Chapter 31: Keril (part 1)

21.7K 283 26
                                    

Chapter 31: Keril

 

 

Aril's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung pumunta si Michelle para bisitahin si Lance, umalis rin naman sila nung nagkita sila, at iniwan ako mag-isa sa bahay... Malamang iiwan talaga nila ako, sino bang gusto magsama ng katulong? *sigh* Nagyaya lang naman si Michelle na manood ng Sine sa bagong bukas nilang Mall..

Ngayon, andito ako sa bahay at naglilinis, paulit ulit akong nagwawalis.. Kahit wala namang kalat.. eh sa bored ako ehh, lahat ng marumi nawalisan ko na hindi lang ako makuntento ewan ko ba hindi ko na maintindihan ang sarili ko, wala rin si Lance rito andoon siya sa Hotel ng mga dela Cruz, tinawagan siya ng daddy niya kanina na asikasuhin muna ang paperworks na naiwan nito, dahil magcocollege na siya kailangan niya ng matutong mag handle ng mga Bussiness Bussiness thingy!

Umupo muna ako sa couch at bumungtong hininga, ang boring naman..

Napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog..

Si kevin tumatawag, napangiti na lang ako at hindi na pinatagal pa.. sinagot ko na..

*ring. ring, ring ri----*

"Hello Kevin?"

(Hi Yanna, bukas malalaman na natin kung sino ang Valedictorian at salutatorian, sana ikaw ang mapili..) napaisip naman ako, sino kaya ang magiging Valedictorian at salutatorian

"Ha? ehh Oo nga, sana may matanggap ako"

(Hahahaha, ikaw pa? Syempre makakatanggap ka.. sa dami mong sinalihan na activities, at contest... Kaya bilib ako sayo ehh) sa boses niya palang napapangiti na ako, iba talaga tong si Kevin..

"Salamat sa pagh papalakas ng loob ko" Oo nga't tama siya, imposibleng wala akong matanggap. Akon lagi ang top 1 sa klase namin kaya worth it rin ang pag-papaaral saakin ng mga dela Cruz sabi dati ng Daddy ni Lance..

(Yanna, pwede ka bang lumabas? Labas tayo, libre ko) 

Pwede nga ba akong lumabas?

"Aril, pagkatapos mong gawin ang gawaing bahay mo, pwede kang lumabas. Gabi pa kasi ako uuwi" sabi ni Lance bago pumasok sa kotse niya

 

Tapos rin naman ako kaya go na hehehe..

"Yeah, saan tayo magkikita?" nakangiti kong tanong

(sa Park, sa Mall kita ipapasyal miss ko na kasing mag mall)

"Ahhh okay, salamat Kevs.." then i hung up..

Nagkita kami ni Kevin sa park, kung saan kami laging nagkikita para pumasyal, si Kevin? He's wearing his gray fitted tshir at black shorts at nakatsinelas lamang.. Mayaman pero mas gugustohing mamuhay ng simple lang. Hindi niya nga ginagamit ang sasakyan niya, minsan naka-bike lang siya. Ngayon naman, we are riding the jeepney. Isa yun sa mga nagustuhan ko sakanya.. Simple 

 "Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko ng kami'y makapasok sa Mall..

"Kaya nga ipapasyal diba? Yanna, gusto ko kasing masanay ka kasama ako sa Mall.. hindi rin magtatagal magiging tay----Aray! naman HAHAHAHA"

Nabatukan ko agad siya, hindi naman sa naiinis ako.. Kinikilig ako 

Naka-suot lang ako sa white v-neck tshirt ko at short na hanggang tuhod.. Nakasuot ako ng sandals na nabili ko last year sa mall nung nag-sale.. Kekekekekeke~

Dinala niya ako sa isang Mamahaling Jewerly store, hindi pa ako nakakapasok sa mga ganito.. Minsan napapanood ko lang 'to sa mga television..

"Ano bang gagawin natin dito? May pagbibilhan ka ba, sino? si Ate LJade oh yung Mommy mo?" tanong ko, minsan ko lang kasi siya makitang pumunta sa mamahaling mga store..

Nginitian niya lang ako at hinatak papasok, Habang siya'y tumitingin tingin sa mga naka-display, syempre ako rin nagtingin tingin rin..

WOW! eto ata yung pinaka-cheap na nakita ko dito.. pinaka-mura na ito..

10,000 PHP dalawa na siyaaaaa!!! Takte! ang mura naman para sa mga mayayaman..

"Huyy! ayan ba yung gusto mo?" napalingon naman ako kay Kevin na nakangiti nanaman.. Hindi ba siya nangangalay?

"H-ha?" 

"Miss, pwedeng patingin?" hinawakan ko siya sa braso at tinignan, seryoso?

"Uhmmm, Kevs.. masyadong mahal" bulong ko sakanya

"Oo mga, masyado kitang mahal" Ow-Kay?

Inhale Exhale....Aril breathe..

"Ahehehehe" masyado ata akong kinikilig dito

"Uhhh.. Aril kahit ano gusto mo ibibigay ko sayo.." puladong pulado na ako dito, tinignan ko yung saleslady na nakangiti at parang kilig na kilig 

"Kevin.." sabi ko at hinatak siya palabas..

"Aril, bakit mo naman ako hinila sa labas? Ayaw mo ba nun" sabi niya sabay pout

Ang cute niya, naiiyak na ako

"Kahit mura pa yang ibibigay mo, papahalagahan ko.. Ikaw nagbiga ehh" sabi ko at nag wink

Inakbayan niya ako at niyakap

"Edi ano na lang gusto mo?"

Ikaw..

"Uhmm.. eto na lang ohh" hinila ko siya sa isang stall na puro mga rings, pero hindi siya totoo.. 

"Ayan?"

"Yup, mura lang pero cute" sabi ko at naghanap na ng singsing

May nakita akong singsing na magkasama, dalawa na siya

"Ate, magkano to?"

"Ahh ayan ba? Couple rings for 50 php" Nagliwanag ang mukha ko ng marinig iyon, Hihihihi

"Kukunin na po namin" napatingin ako kay Kevin na ngiting ngiti

"Bakit naman bigla kang sumaya?" natatawang tanong ko

"Kasi kasama kita"

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon