Bagong ako

11.1K 97 1
                                    

''Ma'am heto na po yung order niyo''

''What's your onder sir/ma'am?

''Sa table seven pakihatid nga nito to''

Nakakatuwang pagmasdan ang mga trabahante ko na nagtatrabaho ng sobra, halos lahat sila busy at ako rin.

Tumutulong din kasi ako sa pag aasikaso sa sarili kong restaurant.

>>>>>>>

Pasara na kami ng resto ko at kanya-kanya ang paglilinis namin.

''Ma'am bat pa po kayo tumutulong na mag asikaso sa restaurant niyo eh nandito naman po kaming mga trabahante niyo?'' tanong sa akin ng isa sa mga nagtatrabaho sa resto ko na si tellie.

''Gusto ko lang'' maikli kong sagot sa kanya ''Aalis na ako kayo ng bahala dito dahil may lakad pa ako, good job guys'' Lumabas na ako ng resto ko at sumakay ng kotse ko para umuwi.

Its almost two years since humiwalay ako kay mama helen ng makagraduate ako.

(FLASHBACK)

''Mama para po sa inyo ang diploma kong ito'' pag abot ko kay mama ng diploma ko pero nagulat lang ako sa sumunod na ginawa niya

Ibinalik niya ito sa akin at siya ang may iniabot sa akin na isang necklace.

''Kunin mo to anak, galing yan sa totoong mga magulang mo, hanapin mo sila'' biglang umiyak si mama helen sa harap ko at mahigpit akong niyakap.

''Mama ano pong ibig niyong sabihin?'' Naiiyak ko na ring tanong kay mama.

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon