I know him na !!

26.6K 149 2
                                    

Hindi na ako nakapag paalam kay Rissa dahil di ko rin naman siya mahanap kaya tinext ko na lang siya kaso di naman nag reply,Nagpapakasaya na siguro yung babae na yun ngayon.

''Kakainis''

Nahampas ko na lang yung manibela ng sasakyan ko dahil sa inis ko sa bwisit na lalake na yun.

Sino ba siya sa akala niya at ganun siya magsalita?! Bwisit talaga !!

Pinatakbo ko na yung sasakyan ko at umalis na sa lugar na yun.

Nasa daan na ako ng biglang huminto ng kusa yung sasakyan ko.

''What happen with this car?! inis kong tanong

Bumaba ako sa sasakyan ko at tinignan kung umuusok ba yung unahan ng sasakyan ko pero wala naman at ng mapatingin ako sa gulong?? hayun flat ang tire !! Naflat ng hindi ko namamalayan dahil sa inis ko!!

Paano na ako ngayon nito??!! Yung napaghintuan ko pa naman is yung daan na wala masyadong sasakyan na dumadaan at nakakatakot pa dahil puro puno yung nasa paligid at mag isa lang ako.

Pumasok na lang ako sa sasakyan ko at kinuha ko sa bag ko yung phone ko para tawagan si Rissa pero pag tingin ko sa phone ko bumulaga agad sa akin ang isang tunog na ayaw kong marinig lalo na pag ganitong nasa kalagitnaan ako ng pangangailangan

 *tingtingtingtoink*

''BATTERY EMPTY'' 

Napasigaw na lang ako at ibinato yung phone ko sa may back seat ng sasakyan ko,Walang kwentang gamit !!

>>>>>>

Isang oras na akong naghihintay ng sasakyan pero wala pa rin talagang dumadaan,Nilalamig na rin ako at di mapigilan na manginig,Remember yung suot ko napaka iikli lang tsk !!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon