Chapter 2

614 16 5
                                    

Chapter 2

Icy's pov

 "Chichi huwag ka ng malungkot babalik din naman ako basta lagi mo lang tatandaan lagi kang nandito sa puso ko at natatandaan mo pa ba ang pangako natin sa isa't isa? ang pangako ay pangako at walang makakabali nito hangang sa muli nating pagkikita."

"Chubs huwag mo akong iwan!." Napabalikwas ako ng higa habang mahigpit na hinahawakan ang swan stuff toy na bigay ni Chubs bago ito umalis.

"Bestie ayos ka lang ba?." Nakita ko sa mga mata ni Sun ang pag-aalala.

Nginitian ko lang siya ng pilit kahit sa totoo hindi ako maayos, isang alaala na labis kong kinalungkot noon at heto ulit ngayon nagpapahiwatig muli matagal ng panahon ang nakalipas, na aalala niya pa kaya ang pangakong binitawan namin sa isa't isa? Kasi ako sariwang sariwa pa sa aking puso't isipan ang mga pangakong iyon.

"Icy huwag kang panghihinaan ng loob tiwala lang magkikita ulit kayo, ang haba naman ng biyahe nangangawit at manhid na ang puwet ko sa kakaupo pakiramdam ko tuloy tinurukan ng anestisya ang puwet ko." Pagrereklamo ni Sun habang hinihimas ang isang parte ng kanyang pwet.

"Ang kuripot mo kasi Sun sabi naman namin sa'yo ni Yuki mag eroplano nalang tayo para ilang minuto lang nasa Maynila na tayo." Sabi ko rito habang kinukusot ang isang mata ko, sa aming tatlo si Sun ang pinaka kuripot hindi pa nga kami niyan nililibre.

"Aba may kotse lang din naman kayo gagastos pa tayo ng sobrang mahal at yung ipapamasahe natin sa eroplano igastos nalang natin sa ibang bagay" May point naman siya pero mas madali lang talaga makapunta sa Manila kapag nag eroplano.

"Ang sabihin mo Sun-chan takot ka lang sa mataas." Sabay hikab ni Yuki na kakagising lang.

"Hoy haponesang hilaw hindi ako takot sa matataas ang tawag lang talaga dun ay pag-iingat at anong tawag mo sa pagsisigaw mo tuwing nakakakita ka ng butiki?" Sabay bato nito ng maliit na unan kay Yuki na nasa second row na nakaupo.

"Anong tawag sa pagsigaw edi sigaw." Pamimilosopo ni Yuki at binato din pabalik kay Sun yung unan na binato sa kanya kanina.

Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang dalawa dahil sa tuwing nag-aasaran sila matagal matapos, natatapos lang ito kapag na ubusan na sila ng sasabihin.

Nagpapasalamat ako sa maykapal dahil nawala man ang unang bestfriend ko pinalitan niya naman ito ng dalawang lokarit na babaeng may sayad sa utak pero huwag kayo mahal ko ang mga 'yan.

"Oops sorry Icy-chan." Pinulot ko ang maliit na unan na nasa sahig at saka tumingin ng masama kay Yuki.

"Aah ganun! Walang sorry sorry sa taong lonely." Saby bato ng malakas kay Yuki at sapol sa kanyang mukhang maliit.

"Icy malungkot ka?." Tanong ni Sun saka ako binato ng isa pang unan na maliit.

"Oo kanina pero ngayon hindi na." Binato ko din siya ng hawak hawak kong swan stuff toy at sapol ito sa baba niya.

"Ang unang sumuko ang babayad ng kakainin natin mamaya." At sabay kaming binato ni Sun mabuti naka ilag ako agad pero si Yuki sapol sa noo.

We are the crazy kid at masaya akong maging baliw basta sila ang kasama ko.

~~~

Mag aalastres na nang umaga kami nakarating sa Manila pero wala pa kami sa bahay na tutuluyan namin nandito kami ngayon sa labas ng isang convenient store kumakain ng umagahan si Yuki ang taya dahil siya ang talo sa aming boomboomnatic fight.

"Icy-chan hindi ka ba masusuka sa pagkain mo?." Takang tumingin ako sa kinakain ko anong mali dito? Sinasawsaw ko lang naman sa kape ang hotdog sandwich at yung inumin ko na pineapple juice ay hinaluan ko ng chocolate sabihin niyo nakakasuka ba? hindi di ba?.

"Maging adventurous ka din kasi Yuki huwag puro plain ang boring." Iyon lang ang nasabi ko at nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Hayaan mo na siya Yuki parang hindi kana nasanay kay Icy alam mo naman 'yan galing sa ibang planeta kaya kakaiba ang panlasa." Sinamaan ko lang ng tingin si Sun na kampanteng umiinom ng fresh choco milk.

"Icy-chan anong una mong gagawin kapag nahanap mo na si chubs?." Tanong ni Yuki na punong puno ang bibig ng mamon.

Napaisip ako sa tanong niya sa totoo lang hindi ko pa alam ang gagawin, babatukan ko dahil hindi niya man lang ako hinahanap? pero baka hinahanap niya din ako, yayakapin dahil sobrang miss ko na siya? hahalikan sa buong mukha except sa labi wait bakit hindi pwede sa labi? Alam kong mapula ang labi ni chubs noong mga bata pa kami hanggang ngayon kaya mapula pa din ito? Waaah ang sarap sigurong kagatin aaah ang landi ko! Aah alam ko na sasabuyan ko nalang siya ng ihi ko katulad ng ginawa ni lola kay lolo para instant na maging kami. Oh my! kinikilig ako kapag iniisip ko na magiging kasintahan ko si Chubs.

"Sabi sa'yo Yuki galing siya sa ibang planeta tignan mo ngumingiti mag-isa."

"Pwede namang 'yan ang side effect ng kinakain niya di ba?."

"Besties sa tingin niyo ba kapag ginagawa ko sa kanya ang ginawa ni lola kay lolo magiging kami din kaya?." Tanong ko sa kanila habang umiinom ng juice.

"Hindi." Sabay nilang sagot.

"Icy-chan you better make your sariling moves 'wag kang gaya gaya." Sabi ni Yuki habang kumakain ng butong pakwan habang sinasawsaw sa suka, aba sinunod nga ni Yuki ang payo ko na 'wag maging plain.

"Tama si Yuki gumawa ka ng sarili mong kwento huwang mong gayahin kung paano nag simula ang love story ng mga grand parents mo, be unique Icy at kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't isa edi mabuti pero kung hindi move on." May punto si Sun kaya napatango ako sa sinabi niya pero napa iling ako sa ginagawa niya dahil kinakain niya lang naman ang balat ng butong pakwan ni Yuki.

"Aah kung sina lolo't lola ay ang ihi ang naging dahilan ng kanilang pagiging mag kasintahan edi kami naman ay tae." Ang galing ko talaga mag-isip "Tae ko ang ibibigay ko sa kanya hahahaha."

"Nakakadiri ka Icy anak ng tae!." Mas lalo akong tumawa sa itsura ni Sun na hindi malaman kung masusuka o nandidiri.

"Icy-chan bakit 'yun pa ang naisipan mo? Marami naman ang pagpipilian mo tae pa talaga ang napili mo." Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sagutin si Yuki.

"Simple lang para hindi niya ako makalimutan at para hindi siya humindi dahil kapag hindi ang isasagot niya ibabato ko sa kanyang mukha ang tae ko hahahha." Oh my! kahit ako nandidiri sa iniisip ko pero seryoso ako tae talaga ang ibibigay ko sa kanya.

True And Extraordinary love, aba choosy siya kapag hindi niya tinanggap ang tae ko.

"Ewan ko sa'yo Icy tara na! Para makahiga na ako sa malambot na kama kanina pa ako inaantok hindi ako naka tulog ng maayos habang ansa byahe." Pagyaya sa amin ni Sun nauna na itong umalis habang kami ni Yuki ay nililigpit ang mga pinagkainan namin para itapon sa malapit na basurahan.

"Icy-chan maganda ba yung school na pinili mo?." Tinapon ko muna sa basurahan ang dala kong basura bago ko siya sinagot.

"Sa totoo lang hindi ako sigurado, na hook kasi ako sa motto ng school nila." Sabi ko rito habang pinupunasan ang mga kamay ko gamit ang tissue.

"Anong motto nila?." tanong nito habang nauunang maglakad.

"Ay shit." Sabi ko ng makaapak ako sa tae.

"Shit this." Sabi naman ng isang boses na nakaapak din sa taeng inaapakan ko.

Bakit ba kasi ang laking tae nito? ang lawak lawak ng daan dito pa sa gitna tumae, napamura tuloy ako ng wala sa oras.

"I shit, shit this 'yan ba ang motto ng school natin bestie?." Napa made face naman ako sa tanong ni Yuki na patuloy pa din sa paglalakad. 

Bakit siya hindi niya naapakan ang taeng 'to? Siya kaya ang mas nauna sa aking maglakad at bakit sa dinami daming taong masi shareran ko ng tae ay itong lalaking kung maka pag mura ay wagas.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto, siya ang unang umiwas at naglakad papalayo at sa hindi ko ianasahang pangyayari pareho kami ng sinabi.

"Tae nga naman."

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon