√ Mystery Island

1K 19 2
                                    

Haring Aeolus

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko pa rin maintindihan ang aking nararamdaman kay Meryanha. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganito.

Umibig na ako noon, ngunit hindi ganito ang pakiramdam. Hindi ko pa ito nararamdaman noong nandito pa si Siyenthera. Ibang-iba si Meryanha kay Siyenthera ngunit pareho ko silang mahal. Hindi ko lubos maisip kung paanong isang araw ay umalis si Meryanha. Ano kaya ang mangyayari sa akin?

At sa bayan? Paano kung malaman ni Amihan na may namamagitan sa aming dalawa? Paano ko ipagtatapat ito sa kanya ng hindi siya magdaramdam? Hindi ko alam. Ang daming tanong sa aking isipan. Pero ni isa, hindi ko alam ang kasagutan. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Meryanha.

Sumilip ako at nakita kong lumabas siya kasama ang batang nakita namin sa kabilang bayan. Naaalala ko noong nandito pa ang aking reyna. Kailan kaya siya babalik, at kailangan ko pa bang maghintay? Hindi ko maaaring paglaruan si Meryanha, ngunit, nasan ka na nga mahal kong reyna?

Meryanha

Nagising ako sa iyak ng sanggol. Tumayo ako sa kama at lumapit sa bata. Pinainom ko siya ng gatas at tumahan naman ito kahit papaano. Agad na sumagi sa isip ko ang hari.

Hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko para sa kanya. Bumunting-hininga ako. Naagdesisyunan kong lumabas muna kami ng bata sa aking kwarto. Pagdating sa sala, naroon sina Amihan, Yageri at Vondanes. Naka tingin sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanila pero sinungitan lang nila ako. Hindi napawi ang ngiti sa aking mga labi. Napakaganda pa rin nila kahit na nagsusungit.

Lumabas ako ng palasyo na dala ang bata bago, isang lalaki ang lumapit sa akin. Matangkad siya, maputi at may hawak ng apoy sa kanyang dalawang kamay. Napaurong ako. Biglang umiyak ang bata. Doon naman dumating si Haring Aeolus.

Haring Aeolus

Nakarinig ako nang iyak ng isang bata mula sa labas kaya agad akong pumunta roon. Nang makarating ako ay bumungad sa akin si Meryanha at ang bata... na kasama si Flames na may hawak na apoy sa magkabilaang kamay. Nagbabanta itong sugurin si Meryanha nang magpakawala ako ng malakas na hangin na pumatay sa kanyang mga apoy. Humarap ito sa akin. Lumuhod ito nang makita ako. Nakita ko ang matinding takot sa kanyang mukha.

"Flames, anong ginagawa mo rito?!" galit kong sigaw sa kanya. Anong kapahamakan na lamang ang naidulot niya kay Meryanha at sa bata kung hindi ako dumating?

"Patawad, mahal na hari." Patawad? Ilang beses ko na nga ba itong narinig? Isang nakakasulasok na salita na lamang ang lumalabas mula sa bibig ng mga taong nagkakasala. Hindi ko ito palalampasin dahil lamang sa paghingi niya ng tawad.

Tumingin ako kay Meryanha, "Maayos lang ang lagay mo, Meryanha?" Tumango lamang ito at nagmistulang pipi dahil sa gulat. Doon, mas lalong naginit ang ulo ko.

"Sa susunod, 'wag mong tatakutin ng ganoon si Meryanha! Siya ang bagong reyna kaya marapat lamang na bigyan mo siya ng respeto at pagpapakumbaba!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Flames at ginawa niya iyon sa aking reyna.

"Masusunod po," nakayuko pa rin nitong sambit.

Pagkaalis ni Meryanha ay lumapit sa akin si Flames.

"Mahal na hari, kung hindi niyo mamamasamain. Maari ko po bang malaman kung sino ang kakaibang nilalang na iyon?" napayuko si Flames dahil sa masama kong tingin sa kanya. Wala siyang karapatang hamakin ang reyna.

"Siya si Meryanha, nakuha ko sya sa Linnamenie." walang gana kong sagot sa kanya.

"Ganoon po ba. Alam niyo po ba kung saan siya nanggaling?" Bakit ba napaka-dami ng tanong ng isang ito, interesado ba siya sa reyna at ganyan siya kung makahingi ng sagod mula sa kanyang hari?

"Hindi ko alam." matabang ko pa ring sagot sa kanya.

"Mahal na hari, may nararamdaman po akong kakaiba sa kanyang aura." Kakaibang aura kay Meryanha?

"Anong ibig mong sabihin?" Nakuha niya na ang aking atensyon kung kaya, ako naman ngayon ang magtatanong.

"Sinabi po ito sa akin ni Amihan. Mayroon daw po siyang malakas na aura na ngayon lang po niya naramdaman. Isang aura na sa isang lugar lang matatagpuan." Kung totoo ang kanyang tinuran, bakit hindi ko iyon nararamdaman?

"Saan?" tanong ko.

Si Amihan na ang sumagot para sa kanya, "Sa misteryosong isla, mahal na hari."

Nagalala ako sa ibinalita nila sa akin. Sino nga ba si Meryanha? At anong kinalaman niya sa misteryosong isla?

**

Sorry po kung papalit-palit po ako nang title. Gusto ko lang po kasing masiguro na connected po yung mga title sa story. Next chapter na lang po. Comment at vote kung nagustuhan. Kung mayroon po kayong katanungan, maaari niyong sabihin sa comment box! Salamat! :)

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon