√Revelations from Meryanha's Past

1K 14 1
                                    

Amihan

Nasa gubat kaming mga Angel Gods of the North. Binabantayan namin ang lugar na ito, kung sakali mang muling magpakita si Siyenthera ay handa kami. Bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan namin sa kanya. Napaka-hirap at napaka-dilim.

Isang napakasamang panaginip ang aming naranasan sa mga kamay niya. Naging alerto ang lahat dahil sa kasamaang-palad ay dumating siya, kasama ang mga Angel Gods of the South.

Bumati ang iba sa kaniya ngunit hindi nagbigay ng respeto... dahil hindi niya 'yun kailangan lalo pa't kung magmumula ito sa'min. Napaismid ako nang magtaka siya kung bakit hindi namin siya binigyan ng respetong hindi naman dapat na ibigay sa kanya.

"Hayaan mong ako ang magpaliwanag kung bakit hindi ka nila binibigyan ng respeto, Siyenthera."

Nabigla kami sa pagdating ni Meryanha. Namangha kami sa taglay niyang lakas ng loob upang masabi iyon ng buong tapang kay Siyenthera. Hindi niya alam ang ginagawa niya.

"Hangal, sino ka naman upang makialam sa aming diskusyon ng aking mga nasasakupan?" may galit at gigil na sagot ni Siyenthera sa kanya.

"Ako si Meryanha." walang takot na sagot naman ng aming reyna kay Siyenthera. Natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa kanya sa pagkilos ng hindi nagiisip sa harap ng dati naming reyna.

"Meryanha? Taga Linnamenie ka pala. Ang pinaka-mababang uri ng tao sa mundong ito. Paano ka napadpad dito?" Natatawa at may pang-u-uyam na sambit ng dati naming reyna kay Meryanha.

"Dinala ako ni Aeolus dito, at ginawang reyna." May diin pang sagot ni Meryanha. Hindi siya nagpapatalo.

"Nagpapatawa ka ba? Ikaw, isang reyna? Isa kang lapastangan! Ako ang reyna dito!" sambit ni Siyenthera na siyang nakapagpagalit sa'kin.

"Ikaw ata ang nagpapatawa, Siyenthera? Matagal ka nang hindi reyna dito, tatlumpung taon na ang nakakaraan. Siya na ang reyna ngayon. At alam mo na alam naming lahat na kailanman ay hindi ka naging reyna sa amin." galit na galit kong pagtatanggol kay Meryanha. Alam kong ipinagtaka 'yon ng mga kasama ko lalo pa't isa lang ang itinuturing kong reyna sa puso't isipan ko. Si Reyna Anemi, siya lamang.

"Nagbibiro ka ba, Amihan? Sakop ko ang lugar na ito." hindi makapaniwalang sambit ni Siyenthera habang nakasimangot kay Meryanha.

"Pero hindi lahat ng nasasakupan mo ay ikaw ang reyna, Siyenthera." nangaasar na sambit ni Chione. Huh! Ganyan nga at huwag ninyong hayaang siya ang manalo sa labanang ito.

"Sa Linnamenie, si Odinna ang reyna at namumuno sa lugar. Sa Jastirikka, si Gianniea ang reyna. At dito sa Angel Gods of the North Kingdom o Kingdom of Voyagerinda, walang-iba kundi si Meryanha. At ikaw ang reyna nang dalawang isla dito, ang Phantom Island at ang Island of the Living Vampires. Hindi pa ba iyon sapat upang tigilan mo na kami, Siyenthera?" sunod na pagsasalita ni Flames.

"Sa kasalukuyan, iyon lang ang iyong nasasakupan at pinaghaharian. Hindi mo pa nakuha ang Linnamenie dahil takot ka kay Odinna. Hindi mo rin masakop ang Jastirikka dahil takot ka rin kay Gianniea. Kaya dito ka pumupunta dahil alam mong hindi ka matitiis ni Haring Aeolus. Dahil anak ka niya. Ang tunay na reyna dito ay si Meryanha at hindi ikaw, Siyenthera. Pinagkaloob sa amin ni Reyna Anemi si Meryanha o si Shiro kung tawagin niyo noon sa mundo niyo. Kaya siya ang reyna namin ngayon. Hindi ikaw." matapang na sabi ni Naida. Nanatili akong tahimik, handang lumaban para sa aking tahanan. Hinding-hindi ko hahayaang makalapit si Siyenthera sa kahit na sinong nandirito ngayon. Hindi.

"Shiro, reyna? Meryanha?" Sambit ni Gabriel.

"Imposible, patay na si Shiro." nagtataka at naguguluhang sambit ni Andrew.

"Akala niyo lamang iyon. Napagalaman namin kay Odinna na hindi Meryanha ang totoong pangalan ng aming reyna kung hindi ay Shiro. Si Odinna ang may kagagawan kung bakit walang naaalala si Shiro upang maprotektahan ito mula sa inyo. Siya ay isang batang babae na nagmula sa lupain ng mga tao." pagpapaliwanag ni Yanna.

"Shiro, anak, ikaw ba talaga yan?" sumunod na nagsalita si Anne mula sa South. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit tinawag niyang anak si Meryanha.

Nahintatakutan kami nang bigla na lamang bumagsak si Meryanha. Kaya dali-dali namin siyang ipinasok sa kaharian. May mga kawal ang naiwan sa gubat upang hindi papasukin ang mga hindi katanggap-tanggap na mga panauhin. Alam kong hindi sapat ang mga kawal na iyon ngunit hindi namin pwedeng hayaan ang aming... ang aming reyna.

"Maayos lang ba ang lagay niya?" tanong ng kakapasok na si Yageri sa silid ng reyna.

"Hindi namin masasagot iyan, prinsipe." Malungkot na tugon ni Yanna sa tanong ng bata.

"Ano po ba ang nangyari sa kanya?" sunod na tanong ni Yageri na halatang malungkot sa nangyari kay Meryanha.

"Nandito na si Siyenthera, Yageri." sagot ni Naida. Wala. Wala kaming nagawa upang mapigilan ang pagdating niya, Yageri. At doon ako humagulgol dahil sa magkasamang lungkot at galit at panghihinayang.

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraWhere stories live. Discover now