Chapter 44: I never did.

20.5K 282 21
                                    

 

****

Chapter 44: I never did.

 


Nagising ako dahil sa lakas ng kalabog, nasa hotel room na ako. Inangat ko ang ulo ko, pero inihiga ko ulit. Si Lance? Napabangon ako, Oo nga pala! Si Lance, kagabi!!!! Kasama ko siya, hala! Edi nalaman niyang niloloko ko siya kahapon? na ako si Aril at hindi si Alyana? Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit. Muli akong pumikit. Sayang at 'di ko nakita ang photo preview ni Drake, ano kaya yung pinicturan niya? Sigurado akong maganda iyon. Sus, si Drake pa?

Tumayo ako at nakitang naka-indian sit si Cleo sa kanyang kama. Ang kalat na, nagkalat ang mga damit niya. Babae ba siya? May tinatype siya sa kanyang laptop. Pero napansin kong nakatitig siya saakin, masamang tingin. Kung nakakamatay lang ang titig, maybe I'm already dead now?

Palakad na sana ako patungong rest room ng kwarto ng ibagsak niya ang isang magazine. Kaya napatingin uli ako sakanya't tinaasan ng kilay.

Anong problema nito? Badtrip nanaman ba?

Ngumiti siya ng nakakainis "Kamusta ang design?" 

Napatingin ako sa basurahan ko na puno ng crumpled paper. "Ba't di ka makasagot? Next week na ang kasal namin, engaged na kami kaya wag ka ng umasa" napanganga ako sa sinabi niya.

"Sigurado ka bang magpapakasal talaga sayo si Lance?" hindi ko alam pero agad kong nasabi yun ng hindi nagiisip.

"Hah! Malamang, he will. At isa pa, gusto ako ng dad niya. Gusto kasi ng dad niya yung simula palang mayaman na. May kaya, hindi yung ngayon palang umaasenso?" 

"Huh?"

"Don't tell me? May gusto ka ba kay Lance, instead na maging masaya ka at ang amo at ako'y magkakatuluyan. At hindi ikaw na known sa pagiging katulong, at ang amo niya? Yuck!" imbis na ako ang mag walk out siya pa ang nag walk out. Napasandal na lang ako sa pader, ako? Oo, naging katulong ako. Pero dahil kailangan ko yun para mamukhay, ba't ba hindi niya maintindihan iyon?

Dahil ba sa mas mayaman siya, simula bata palang nakaranas na siya ng ganoong buhay? Masyado niya akong minamaliit, napatingin ako sa kamay ko na dumudugo? Dahil ba sa sobrang gigil ko? Agad agad akong pumunta ng bathroom, Naligo at binendahan ang sugat. Isang araw na lang at babalik na kami ng Pilipinas. Mamamasyal muna ako..

Nagpaalam ako kay Mr. Tamaki at kay Fidgey na kaklase ko dati nung H.S.

"Fidgey!" tawag ko dito. Lumingon siya saakin, at nginitian ako. "Aril!"

"Fid----"

"Aril, ang ganda mo sa Magazine!" napanganga ako sa sinabi niya, kasama ba ako? Sa pagkakaalam ko lang.. Pangalan ko ang nakalagay dun! dahil isa ako sa mga nag-design.

"Patingin ng----HOY! Bumalik ka rito! Fidgey-san!!!" tawag ko sakanya, hahablutin ko sana yung magazine pero tumakbo agad siya, napailing lang ako at napatingin sa mga tao na nakatingin saakin. Siguro iniisip nila na isa akong baliw? Oh well.. Lalabas ako at mag..

mag..

Mamamasyal?

Naaah~ Nung isang araw pa yun eh. Ano na kaya ang gagawin ko? Kung maglakad lakad kaya muna ako? Magopapahangin? Parehas lang naman yun, bahala na! Habang naglalakad na ako..

"Psssst.." lumingon ako pero wala talagang tao. Walang familliar na mukha kaya bumalik ako sa paglalakad, may nadaanan akong shop at pumasok doon. Ang boring talaga, wala naman kasi si Drake sa room nila kanina. Nasasayangan pa rin ako na hindi ako naka-attend sa party kahapon.. Naiinis ako pero sa kalahati ng nararamdaman ko..  Ewan ko ba, nasasayahan ako? Dahil ba kasama ko si La--

I'm Just His MaidWhere stories live. Discover now