√ North or South

896 13 0
                                    

July na, yey! Malapit na intrams namin! Joke, one month pa! Hahaha!

Happy birthday sa aking weird na kaklase, (July 01, 2013). Grabe, mga birthday celebrators. 'Yung libre ko, hindi binigay. Joke! Special thanks po kay Ann for helping me to decorate the bulletin board sa room... Love you, Miss Treasurer.

Hello kay best friend, IamSmililee at Smililee... nagbago na yata ng username ang babaeng iyon. Hindi ko na mahanap, eh. Haha!

**

Meryanha

Bumaba ako ng kwarto, pu-punta sana ako sa kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko sina Amihan at ang iba pang Angel Gods of the North na nakikipag usap sa mga bisita sa sala.

Hindi ko na lamang sila pinagtuunan ng pansin at dumiretso na lamang ako sa kusina. Nagulat akong ng mapansing natakot ang mga katulong sa palasyo nang makita ang itsura ko.

Tinanong pa nga ako ng isa kung ano ang nangyari sa akin. Hindi ko alam ang isasagot dahil maski ako, walang ideya sa nangyayari sa katawan ko at sa iba pang mga bagay.

Gumawa na lamang ako ng palusot at sinabing, kinalkal ko sa kwarto ni Vondanes 'yung pakpak at 'yung mga mata, kinuha ko sa kahon na naglalaman ng mahihiwagang koleksiyon ni Yageri.

Buti na lang at napaniwala ko sila. Kung hindi, baka pinadakip na ako sa kawal ng palasyo ngayon pang, parang wala sa sarili ang hari at hindi niya ako maipagtatanggol agad. Alam ko namang mainit ang mga mata ng mga tao dito. Ayaw nila sa akin. Palabas na ako ng palasyo nang may biglang sumigaw, boses iyon ng isang batang babae, marahil ay si Vondanes.

Humarap ako na siya namang ikinagulat ng lahat. Andyan na pala sila, hindi ko man lang namalayan. Gan'un ba ako katakot-takot kung kaya'y agaran nila akong nilapitan upang makasiguro?

"Meryanha? Ikaw ba 'yan?" Dahan-dahan akong tumango.

"Hindi ko alam ngunit paggising ko'y bigla na lang sumakit ang likod ko, pagtingin ko sa salamin ng aking silid ay ganito na ang itsura ko." Malungkot kong tugon sa mga tanong na nakita mula sa mga mata nila.

Napangiti ako nang makitang, isa-isa silang ngumiti. Simbolo ng pag-tanggap nila sa akin kahit na nagbago ang aking anyo at hitsura.

"Shiro?" Natingin ako sa gawing kanan, doon ko nakita ang mukhang pamilyar sa'kin ngunit hindi ko matandaang nakilala ko siya.

Umiling ako, "Meryanha po ang pangalan ko. Hindi po Shiro, ginoo. Sino po pala kayo?"

"Siya si Gabriel Andrew Zeyniro, isa sa mga pinakamalakas sa mga Angel Gods of the South." si Flames na ang sumagot para sa ginoong Andrew ang pangalan.

"Ang Angel Gods of the South ang nagbantay sa iyo noong nasa mundo ka pa ng mga tao." pagpapaliwanag ni Naida.

"Sila? Hindi ko matandaan. Hindi ko sila kilala!" Mas lalo pa tuloy dumami ang mga tanong sa aking isipan. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Iyon nga ang aming ipinapaliwanag sa kanila pero ayaw pa rin nilang maniwala." Matigas na sabi ni Chione na para bang ang makasama ang mga Angel Gods of the South ay hindi niya na matagalan.

"Ganito na lamang, mamili ka Meryanha. North o South? Kung sila ang iyong pipiliin, maaari ka ng umalis at 'wag nang muli pang magpakita sa amin. Ngunit kung sa amin ay maaari kang manatili o umalis na lamang. Na sa iyo ang pagpapasya." sambit ni Diana.

Kung sa piling ng mga taga-South ako tutungo, malalaman ko ang aking nakaraan ngunit kung sa taga-North naman ay hindi. Kung gayon, alam ko na ang aking pipiliin.

"Ang napili ko ay ang Kingdom Of Voyagerinda," may ngiting sumilay sa aking labi. Hindi ko na gusto pang malaman ang naging buhay ko sa nakaraan dahil may pamilya na ako sa kasalukuyan.

"Sana lang at hindi mo pagsisihan ang iyong napili, Shiro." Rinig kong may pananakot na sambit ni Andrew. Iyan rin ang hinihiling ko, sana.

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon