Chapter 2 - The Family

262 9 5
                                    

Nga pala, ang pangalan ng lolo ko ay “Simon Jones.” Siya ay isang music professor sa isang unibersidad.

 

Nang maka-uwi na sa bahay si Simon, agad agad niyang dinala ang napulot na tuta sa kanilang music room na naka-sound proof. Nilagay niya ang tuta sa malaking kahon, naglagay ng manika para may mapaglaruan ito. Hanggang sa bumaba ang kanyang asawa na si Katty, ang lola ko.

Simon, honey andiyan ka na ba?” pasigaw niyang sabi.

Oo honey, nandito na ako at kauuwi ko lang.” natatarantang sagot ni Simon habang mabilis na sinasara ang pintuan ng music room ngunit hindi nya gaano itong nasara.

Nagpalit na ng damit si Simon at agad na silang umakyat ni Katty sa kanilang kwarto para mag pahinga…. Nasa kama sila habang ang tuta naman ay naka-alis ng kahon at hinanap ang kanyang bagong amo. Tila black and white lang ang kulay na nakikita nito.

“Kamusta ang trabaho mo hon?” Sabi ni Katty.

Okay naman, ito pagod. Ang daming mga pasaway na bata kanina sa klase ko. Parang hindi mga kolehiyo. Ang gu-gulo.” Painis na sagot ni Simon

Ganyan talaga, onting pasyensa na lang……”

Habang nagsasalita ang asawa na si Katty, bigla na lang inamoy ng tuta ang paa nito at napa-sigaw….

Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!” sigaw ni Katty

Jusko, ano yon?!?!?!?! Ano yan Simon!!! ASO???”

Oo Katty, natagpuan ko siya sa train station kanina. Walang may ari, kaya ito inuwi ko muna. Ang cute niya diba?” patuwang sagot ni Simon.

Bukas na bukas gagawa tayo ng lost and found na mga papel at ilalagay sa mga bulletin board para mahanap ng may ari kung san napadpad ang kanyang aso!” pa-galit na sabi ni Katty.

Dahil ayaw ni Katty sa aso…. Napagpasyahan ng mag-asawa na ilagay na lang muna ang aso sa kanilang bodega sa labas. Malawak ang bodega at mahangin naman na pwedeng maka-hinga ng okay ang aso. Kinuha nya ang kahon sa music room at inilagay niya ulit ang aso doon.

Kinaumagahan….

Daddy, bakit may aso dito??? Ang cute naman!!”

“Ah anak, nakita ko siya sa train station kahapon. Sasabihin ko sana sayo kagabi kaso tulog na tulog ka na.” Sabi ni Simon sa anak na babae na si Alice.

Can I keep this puppy, dad?” tuwang tuwa na sabi ni Alice.

Ahm hindi pwede anak, hindi naman sa atin iyan. Baka sa ngayon ay hinahanap na sya ng kanyang amo.” Malungkot na sagot ni Simon.

Dumating si Katty na may bitbit na kamera…

Alice, halika dito at kargahin mo yang aso sa braso mo. Pipiktyuran ko para sa lost and found niyang papel.”

“Tingin ka sa kamera puppy! Smile!” nakangiting sabi ni Alice.

1-2-3 and click………..

Aalis na ako hon, papasok na ako sa trabaho at dadalin ko na yang aso na yan. Pahingi na din ako nung mga lost and found na papel para madikit ko na sa mga bulletin.” Nagmamadaling sabi ni Simon. Inilagay nila ito sa malaking bag para hindi mahalata ng mga tao sa tren at saka umalis na patungo sa train station.

Sa train station, ticket booth…..

Ano Will, anong balita? Wala parin bang naghahanap sa asong ito??”

Wala parin po sir eh….” Tugon ni Will.

Ah ganun, ok sige. Ipo-post ko dito yung lost and found picture nya at baka sakaling may makakita sa kanya.” Sabi ni Simon at idinikit na ang papel.

Sa loob ng tren….

Kumuha ng gatas si Simon sa kanyang bag para painumin ito sa tuta…. Uminom ang tuta at nang maubos na, nag ingay ito sa tren. Tumingin ang isang ale kina Simon at baka doon nang-gagaling ang mga tahol.

Nang makita ni Simon na tumingin ang babae…. Agad agad siyang nagpanggap na siya ang tumatahol.

Ahhhrf arf”, tahol ni Simon.

Bark bark”. At tuluyan ng lumihis ng tingin ang ale.

Nakarating na sila kung saan nagtuturo ng Music Class si Simon…. Tumugtog siya ng piano at nagsitayuan na ang mga estudyante para gawan ito ng sayaw… Sumayaw ang lahat at narinig ito ng aso. Lumabas ang aso sa bag kung saan siya tinago at naglakad

Ay sir, may aso.” Banggit ng isang estudyante.

Natagpuan ko yang aso na yan kagabi.” Sabi ni Professor Simon.

Nilaro ng mga estudyante ang aso….

Makalipas ang isang oras…. “BELLLLLL!!!”

Ok class, uwian na. Bukas na lang natin ulit ito ipagpatuloy. Tandaan nyo ng mabuti kung ano ang mga steps na ginawa nyo ngayon.”

Bye sir.” Sabi ng mga estudyante.

Hindi muna umuwi si Simon at dumiretso siya sa kanyang matalik na kaibigan. Siya si Mr. Nakamura, isang hapon.

“Pare, tignan mo. May napulot akong aso…. May dog tag siya pero hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Mukhang hapon ang nakalagay kaya nag-tungo na ako sayo. Ano kaya ang ibig sabihin nyan?” Sabi ni Simon…

Patingin nga Simon…..” at nakita ni Mr. Nakamura ang dog tag.

“Ahhh ito ba…. Hutchiko ang naka-sulat sa leeg nya. Ang ibig sabihin nyan sa lengwahe naming ay “Eight" and represents confidence, good fortune and comfort.

Oh? Wow naman, yun pala ang ibig sabihin ng nakalagay dyan sa dog tag nya. Swerte pala siya.” Masayang tugon ni Simon.

Pare, tanong ko lang…. Natagpuan mo ba siya? O siya ang nakatagpo sayo?” tanong ni Mr. Nakamura.

…. Napaisip si Simon sa nasabi ng kanyang kaibigan. Mukhang may punto siya sa nasabi nito, siguro nga ay para talaga sa kanila ang aso na yan.

Hutch na lang ang itatawag ko sa kanya. Hutch come, come!”

Hutch - A Dog's Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon