Chapter 43: Trapped.

21.6K 283 28
                                    

Chapter 43: Trapped.

"....si Kevin" nabitawan ko ang hawak kong chopsticks, hanggang ngayon suot niya pa ang singsing na iyon? Nanginginig ang aking mga labi, hindi ako makapagsalita. Inilagay niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at humarap saamin, nag slow motion ang paligid.. Pati siya nagulat, nung makita ako.

"Ate?" confuse na sabi ni Ace. "Ate, magkakilala ba kayo?" ngumiti ako, "Hindi ko alam eh."

Lumapit si Kevin sa table, "Ate, si Kevin Vargas nga pala.. Siya ang manager namin. At Kevin siya nga pala ang Ate ko, step sister.. Si Arilliana Fuentes. Kilala siya sa Fashion Industry, sa Fuentes Fashion Line." pakilala saamin sa isa't isa ni Ace, ngumti lang ako ng pilit, inabot ko ang kamay ko pero nagulat ako nung higitin niya ako, para yakapin. "Akala ko 'di na kita mahahanap." bulong niya saakin, biglang lumakas rin ang tibok ng puso ko, at naluluha ako. Kasi....niloko niya ako.

"Hoy! Kevin, san mo dadalhin si Ate Ar----"

"Saglit lang!" hinila niya ako papunta sa isang balcony. Na walang tao..

"I kissed Michelle, para tigilan ka na niya. Hindi ka na niya pahirapan pa" bulong niya saakin, kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya sa mata, "A-ano?" bulong ko.

"Sabi niya kapag hinalikan ko siya, it's the last time na hindi na, hindi ka na niya papahirapan. Hindi na mauulit, so ginawa ko. Para sa'y---"

"Kevin, why?" pinahid niya ang luha sa mata ko, "Bakit mo ginawa yun! Okay lang naman saakin eh, na----" 

"Shhh.. It's not okay. Sorry Aril.." sabi niya habang tinititigan ako sa mata. 

"Hmm, pinapatawad na kita" I said while hugging him.

"....Aril, i missed you so much" mas hinigpitan niya ang yakap saakin.

****

After a week, nag extend pa kami, gumagawa na nga ako ng sketch para sa 'wedding gown' ni Ms. Cleo! Nakakainis lang, habang dinorowing ko iyon, lako umuulit, hays!ng lapis ko. Kaya lagi ako umuulit, hays! May party na gaganapin mamaya, dahil success ang magazine. Hanggang ngayon 'di ko pa alam ang picture na pinasa ni Drake, surprize daw. Mamaya kasi ipapakita ang Magazine. Ayun! Victory Party pala yun. 

"Bakit ang daming nagkalat na papel sa kwarto niyo?" narinig kong sabi ni Ace, pumasok siya sa loob ng kwarto sa Hotel. Alam niya na yung nangyari sa past ko, si Ace pa? Tss.. para kong twin brother yan.

"Ahh, may design kasi ako na isksketch, hindi ko pa ta---"

"WOW! Totoo ba 'to? HAHAHAHA! Seryoso ka?"

"Sa tingin mo hindi ako seryoso?" nakangusong sagot ko.

"Halatang napipilitan ka eh, Hahahaha! Wag mo ng gawin yan, kayo kaya ang ikakasa---" sinipa ko siya, aabutin ko sana yung papel na may drawing ko kaso nilayo saakin ni Ace. Mas matangkad siya kaya di ko abot. Tumalon talon ako, at lalo niyang nilayo talaga saakin. Hanggang sa niyakap ko siya at kinagat ang isang braso niya.

"Grrrrr.. akin na yan Ac----" napatingin ako sa pintuan na bumukas, nakita namin si Lance na nanlalaki ang mga singkit niyang mata.

"Naiistorbo ko ata kayo." at nilock niya ang pinto, napangiti na lang si Ace ng nakakaloko. "Hindi pa niya alam na magkapatid tayo no? Hahahaha! Nakakatuwa naman." at inilapag niya rin ang papelna hawak niya. "Ate Aril, itigil mo na 'yang pag sksketch mo," napakunot ang noo ko

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon