Chapter 1

884 18 8
                                    

Chapter 1

"Icy bakit ba ang kupad-kupad mong kumilos? Aba mahal kong prinsesa ng kawalan kung hindi ka magbabago sinasabi ko sa'yo hindi ka makakahanap ng isang makisig, maginoo, matapang, mabait, mapagmahal, maunawain, maaruga, maasikaso sa madaling sabi katulad ng lolo mo."

Si lolo na kung kumilos ay parang babae pero mahal na mahal ko lalo na ni lola, tinigil ko muna ang pag bubunot ng mga damo saka tumingala sa langit I miss you lolo.

"Aba naman apo mamaya ka na mag pahinga ang dami mo pang bubunutin doon." Napangiwi ako habang nakatingin kay lola na nakaturo sa parte ng hardin na maraming damo tingin ko palang doon ang dami ng nakatirang lamok at insekto.

"Tutunganga ka lang ba diyan Icy? Noong kapanahunan ko hindi pwede ang ganyan kailangan alerto at mabilis." Sabi ni lola habang pinapaypayan ang kanyang kilikili.

Hindi na ako magtataka kung bakit mas lalaki pang kumilos si lola keysa kay lolo.

Habang nagbubunot ng damo hindi ko maiwasang mapangiti sa iniisip ko, paano kaya niligawan ni lolo si lola? Napaka demure kaya ni lolo, opposite attracts nga talaga.

"Lola paano ba kayo niligawan ni lolo?." Sabay punas ko ng pawis gamit ang likod ng kamay ko.

"Aba apo hindi ako niligawan ng lolo mo ako ang nanligaw sa kanya, at alam mo ba nakuha ko ang kanyang matamis at maalindog na oo ay sa pagsaboy ko sa kanya ng aking Golden Fishy Liquid." Proud na sabi ni lola habang nakatingin sa langit.

Tinigil ko muna ang ginagawa ko saka humarap kay lola habang naka semi upo at siya naman ay kampanteng naka upo sa upuan habang pinapaypayan ang loob ng kanyang mahabang palda habang nakangiting naka tingin sa langit.

"La, hindi na ako magtataka na ikaw ang nanligaw kay lolo pero hindi ko lang maisip na meron na palang agresibong babae sa kapanahunan niyo." Inirapan lang ako ni lola at saka tumingin muli sa langit  "Pero la ano yung sinabi ninyong golden fishy liquid?." Tinigil ni lola ang ginagawa saka tumingin sa akin na may ngiting nakakapangilabot.

"Ihi apo, ihi ko ang naging dahilan kaya nasungkit ko ang kanyang oo." Awtomatikong napa nganga ako sa sinabi ni lola.

Paanong nangyari na ihi ang naging dahilan? May magic kaya ang ihi ni lola o baka pinaorasyunan niya ito?.

Kung oo o hindi aba magawa nga baka talagang epektibo.

~~~

"Bestie matagal ka pa ba diyan?." Hindi ko sinagot ang tanong ni Sun dahil busy ako sa paghahanap sa google ng magandang paaralan sa Manila.

"I think Icy-chan is sobrang busy bestie Sun  look nalang ikaw sa kanyang eyes hindi na kumukulap." Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa paraan ng pagsasalita ni Yuki ng hindi inaalis ang tingin sa laptop ko, ang tagal niya na dito sa Pilipinas hindi pa rin tuwid ang pagsasalita niya ng tagalog.

"Yuki it's kumukurap not kumukulap hindi ka ba marunong bumigkas ng R? Ang alam ko kasi mga chinese lang ang hindi makabigkas ng tama sa R kasi nga walang R sa alpabeto nila." Napatingin ako kay Sun habang nakangiting tumutugtog ito sa piano, wala ba talagang R sa alpabeto ng intsik?.

"Alam ko kaya medyo napapabaluktot lang ang dila ko amp!." Parang batang kinuha ni Yuki ang human size na teddy bear na nasa tabi ko at saka niyakap ng mahigpit.

"Icy ano ba kasi yang kinaaabalahan mo? Pinapaalala ko sa'yo may lakad pa tayo." Alam kong naiinip na itong si Sun kakahintay sa akin kasi naman ngayon ko lang naisipan mag search.

"Sa wakas!." Sa sobrang saya napatayo pa ako habang masayang nakaturo sa laptop.

Nagmadaling lumapit ang mga bestie ko at tinignan kung ano ang meron sa laptop.

"Nord University?" Sabay nilang tanong at sabay din silang tumingin sa akin na may pagtataka. 

"Yup! At diyan tayo papasok sa darating na second sem at ito na ang simula ng paghahanap at pagsasaboy ko ng aking Golden Fishy Liquid hahahaha."

"OH NO?!" 

"Oh yes! mga bestie." Sabay pitik ko ng aking daliri.

Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito, gusto ko siyang makita at kahit na wala akong ideya kung nasaang lumalop siya ng Manila ay wala akong pakialam kung magkapaltos ako sa paa sa kakahanap sa kanya.

Gusto kong masagot ang mga katanungan na matagal nang gumugulo sa aking isipan. Ito na ang tamang oras na malaman niya kung gaano ko siya kamahal sa kabila ng pag kawala niya ng ilang taon at hindi pagpapakita sa akin.

I will find you no matter what circumtances I encountered.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon