Chapter 3: Seriously?

43.5K 568 21
                                    

Chapter 3: Seriously 

"Matagal ko na tong gustong tanungin sayo toh, simula kinder, elementary at ngayong high school na tayo alam mo bang ikaw pa rin ang gusto ko?" Hindi ako makasagot.. Parang si Kevin naging seryoso ang kanyang tono, walang halong pag bibiro.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko. A=Ano ba ang sinasabi niya? T-totoo ba ang sinasabi niya?

"Kung alam mo lang.." bulong ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, kaya naman napatingin ako sa kamay ko na hinahaplos-haplos ni Kevin. Nagisng seryoso ang mukha niya.

"Arilliana Divina, Mahal kita! Ikaw ba?" tanong niya, Di ko mapigilang ngumiti..

 Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya, yung mukha niya parang hindi sigurado sa susunod na mangyayari.

"Matagal na.." sabi ko, hindi ko alam kung naririnig ba ni Kevin ang puso kong kanina pang nag wawala.

Nginitian niya ako, ako rin.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko..

Alam ko na ang sunod na mangyayari rito, napapikit na ako dahil eto na talaga yung hinihintay ko..

In my life, all I dreamed.. All I want is

Kevin ?

Napalayo ako sakanya nung biglang nag-ring yung phone ko kaya naman lumayo rin si Kevin..

 Napakamot na lang ako ng ulo, bwisit! Makukuha ko na sana first kiss ko eh, ay! Tag landi? Di ah. 

~

From: Mr. Utos (Lance)

Aril! ano na? nabili mo na ba yung pinapabili ko? bilisan mo at umuwi ka na ng bahay! 

May bisita tayo, naiinip na mga kasama ko.

~

Nanggigil ako, pinalabas niya nga lang pala ako ng bahay para bumili ng Grocery.. "Kevin, pwede bang magkita na lang tayo sa school bukas?" tanong ko kay Kevin

Nakatingin si Kevin sa sunset na palubog na..

Tumingin siya sa'akin..

"Oo naman Yana, basta ako lang huh?" sabi niya ng nakangiti..

Oo naman ikaw lang talaga..

WALA NG IBA!!

"Salamat Kevin at nauunawaan mo ako, may kailangan pa kasi akong puntahan" sabi ko at lumapit sa kanya..

Kiniss ko siya sa pisngi at tumakbo paalis.. Sooo? Kami na ba??

Hahahahhaa! malapit naaa..

Sumakay ako sa Jeep na papuntang SM..

pagkababa ko dumiretso agad ako sa Super Market, at biili ang mga nakasulat sa listahan..

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon