CHAPTER 14

130K 3.6K 67
                                    

CHAPTER FOURTEEN


NIYAKAP si Amber ng kaibigan dahil sa muli na namang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. "I want to stop loving him. I want to forget everything about him but I cannot. My heart wants him and it hurts me big time. Natalie, bakit ganoon? Bakit hindi siya naging tapat sa akin?" Napahagulhol siya sa leeg nito.

Nasa bahay siya ni Natalie. Hindi niya na kasi kayang itago pa 'yong nararamdaman niya kaya naisipan niyang puntahan ang kaibigan para dito ilabas ang lahat ng sama ng loob niya.

Kahit ano palang pagpapanggap ang gawin niya para ipakitang okay lang siya ay hindi pala sapat. Hindi pala sapat ang lokohin mo ang sarili mo na hindi ka apektado sa nangyayari sa buhay mo.

"Sshh, please stop crying at makakasama iyan sa baby mo. Tahan na, Amber. Tahan na," masuyong wika ng kaibigan habang hinahaplos ang likod niya.

"Ilang araw kong niloko ang sarili ko na okay lang ako, na okay lang kahit wala siya sa tabi ko... Ang akala ko kasi kaya ko na wala siya sa buhay ko. Hindi pala. Hindi."

"Do you want me to teach him a lesson? I really want to kill that jerk! He's getting into my nerves!"

Umiling siya. "No, Natalie, please don't hurt him."

Tatanggapin niya na lang na ganito talaga ang kapalaran niya. Wala naman siyang magagawa, 'di ba? Kahit siguro maubos ang luha niya kakaiyak ay hindi mababago ang katotohanan na si Clarkson ay hindi sa kanya at hinding-hindi mapapasakanya.

"Alie, thank you, ha. Thank you for being a good friend to me, kayo ni Elisse. Thank you kasi hindi n'yo ako iniwan."

"Drink this." She gave her a glass of water. "No problem, Amber. Basta, tatagan mo lang ang loob mo, okay? Anytime puwede mo akong makausap. I will always be there for you and for Elisse."

She nodded and forced a smile. "Thank you uli." Tiningnan niya ang cell phone nito na kanina pa tumutunog pero hindi naman iyon pinapansin ng kaibigan. "Natalie, kanina pa may tumatawag sa iyo. Care to answer your phone?"

Ngumiti ito sa kanya. "You are more important than my caller, my dear. Si Scott lang 'yan and I'm pretty sure na wala lang iyong magawa kaya ako ang iniistorbo."

Nagpunas siya ng luha at inayos ang buhok niya. "I need to go. Pupuntahan ko kasi si Elisse sa resort. Gusto mong sumama?"

Umiling lang ito. "Next time na lang, may gagawin pa kasi ako at kailangang matapos na agad 'yon para sa ikaaayos ng lahat."

Hindi niya alam kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. Yumakap muna siya rito, saka umuwi na.

Ilang minuto pa ay nakauwi na si Amber sa kanila. Kinuha niya ang gamit na kagabi niya pa inayos.

"Saan ka pupunta, anak? Bakit ang dami mong dala?" tanong ng mommy niya pagkalabas niya ng silid.

Ngumiti siya at binitawan ang hila-hilang pink na maleta, sabay yakap dito. "Vacation, Mommy. Somewhere." Sa resort kung nasaan si Elisse siya pupunta.

Hinaplos nito ang buhok niya. "May problema ba? You can tell me everything, darling."

Umiling siya. Ayaw niyang pati ang mommy niya ay ma-stress dahil sa nangyayari sa kanya.

"I'm fine, Mom. Gusto ko lang magbakasyon, parang gusto rin kasi ni baby." At hinawakan niya pa ang three months na tiyan. "Right, baby?" tanong niya sa anak na akala mo ay naririnig na siya nito.

"Tumawag ka lang kapag may kailangan ka, okay?"

Tumango siya. "Yes, Mom."

"Nasaan nga pala si Clarkson? Hindi ka pa ba niya binibisita?"

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now