Chapter 2

3.3K 49 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung paanong ang ngiti sa aking labi pag nakikita kita ay naging luha sa aking mga mata, kung paanong ang kilig kapag nandyan ka ay naging kirot sa aking puso, kung paanong ang kamay na dati akong ang may hawak ay hawak na ng iba at kung paanong ang puso mo na dati'y sa akin ay pag mamay-ari na ng iba. Alam ko, kasalanan ko. Ako ang unang bumitaw. Sana mapatawad mo ako at sana dumating ang araw na maintindihan mo kung bakit ko ginawa yun.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha. Nagulat na lang ako nang biglang may tumakip sa aking mga mata.

"Huwag mong tignan. Lalo ka lang masasaktan"

Bigla niya akong hinarap sa kanya at niyakap.

"Shhhh.. tahan na. Nandito lang ako."

"Camille, i deserve this. I deserve this pain. Ako naman yung nang-iwan diba. Ako naman may gusto nito. Ilang buwan na rin ang lumipas. Masaya na siya pero bakit ako, bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako." Sabi ko kay Camille habang nakayakap ako sa kanya. Si Camille ang tanging taong nasandalan ko  nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Siya lang din ang nakakaalam kung bakit ko kinailangang gawin yung bagay na yun.

"Tama na yan, baka sabihin nila kung ano pang ginawa ko sayo at awayin pa ako ng mga fans mo. Hehe" biro ni Camille.

"Tara na nga kina wafs, kanina pa ko hinihintay nun eh." Sabi ko sa kanya.

At naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ni Kim at ni Cienne.

"Ciiiieennnee, Kiiiiiiim!"  Bati ko sa kanila.

"Uy, ara. Buti andito ka na. Kanina pa nagmamaktol 'tong si Kim. Sabi mo daw sasamahan mo siya pagkatapos ng first class mo kaso nakalimutan mo daw siya." sabi ni Cienne.

"Pasensya na kim. Wag ka ng magtampo. Bawi na lang ako next time. Nalate ako ng gising eh.. hehehe" sabi ko kay Kim.

Inakbayan ako ni Kim at sinabi "Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Nang chicks ka no.. nakakatampo ka wafs, di mo man lang ako ina --aray!" Bigla siyang binatukan ni Camille.

"Alam mo Kim, wag mong igaya sayo yang si Ara. Isa pa diba may Mela ka na. Bakit may nalalaman ka pang pangchichicks ha?" Sabi ni Cams kay Kim.

"Hahaha.. oo nga wafs, good boy to no. Di lang talaga ko nakatulog agad sa dami ng ginagawang paper works." Tama, yun nga. Yun na lang sinabi ko sa kanila para wala na ring usap. Alam kong hindi nila gusto yung ginawa ko sa babaeng pinakamamahal ko. Pero sabi nila, alam naman daw nilang may dahilan ako. Kahit hindi ko daw sabihin sa kanila yung dahilan, iintindihin na lang daw nila ko. Ang swerte ko lang dahil may mga kaibigan akong tulad nila. Hehe

"Oo nga pala Ara. Pinapasabi pala ni coach na pumunta ka daw sa training mamaya. May sasabihin daw siya sayo." Camille.

Ano kayang sasabihin ni coach. Baka pababalikin niya na ko sa training. Simula kasi nung mangyari yun nagpaalam ako kay coach na kung pwede di muna ko magttraining at hindi muna ko sa dorm titira. Pumayag naman siya since off season na rin naman at alam niyang kahit di ako nagttraining kasama nila eh nagttraining ako mag-isa.

"Ganun ba Cams, sige. Kita kits na lang tayo dun mamaya. Oh, pano una na ko. Punta na lang ako sa next class ko." Sabi ko sa kanila.

"Sige Ara.. see you later! namiss ka na rin naming makasama sa training." Cienne.

"Oy Ara, bago tayo magkalimutan, dahil di mo ko sinamahan kanina. After training samahan mo ko sa mall ha. Bibili pa ko ng regalo para kay mela my loves." Sigaw ni Kim. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Umalis na ako at baka pati sa next class ko ay di ako makapasok. Hehehe

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon