Chapter 16

15.3K 162 34
                                    

Nasa restaurant ako ngayon at busy sa pagtulong sa mga trabahante ko ng biglang pumasok sa entrance ang lalakeng mahal ko.

‘’Anong ginagawa mo dito?’’ papalapit ako sa kanya habang naitanong iyon.

‘’Namiss ko kasi ang baby ko’’ namula ata ako sa sinabi niya at sa ginawa niya.

Bigla kasi niyang pinunasan gamit mng panyo niya yung noo ko na may pawis.

‘’AYEEEEEE’’ sabay sabay na hiyawan ng mga tao sa paligid namin.

‘’Tara nga sa opisina’’ hinila ko na lang siya papunta sa opisina ko dahil hindi ko na kakayanin ang kilig na nararamdaman ko. Oo, ako na ang kinikilig.

Kakapasok pa lang namin sa opisina ko ng bigla naman niya akong yakayin paharap sa kanya at halikan.

‘’Hhhmm’’ napapagalaw na rin ang bawat labi ko sa ginagawa niya pero

Itinulak ko siya kahit na gusto ko ang ginagawa niya dahil oras pa ng trabaho ko.

‘’Ayaw mo ba?’’

‘’Hindi naman pero kasi nasa trabaho pa ako, isa pa ang dumi-dumi ko pa’’

‘’Maganda naman’’ namula ata ulit ako dahil sa sinabi niya ‘’Dinner date after this ok ? I’ll fetch you at 10 bye’’ sabi niya sabay halik sa labi ko at lumabas na ng opisina ko.

‘’Dinner date ??’’ napangiti na lang ako at napahawak sa labi ko ng maisip ang sinabi niya.

‘’Ganado ka ata ngayon ma’am?’’ tanong sa akin ni tellie habang nagpupunas siya ng mesa dahil magsasara na kami at paglilinis na lang ang gagawin namin.

‘’Halata ba? Napapangiti kong tanong sa kanya

‘’Kanina pa ma’am’’ at nagtawanan silang lahat ‘’Ma’am hayan na po yung sundo niyo’’ sabay turo ni tellie sa sasakyan na pumarada sa harap ng restaurant ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon