw……….. Umaga iyon at tinawag ni Simon si Hutch para ihatid na siya sa train station.

Hutch, tara na Hutch…”

Hutch?” Nagtaka si Simon…. Bakit hindi ito lumapit sa kanya. Dati naman ay agad agad itong lumalapit pag tinatawag nya ang pangalang iyon. Hinanap nya ang aso at nakita nya ito na tumatahol sa may bodega….

Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!”

Hutch, anong problema? What’s wrong?” at nang tinignan niya si Hutch, nakita nya na may kinakahulan itong maliit na skunk. Ang skunk ay isang uri ng hayop na pag na-ututan ka nito ay may likidong lalabas at ito ay nagtataglay ng mabahong amoy. Kakapit sayo ang baho at matagal maalis ang amoy sa ilong.

Agad agad na kumuha ng walis si Simon para tabuyin ang hayop na ito. Kumuha din sya ng kahon para doon itaklob ang skunk. Tahol ng tahol si Hutch na tila natatakot sa nakitang bubwit. Tuwang tuwa ang mag-amo nang makuha nila ang hayop…. Nang binuksan na nila ang kahon, bigla naman silang binugahan ng skunk ng madaming likido. Sabay tawa ni Simon sa nangyare….

Agad agad silang umakyat sa kwarto para maligo at maalis ang amoy. Nag-alis ng damit si Simon at ikinalat lang ito sa kanilang hagdan pataas ng kwarto. Nakita ito ni Katty….

Umakyat agad si Katty sa kanilang kwarto at nakita ang mag-amo sa bath-tub…

Anong nangyayari dito? Bat ang kalat kalat ng damit mo sa hagdan?? Pagalit na tanong ni Katty kay Simon.

Nabugahan kami ng mabahong likido ng skunk kanina. Ito, naliligo kami ni Hutch para maalis agad yung amoy.”

Ughhh ang baho! Ang baho! Bilisan nyo dyan kasi ang baho talaga.” Sabay sara ng pinto ni Katty.

Nang matapos silang maligo, inayos naman ni Simon ang higaan ni Hutch sa kanilang music room. Nakita na naman iyon ni Katty at nag-iba ang itsura ng mukha. Nagseselos ito sa nakikita niyang pagmamahal ni Simon para sa aso na parang nawawalan na ito ng panahon at oras para sa kanya…..

Kinaumagahan………

Dumating ang anak nilang Si Alice… May dalang magandang balita.

Ma, guess what? May good news ako.” Excited na sinabi ni Alice

Ano iyon anak?”

Ma, I’m pregnant. Buntis na ako Ma…” masayang sagot ni Alice.

(Si Joe ang naging kanilang anak. Siya ang tagapag-salaysalay)

Tuwang tuwa si Katty sa nabalitaan at niyakap ang anak. Sunod naman itong ibinalita ni Alice sa amang si Simon. Nakita niya itong nasa labas na minamasahe ang asong si Hutch.

Pa, anong ginagawa nyo dyan? Hi hutch…” hinimas ang ulo ng aso.

Minamasahe ko si Hutch, sabi kasi maganda daw ang massage sa aso. Nakaka-relax daw ito.” Tugon ng ama.

Pa, magiging lolo ka na.” sabi ng anak.

Hindi umimik si Simon, tila walang narinig at busy pa din sa kaka-masahe kay Hutch.

PA, MAGIGING LOLO KA NA!!” inulit ni Alice ang sinabe.

Anong sabi mo?? Tama ba ang narinig ko????????”

“CONGRATULATIONS anak!!!” pasigaw na sabi ni Simon at niyakap ng mahigpit ang anak. Bumalik sila sa loob ng bahay, sa sobrang excitement ay nakalimutan na niya ang kanyang asong si Hutch.

Biglang nalungkot si Hutch sa nangyari, iniwan na lang siya nito ng bigla-bigla pagkatapos na nabalitaan ang kalagayan ng anak.

Umaga….. Tinawag na ni Simon si Hutch para ihatid siya sa tren.

Tara Hutch. Come come!”

Ngunit tinignan lang siya ng aso at hindi umimik. Parang nagtatampo dahil sa ginawang pag-iwan nito sa kanya nung isang araw. Hindi siya sumama nung umagang iyon.

Anong problema Hutch? Tara na at baka ma-late ako.”

Arf arf! Arf arf!” tahol lang ng tahol ang aso… 

Ano, sasama ka ba??? Last chance? Tara? Ok ayaw mo ah…” at iniwan na ni Simon ang kanyang aso.

Nang umalis na si Simon, biglang nag-dalawang isip si Hutch…. Kinuha nya ang kanyang maliit na bola na nasa bodega at hinabol nya ang amo sa may train station. Nahabol nya ito at nakita siya ni Simon.

Hutch, kala ko di ka na sasama eh…” masayang sinabi ni Simon

Pinakita ni Hutch na dala nya ang maliit na bola at ready na syang makipaglaro ng fetch sa amo.

Ano yang dala mo? Wow! Hutch handa ka na makipaglaro sakin?” nagulat sya sa nakita. Masaya si Simon sa nakita dahil naalala nya ang nakita niya sa internet na hindi marunong mag-fetch ang mga ganyang klaseng aso. Ginagawa lang nito yun kapag may espesyal na okasyon.

Kita nyo yun? Marunong na syang mag-fetch oh” sabi ni Simon sa mga taong naka-kita.

Naglaro muna ang dalawa sa labas ng train station at saka pumasok na din si Simon sa kanyang trabaho. Dinala ni Simon ang maliit na bola at inilagay nya ito sa kanyang bag. Pinauwi na nya si Hutch at maya-maya ay maglalaro ulit sila.

Hutch - A Dog's Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon