Chapter 17

1.8K 47 0
                                    

Mika's POV

Sobrang saya ko ngayon.. Hindi ako makapaniwala na pumayag si Mama.. Ilang araw na lang Vic.. Ilang araw na lang at hindi na puro tingin na lang sayo ang pwede kong gawin.. Ilang araw na lang at pwede na ulit kitang kausapin.. Excited na tuloy ako sa championship game.. Mas lalo akong ganado maglaro para naman maipanalo namin yung game.

"Miks, baka matunaw si Ara.." sabi naman ni Cienne..

"Oo nga Ye, kailangan pa naman natin siya sa next game" sabi ni Kim

"Alam niyo kayong dalawa, paguumpugin ko kayo eh.. kung ano anong sinasabi niyo eh.." sabi ko naman.

"Deny pa more ye.. Alam mo.. konti na lang iisipin kong baliw ka na eh.. Madalas tulala.. minsan ngumingiti magisa, minsan naman naiinis na lang bigla bigla.." sabi ni Cienne.

"Baliw naman talaga yan eh.. baliw kay Ara.. hahahaha" sabi ni Kim.

Haay nako.. at tuloy tuloy pa rin yung pang iinis nila sakin..

-------------------------------

Ara's POV

Sobrang saya ni Mika ah.. Ngayon ko na lang ulet nakita yung ganyan siya kasaya.. Tama nga yung desisyon ko na pakawalan siya..

"Alam mo Ara, instead of staring at her, why don't you just talk to her?" Sabi naman ni Camille.

"Alam mong hindi pwede Camille... I've talked to her already and I told her na I won't bother her again.." sagot ko kay Cams.

"Ahh, kaya pala may pagtap ka pa ng shoulder bago mastart yung game and you tolde her na, "wag kang kabahan, kaya mo yan, kaya natin to."  Sabi ni Camille.

"Ehh, I just told her that to calm her..baka di pa siya makalaro ng maayos eh... at teka, tigilan na natin tong pag eenglish, hindi naman si Kris yung kausap natin.. hahaha" sabi ko naman.

"hehehe, nasanay lang.. ikaw naman.." sagot ni Camille.

"Guys, back to training na.. tapos na break.." sigaw naman ni Ate Aby.

Nagtraining na kami ulet.. Doble o triple pa yata ng regular trainings yung ginagawa namin ngayon.. syempre, game 2 na sa isang araw at kailangan naming magtraining ng mabuti para maipanalo yung game na yun.

"Oh, girls.. that's all for today.. pahinga na kayo mabuti bukas maaga ulet training natin.." sabi naman ni Coach Ramil.

"Woooh.. sa wakas tapos na training.. makakapagpahinga na rin.." sabi ni Kim.

"Not for you Fajardo... You'll stay.. Do another 10 rounds of jogging." Sabi naman ni Coach. Nagbago naman agad itsura ni Kim.. Para siyang nalungkot na hindi mo maintindihan..."joke lang Kim.. sige na umuwi na kayo para makapagpahinga na kayo.." sabi naman ni Coach at umalis na siya.

"Grabe, kinabahan ako dun ah.. akala ko totoo na.." sabi ni Kim.

Nagdecide na kami na umalis ng gym. Paglabas namin ay nakasalubong namin si Jeron.

"Hi girls, hi Miks.." sabi niya.

"Oh Je, anong ginagawa mo dito?" Sabi naman ni Mika.

"Wala, hinihintay ka.. yayayain sana kitang magdinner eh.. alam ko namang matindi yung training niyo ngayon kaya for sure gutom na gutom ka na..Pwede ba?" Sagot ni Jeron. Tumingin naman sakin si Mika.. hindi ko alam kung bakit.. parang nagpapaalam.. pero imposible.. baka nangiinis o kaya naman pinamumukha  niya sakin yung relasyon nila ni Je.. Inalis niya na yung tingin sakin at ibinaling ito kay ate aby.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon