Chapter 18

1.8K 49 0
                                    

Ara's POV

"Hindi niya naman kailangang gawin yun... hindi naman kami.. Hindi naman naging kami.."

"Hindi niya naman kailangang gawin yun... hindi naman kami.. Hindi naman naging kami.."

"Hindi niya naman kailangang gawin yun... hindi naman kami.. Hindi naman naging kami.."

Paulit ulit yan sa isip ko simula nung sinabi niya yun nung isang gabi. Hindi naging sila? Eh ano yung nakita ko. Niyakap niya pa si Jeron diba.. May paluhod luhod pa ngang nalalaman si Teng.. Imposible namang wala lang yun.. Pero kung wala lang yun... Anong ibig sabihin nung mga pinapakita nilang gesture.. at kung hindi sila... wow ha.. sobrang drama ko pa.. na aksidente pa ako.. wala naman palang sila.. Great! At yung mga pinagsasabi ko sa kanya.. grabeeeee! Parang napahiya lang naman ako ng konti.. hahaha.. pero hindi talaga naging si Je at Mika?

"Huy!"

"Ay mika!" Gulat ko sa babaeng nanggulat sakin.. "hobby mo na yata yung pangugulat Camille.."

"Hindi naman.. medyo lang.. eh pano kasi, tulala ka na naman.. si mika na naman yan no?" Sabi naman ni Camille.

"Cams, hindi pala naging si Mika at Jeron?" Sabi ko.

"Hindi.." sabi niya.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Well, I was trying to tell you before.." sabi niya sakin. "Pero ang sabi mo... wag na muna natin siyang pagusapan Camille parang hindi ko pa kaya na makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya." Sabi niya habang ginagaya kung paano ko sinabi yun.

"Eh di sana sinabi mo nung okay na ko.." sabi ko sa kanya.

"Kelan ka ba naging okay pagdating sa kanya.. eh kung iipunin ko lahat ng luha na iniyak mo para sa kanya eh di nakaipon sana ako ng sapat na tubig at nakatulong pa ko sa problema ng Pilipinas.. hahaha"  biro sakin ni Camille. Kung sabagay may point nga naman siya. "Wag mo na lang muna isipin yun Ars, ang dapat iniisip mo ngayon eh kung paano natin maipapanalo tong game..."

"Tama ka Cams.. wag kang mag-alala.. Mananalo tayo.." sabi ko.

"Girls, tama na usap..  tara na sa loob.. may game pa tayong ipapanalo.." sabi ni Coach.

Pumasok na kami sa loob ng arena.. Nagstart na kaming mag warm up pati ang ang ateneo nagwarm up na rin. Maya maya pa ay tinawag na yung starting 6. Same pa rin naman yung starting 6 namin. Ako, si kim, si Mika, si Ate Aby, si Ate Cyd, si Kim Dy at si Cienne ang libero. Tulad ng game plan kailangan naming matalo ang ateneo in 3 sets. Kaya naman kung titignan mo yung team mates ko eh beastmode kung beast mode.. Lalo na si Ate Aby.. Last year na rin kasi niya kaya sigurado ako na ang nasa isip niya lang ay manalo.

Nagstart na yung game. Service ni Kim. Service Ace naman agad kaya puntos agad samin. Nagpatuloy ang laro.. Nakuha namin ang first set.

"Nice girls.. ipagpatuloy niyo lang yung ganyang laro at for sure atin na tong game na to.." sabi naman ni Coach.

"Syempre coach, gagalingan pa namin.." sabi ni Kim.

"Oo nga coach, sa lakas ng mga palo ni Ate Aby at ni Ara.. for sure mahihirapan sila.." sabi ni Cienne.

"Eh may makakalagpas ba sa solid blocks ni ye.." sabi naman ni Cyd.

"Wag masyadong makampante girls.. basta keep your composure, focus lang and enjoy." Sabi naman ni coach

"Yes coach!" Sabi naman ni ye.

"Aba, mukhang desidido ka na manalo ha.." pansin ni Kim kay Mika.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon