Chapter 6 - The Waiting

154 6 1
                                    

Nang makarating na si Simon sa kanyang pinagtratrabahunan, nag simula na syang magturo sa kanyang klase. Nag-piano sya habang nakikinig ng tahimik ang mga estudyante, nilagay nya ang maliit na bola sa harap ng piano….

Kinuha nya ang maliit na bola para maging confident sya sa pagtuturo. Tumayo sya at nagsalita sa harap ng klase.

Naaalala nyo ba na pinag-usapan natin nung isang araw si John Philips?? A great march composer. Sobrang sikat na tao, halos lahat kilala siya pero siya din ang isang tao na hindi pinayagan na ma-record ang kanyang mga musika.”

Ano sa tingin nyo class? Tama ba ginawa nila iyon kay John Philips? Sa akin…. Matanda ako ng ilang edad sa inyo, pero alam ko na there’s an element of music that cannot be captured, that life cannot be captured, that heart cannot be captured.

Patuloy pa rin sa pag sasalita si Simon nang biglang naghabol na sya ng hininga. Sumikip ang dibdib nya. Hindi na sya maka-hinga. Napa-upo sya sa silya at kala lang ng mga estudyante ay nagbibiro ito…. Nang maka-upo na sya, tumawa pa sya. Tumawa din ang mga estudyante. Hinawakan na ni Simon ang kanyang dibdib, nahulog sa kinauupuan at tuluyan nang…………

Mamatay.

Namatay si Simon dahil sa isang “fatal heart attack”.

Nung araw na iyon, wala pa sa pamilya ang nakaka-alam ng nangyare. Patuloy parin na naghintay si Hutch sa harap ng train station para salubungin ang kanyang amo. Ginabi na ito pero wala parin ang kanyang hinihintay.

Dumating ang asawa ni Alice na si Fred para sunduin ang aso. May dala itong dog chain para ilagay sa leeg ni Hutch.

Tara hutch, uwi na tayo” sabi nito.

Nang makarating sa bahay, nakita ni Hutch na nag-iiyakan ang mag-anak. Humahagulgol sa iyak at nagyayakapan. Nalungkot ang aso at nagmukmok sa isang tabi ng bodega.

Inilibing na ang mga labi ni Simon ngunit pa-tuloy pa rin ang pagbalik ni Hutch sa labas ng istasyon para hintayin ang kanyang amo. Araw-araw, gabi-gabi, andun lang sya na naka-upo at masugid na naghihintay.

Nang mamatay ang asawang si Simon, binenta na ni Katty ang kanilang bahay. Lumipat na lang sya sa bahay nila Alice at Fred kasama na ang kanilang anak na si Joe. Isinama na din nila ang asong si Hutch sa paglipat.

Nasa loob ng bahay si Hutch at nilalaro siya ng musmos na batang si Joe. Nakita ng aso na bukas ang pinto at bigla-bigla itong kumaripas ng takbo palabas. Hinabol siya si Fred ngunit hindi niya ito naabutan. Kung saan-saan naghanap ang mag-asawang Alice at Fred at natagpuan din nila ang aso. Naka-upo at naghihintay sa labas ng train station.

Nag-alala ang mag-asawa sa nakita…. Kinuha nila ang dog chain para iuwi na si Hutch. Nang maka-uwi na ang pamilya, nakita ni Alice na malungkot na malungkot ang aso at naka-tingin sa bakod na tila ay gustong tumalon para maka-alis. Naawa si Alice at kinausap ang aso:

Hutch, alam kong mahirap tanggapin. Mahirap mawalan ng minamahal sa buhay. Mahirap mabago ang mga naka-sanayan. Gusto ka naming na mag-stay dito kasama kami pero kung gusto mo na talagang umalis, maiintindihan ka namin. Gawin mo na ang dapat mong gawin Hutch.” Naluluhang sinabi ng bagong amo.

Binuksan na ni Alice ang bakod at tumingin lang sa kanya ang aso. Naglakad ng onti palabas ng bakod si Hutch at lumingon ulit ito. Ngumiti si Alice sa nakita at tumungo na nagpapahiwatig na “sige, pwede ka nang umalis”. Agad agad ng tumakbo ang aso papalayo at tuluyan ng bumalik sa train station para muling mag-hintay.

Hutch - A Dog's Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon