Chapter 14

439 10 0
                                    

Chapter 14

Icy's pov

Mabilis dumaan ang araw at dalawang linggo na akong hindi pinapansin ni Sean. Ang dami ko na ngang ginawang pangpapansin pero dedma lang ang nakukuha ko sa kanya, ganun na ba siya kagalit sa akin dahil lang hinalikan ng lalaking 'yun ang kamay ko hindi ko naman 'yun ginusto.

Kapag may mga kumakausap o nagtatanong sa aking mga kaklase kong lalaki ay dumidistansya ako ng limang metro. Na isip ko nga na magsuot ng malaking placard kapag may lalapit sa aking lalaki na may nakasulat na 'Huwag kang lalapit may Anghit ka' kaso magmumukha akong masama. 

"Icy matatapos na ang School Festival ganyan ka pa din." sabi ng isa kong kaklase na babaeng may mahabang baba at may maiksing bangs.

"Ganito talaga kapag wala ang energizer." walang gana kong sagot habang masusing tinitignan ang kutsarang ginamit kanina ni ibon.

"Mabuti pa Icy tulungan mo nalang sila doon sa both natin na mag serve, sayang ang ganda mo kung itatago mo lang dito sa may tent, kung ganyan ang mukha ko sayo kanina ko pa 'yan ibinandera, gusto mo palit tayo ng mukha?."

Napatigil ako bigla sa ginagawa ko, inangat ko ang tingin ko at masusi ko siyang pinagmasdan, maganda ang kanyang pangangatawan ngunit hindi ganun kaganda ang kanyang mukha, ano nga bang tawag dito? hipon ba 'yun? oo hipon nga siya pero mabait.

"Alam mo Bita kung ako sa'yo hindi ko nanaisin na palitan 'yang mukha mo, napaka unique bihira lang ang may ganyang mukha at saka malayo ka sa mga masasamang tao lalo na sa mga rapist at manyak " tinignan niya ako na may pagtataka sa mukha bago ulit ito naghugas ng mga pinggan.

"Anong ibig mong sabihin?" 

"May deadly weapon ka kasing dala dala." napatingin ito sa akin at ako naman ay nakahawak sa baba ko.

"Ang sama mo Icy" natatawang sabi nito na may panggigigil. 

Nag peace sign naman ako pero winisikan niya ako ng bulang galing sa paghuhugas nito. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo at lumapit ako sa puwesto nito, kumuha ako ng maraming bula at hinilamos sa mukha niya. Nagulat ito sa ginawa ko kaya naman kumuha din siya ng mas maraming bula at nilagay ito lahat sa buo kong mukha pati na rin sa ulo ko.

Nauwi ito sa bubble fight, halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagtawa. Kung kanina halos binagsakan na ako ang matulis na baba ngayon naman ay halos lumipad na ako sa sobra kong pagtawa dahil sa baba ni Bita na may tumutulong tubig, naiimagine ko kasing nasa cave ako at ang baba niya ay katulad ng mga batong matutulis na nasa itaas at may tumutulong tubig.

"Ewan ko sa'yo Icy! Umalis kana nga hindi ka naman nakakatulong dito." sabi nito habang pinupunasan ang buong mukha.

"Bita naman sorry na, pangako hindi na kita iisturbuhin sa paghuhugas at pagluluto mo." nakangiting sabi ko dito habang pinupunasan ko ang buhok ko.

Mag-isa lang kasi dito si Bita na naka assign sa tent ng aming booth na nasa katabi lang din naman, bilib ako sa babaeng 'to kasi kahit inaapi siya ng marami nakakaya niya pa ding harapin sila na nakangiti kung minsan nga naiinis na ako sa sobra niyang kabaitan. Sa buong klase kasi namin si Bita lang ang scholar at nag-iisang mahirap.

"Bita alam mo naiinis ako sa sobra mong kabaitan, kailangan mo din naman ipagtanggol ang sarili mo, maging palaban ka din paminsan minsan huwag mong hayaang apihin ka, ikaw lang din naman ang nagbibigay dahilan para ganyanin ka." lumapit ako sa kanya para yakapin siya para ipadama na hindi siya nag-iisa.

"Icy salamat at naging kaibigan kita." niyakap niya din ako kaya napangiti ako.

I tap her shoulder bago kumalas sa yakapan namin, pinunasan ko din ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"Ano bang pwede kong maitulong sa'yo dito? Wala kasi akong alam pagdating sa pag lilinis at pagluluto." nahihiyang sabi ko rito habang ginagala ang tingin sa buong tent.

"Wala, kaya ko na'to hindi mo ba pupuntahan ang mga best friend mo?" tanong nito habang inaayos ang mga hinugasan niya kanina.

Umiling ako, isa lang naman kasi ang gusto kong puntahan.

"Bita tutulungan nalang kita" pamimilit ko sa kanya kaso malaking No ang nakuha kong sagot nito

Nakalabi akong naglakad palabas ng tent, kasi naman tutulungan na nga ayaw pa ahmp ang arte lang!. Tinignan ko ang booth namin na maraming mga taong kumakain, isa itong Snack Bar na kung saan ay naka suot ng maid costume ang mga kaklase kong babae at lalaki. Ang iba naman sa amin ay taga bigay ng flyers ng booth namin habang ako walang ginagawa.

Na agaw ang atensyon ko sa sigaw ni Yuki na tumatakbo sa soccer field. Napakunot ang noo ko dahil hinahabol siya ni ibon, ok! anong meron? habang tumatakbo si Yuki ay hinuhubad niya ang high heels na suot niya at basta nalang itinapon ng sa kung saan nakita kong natamaan nito ang lalaking nakatalikod at may suot na sumbrero na nakaupo sa isang bench.

"Hoy haponesang hilaw humanda ka kapag naabutan kita" sigaw ni ibon habang mabilis na tumatakbo, malapit na nitong maabutan si Yuki knowing him sigurado akong malilintikan si Yuki kung anuman ang nagawa nito kay ibon.

"Yuki bilisan mo ang pagtakbo malapit ka na yang maabutan" sigaw ko sa bestie ko na halos maututumba na sa pagtakbo.

Napahinto si ibon sa pagtakbo habang nakatingin ito sa akin ng masama, napakagat naman ako sa labi  ko at iniwas ang tingin dahil hindi ko makayanan na tignan niya ako ng ganyan.

"Icy ayos ka lang?" malungkot akong tumingin sa likuran ko.

"Sun hindi ako okay!" napabuntong hininga ako bago tumingin sa soccer field nakatyao pa rin si ibon doon pero hindi na ganun kasama ang tingin niya sa akin.

"Anong problema mo?" tinignan ko siya ng maagi naka sout siya ng maid costume na lagpas tuhod naka ponytail ang buhok nito at may light make-up naka killer heels din ito tulad nang kay Yuki.

"Icy alam kong maganda ako kaya wag mo na akong tignan ng ganyan, ano nga ang problema mo?" naka pamaywang ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay minamasahe ang batok nito.

"Ang problema ko ay masyado na akong na iinlove kay Sean"nalaglag ang panga nito at  para itong tinamaan ng freeze ray at hindi na makagalaw.

Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko, sinipa sipa ko din ang bato na nasa paanan ko habang sinuslyapan ko si Sun. Nang natauhan na si Sun ay hinawakan nito ang kamay ko. 

"Icy kailan ang kasal" nalaglag naman ang panga ko dahil sa sinabi niya.

kapag inlove kasal agad? pinalo ko naman ito sa kanyang braso.

"Saan mo naman napulot ang ganyang ideya na kapag in love kasal agad?" I asked and she laughed.

"Napulot ko sa daan"  I sighed dahil sa pamimilosopo niya.

"Sun kung may ganyan nga lang na law sana matagal na kaming kasal" I said as I tried to hide my smile.

"Do para mo na ding sinabi na gusto mo na talagang ikasal" I mutely nodded my head. She took my hand with a big smile on her face " basta abay ako". I smiled as a sign of yes.

"Bestie hindi ko ma figure out ang mararamdaman ko kapag kinasal na kami" kilikilig ako habang sinasabi ito sa bestie ko, kailangan ko na siyang sagutin para ikasal na kami. Agad-agad hindi pa kami graduate I don't care makaka grad. naman kami kahit kasal na di ba? papayag kaya 'yun?.

"So congratulations for your future wedding, Icy Freeze Sandoval" A familiar voice said, and I saw out of the corner of my eye. Sean leave. I turned to look at his retreating back and I bit my lower lip.

"Bestie titignan mo nalang ba siya? Go and explain" I heard Sun say while pushing me.

"Sean" I heard myself scream his name and he stopped. I walked towards him and it wasn't long before I started to running. "Sean it's not what you think" I said when I reached him. "yung tungkol sa kasal it's our wedding, 'yun ang pinag-uusapan namin ni Sun" I almost whispered it.

"Be there at the final event" he said without giving me a glance and he started to walk.

Hindi ko napansin ang pagkalabit sa akin kung hindi niya pa winagayway ang kanyang kamay sa harap ko.

"Hi Freezer"

"Ch..Chubs?"

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon