Chapter 15

463 11 2
                                    

Chapter 15

Icy's pov

"Ch..Chubs?."

Nginitian niya ako at lumabas ang malalim niyang dimple sa kanang pisngi. Siya nga talaga si chubs ang tanging taong tumatawag sa aking freezer.

"Yes my lady it's me. Finally nagkita muli tayo." niyakap niya ako habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala.

"Hindi mo ba ako na miss? Anyway I have to go may gagawin pa ako, kita nalang ulit tayo sa birthday mo siguro naman invited ako di ba?." wala sa sariling tumango ako,  hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.

Si chubs na kahit kailan parang multo na bigla nalang magpapakita at magpaparamdam. Kahit na nagkita na kami wala pa ring magbabago sa pagmamahal ko para kay ibon.

Hindi ko alam kung anong meron sa final event at pinapapunta niya ako, ang alam ko lang sinugurado ko na maganda ako sa gabing ito. I wear a royal blue dress na kita ang makinis at maganda kong hita, nagsuot din ako ng heels pero hindi kataasan, hinayaan ko lang ilugay ay buhok kong mahaba na medyo kulot sa dulo inayos ko lang ng konti ang bangs ko at naka light make-up lang din ako.

"Icy-chan are you ready?" Yuki asked while smiling so wide and I have the feeling na parang dalawang ibig sabihin ng tanong niya. I just nodded before checking myself in the big mirror of my room for the nth times.

"Icy-chan tara na! you know what bestie I envy you, you are perfectly deadly gorgeous" tinignan niya ako from head to foot, i just smiled for knowing the fact.

"Let's go" nauna na akong lumabas ng kwarto ko, naramdaman ko namang nsa tabi ko na ito habang bumababa ng hagdan.

"Yuki can you stop staring me like that, pakiramdam ko tuloy may gusto ka saakin at pinagpapantasyahan mo ako" 

"You can't blame me ang ganda mo kasi tonight at huwag kang mag-alala bestie hindi ako lesbi, may nagugustuhan na nga ako kaso ang morenong lalaking 'yun napaka sungit"  I hit her shoulder.

"Ngayon gabi lang ako maganda? ibig mong sabihin sa araw-araw na ginawa ng diyos ngayong gabi lang ako gumanda?" I frowned and she chuckled.

"Oo hahaha" bago ko pa man siya mahampas ng dala kong maliit na bag ay nakatakbo na ito at  nagtago sa likod ni Sun na busy sa pagtitext.

"Ano ba 'wag kayong magulo" saway nito sa amin ni Yuki na busy sa pag hahabulan.

"Icy-chan masakit pa ang mga muscles ko sa binti kaya time out muna sa paghahabol" sabi nito saka umupo sa couch.

Na alala ko ang araw  na hinahabol ito ni ibon, umupo ako sa tabi nito habang minamasahe niya ang kanyang binti.

"Yuki care to tell me kung bakit ka hinahabol ni ibon kahapon?" I asked with a curious tune.

"Nahulugan ko kasi siya ng dala kong mga pinggan sa paa" she explained and I narrowed my eyes. 

"Sinaktan mo ang ibon ko?" napaatras naman ito ng upo saka hinarang ang dalawang kamay sa harapan niya na parang ginawang shield.

"kayong dalawa tama na 'yan, aalis na tayo baka malate pa tayo at ayaw kong palagpasin ang mangyayari mamaya" Sun said while giving me a wink.

Tumayo si Yuki habang nagtatalong maglakad papunta kay Sun na nasa pintuan akala ko ba masakit ang binti ng haponesa na'to? " Icy-chan let's go, it's your night bestie" napakunoot noo naman ako dahil sa sinabi ni Yuki, pinanlakihan naman ng mata ito ni Sun habang si Yuki ay naka peace sign ok what was that?!.

Pagkarating namin ay sinalubong kami ng engrandeng gate ng aming paaralan kulay ginto ito at mga mga palamuting nakasabit at may mga umiilaw palibot dito, may red carpet na nasa entrance ng gate. Akala mo nasa isang malaking pagdiriwang ka at may dadating na hari't reyna masyado namang pinag handaan ng aming University ang event na 'to they spend a big cash for this.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon