3/> Ang sakit

11.4K 98 5
                                    

Nang makarating ako sa bahay ipinasok ko na yung gamit ni ate sa kwarto niya at hinihanda ko na rin yung kakainin niya, nagluto ako ng paborito niyang pagkain.

Ilang oras na akong naghihintay sa may sala sa tapat ng bintana para makita kung dumating na ba si ate pero wala pa rin siya.

Ang dami-daming maruruming bagay ang pumapasok sa isip ko at mas lalo lang akong nasasaktan pero hindi ko na dapat dibdibin yun dahil wala naman ding nangyari sa amin ni Francis bukod sa halikan na naganap sa amin.

Nakarinig ako ng sasakyan sa labas ng gate kaya agad akong sumilip sa bintana at ang di ko  inaasahan ang siyang nakita ko .

Si ate Melina nakikipaghalikan kay Francis, hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan na bumuhos, napatakip na lang ako ng bibig dahil biglang tumingin sa kung nasaan ako nakapwesto si Francis at nakita niyang nakatingin ako sa kanila.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko dahil napansin kong lilingon din si ate Melina sa kung saan nakatingin si Francis, ayokong makita nila akong ganito lalo na siya!!

Masakit na noong  iniisip ko kanina na may ibang hinahalikan si Francis pero mas masakit pala kung harap harapan mo itong nakikita !! Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit pero hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko.

Wala namang rason para magkaganito ako dahil wala naman kaming relasyon ni Francis.

Pero ewan ba kung bakit ganito yung nangyayari sa akin .. Ayoko ng ganito !!

Siguro kailangan ko ng bumalik sa dati kong gawi ..

A/N : Medyo walang excitement yung mga past chapter kaya abangan niyo ang mga susunod na chapter ng kwentong ito at siguradong mag eenjoy kayo ^___^ .. thanks sa pagbabasa please po magcomment kayo ng kahit ano para lang po magkaroon ako ng idea para sa susunod na mangyayari sa kwento na ito. and also vote .. i'm really thankful dahil nagbabasa kayo ng mga obra ko. salamat talaga ng sobra!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Where stories live. Discover now