√ Prologue

6.1K 39 0
                                    

Sobrang dilim. Wala akong makita. Nakakasawang tignan ang kadiliman na ramdam kong matagal-tagal na panahon ko nang naging kaibigan. Nakakasakal ang ganito. Ni hindi ko alam kung saang lugar ako napadpad. Hindi ko kilala ang sarili ko at kung saan ako nanggaling. Kung may puwang pa ba sa buhay ang liwanag na matagal ko nang hinihintay na makamit.

Tumayo ako mula sa aking higaan at naglakad ng nakapaa, kinapa-kapa ko ang daan patungong labas hanggang sa ang inaasam-asam kong liwanag ay aking natagpuan.

Hindi ko maipaliwanag ang kagandahang nakikita ko. Lahat sila ay nakatingin sa'kin na nakangiti man ay pawang nagtataka. Ngumiti ako kahit na hindi ko sila kilala at hindi ko alam kung anong klase silang nilalang. Dahil una, ang kagandahan nila'y hindi na mapagsidlan... maging ang kabutihan. Tinulungan nila ako sa paglalakad at nahanap ko na lang ang aking sarili na may sapin na sa paa at nakatingin sa repleksyon ko sa napaka-linis na tubig. Napakaganda. Ngunit maganda man ang aking nakita, nahagip naman ng aking mga mata ang pakpak, matulis na pangil sa magkabilang dulo ng aking ngipin, at pulang mga mata. Isa ba akong halimaw? Mukha man akong nahintatakutan dahil sa kagandahang ipinakita sa'kin ng mga taong nasa paligid ko, kahit na ako lamang ang naiiba, ay malugod kong tinanggap na walang mapaglalagyan ang mga katanungan ko.

Hindi ko maialis ang tingin sa aking repleksyon nang maramdaman kong may maliit na kamay ang kumapit sa kamay ko. Ipinukol ko ang aking atensyon sa batang iyon, mukhang gusto niyang makipaglaro sa'kin. Nagpahatak ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami ng palaruan.

Napaka-sarap sa pakiramdam ng ganitong pamumuhay. Ngunit hindi ako dapat mapalagay, hindi ko kilala ang mga taong ito at mas lalo ang sarili ko. Sino nga ba talaga ako?

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraWhere stories live. Discover now