CHAPTER 15

122K 3.7K 154
                                    

CHAPTER FIFTEEN


MATTHEW suppressed a little smile from his lips knowing na baka makita siya ng driver niya na ngumingiting mag-isa. The reason behind his smile was the girl who was sleeping on his shoulder right now.

Noong una pa lang niyang makita si Amber ay gusto niya na ito. She was a typical girl pero nakuha nito lahat ang standard na gusto niya sa isang babae. Sobrang simple lang nito kahit hindi biro ang yaman ng pamilyang pinagmulan nito. Sobrang down to earth ni Amber kaya mabilis nitong nakuha ang loob niya.

He planned to court her but he was late dahil boyfriend na nito ang kaibigan niyang si Clarkson. Matthew regretted the chance to get Amber but he was thankful na sa kaibigan niya ito napunta kasi alam niyang aalagaan ni Clarkson ang babae. Sana lang ay huwag nitong sayangin ang chance na mahalin si Amber.

Pero batid niya rin na may mabigat na problema ang babae at kitang-kita 'yon dahil kahit ngumingiti ay hindi naman umaabot iyon sa mga mata. Kung alam niya lang na sasaktan ni Clarkson si Amber, sana ay ipinagpilitan niya na lang ang sarili rito. He would make sure na hindi ito masasaktan sa piling niya kung sakali.

Heto na naman

Sulyap ng 'yong mata

Na nagsasabing ika'y nag-iisa

Pinilit kong sabihin

Ngunit 'di ko magawa

Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka

Ang damdamin ay 'di mapigilan

May nagmamahal na ba sa 'yo

Kung wala'y ako na lang

Lahat ibibigay sa 'yo

Nang walang alinlangan

Sana'y bigyan naman ng pansin

Ang puso kong ito

Kaya tanong ko lang

Kung may nagmamahal na ba sa 'yo

Sana'y ako na lang.

Hindi alam ni Matthew kung nananadya ba 'yong kanta pero tinamaan siya. Actually, he really wanted to tell his feelings pero may pumipigil sa kanya. Hindi niya alam kung 'yong utak niya lang ba ang pumipigil sa kanya... O si Mandy na problema lang ang laging ibinibigay sa kanya.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang babae. Pasaway kasi iyon.

Gumalaw si Amber at sumiksik uli sa kanya. Ayaw niyang istorbohin ang tulog nito pero nasa resort na sila.

"Amber, gising na. We're here." Tinapik niya nang mahina ang makinis na pisngi ng babae na gumana naman dahil nagising ito at inilibot ang tingin sa labas, saka ibinalik sa kanya.

"Thank you, Matthew. Nakatulog pala ako." Pinunasan pa nito 'yong balikat niya na ginawa nitong unan kanina lang.

"Hey, it's okay. Don't mind it," he said while chuckling.

"Baka kasi..." Namula ang pisngi nito. Hindi lang siya sure kung para saan. Umayos ito ng upo. "Ayaw mong pumasok sa loob?"

Umiling siya. Actually, may isa pa siyang meeting and yes, late na late na siya dahil hinatid pa niya ang babae. Pero kaysa naman mapahamak ito sa kalsada. His conscience would surely eat him alive kapag may nangyaring masama rito at wala siyang ginawa.

"No, darling, may meeting pa akong pupuntahan." Tumingin siya sa wristwatch na suot. "And for sure, hindi ko na maaabutan ang mga ka-meeting ko kapag hindi pa ako umalis."

Ito naman ay napapalatak. "Sorry talaga. Na-late ka pa tuloy sa meeting mo."

"Okay lang, Amber. Regards to Elisse." Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ito. She was really special to him that was why.

Humalik ito sa pisngi niya. "Thank you uli, Senator Matthew."

"Hey, don't—"

"Bye, Senator." She emphasized the word senator and walked away.

Napapailing si Matthew habang papasok sa loob ng sasakyan. Amber was making fun of him by calling him senator. Again, he found himself smiling with that simple gesture.

"Sir, mukha pong sobrang espesyal sa iyo ni Miss Amber," wika ng driver niya na kanina pa tahimik at ngayon lang nagsalita. Samantalang kakuwentuhan niya ito kanina bago pa nila makita si Amber.

"Yes, she is."

"Paano na po si Miss Mandy?"

"Alam mong puro problema lang ang ibinibigay sa akin ng isang 'yon."

"Oo nga, Sir. Nabasa ko nga kanina sa diyaryo 'yong isang article. Ang sabi do'n ay nililigawan n'yo raw siya."

Napapalatak siya. "That's not true! That woman..." Napahilot siya sa sentido dahil naalala na naman ang babaeng iyon na sakit sa ulo.

They both knew the real score between them and no, Mandy wasn't his girlfriend.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now