CHAPTER 18

153K 3.8K 220
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"WE CAN stay there for one night or kahit ilang araw pa ang gusto mo, babe," sabi ni Clarkson. On the way na sila sa resort kahit bukas pa talaga ang binyag ng anak ni Elisse.

And Amber wanted to stay at the resort without Clarkson pero matigas ang ulo ng lalaking ito at gustong kasama ito kapag nag-stay siya sa lugar.

"Gusto ko kahit two days lang at puwede ka naman nang umuwi after ng binyag."

Mabilis siya nitong tinapunan ng tingin. "You're impossible. I want to stay with you wherever you are and that's final."

Hindi na siya nagsalita kasi mukhang hindi siya mananalo sa argumento nilang dalawa. Hinawakan ni Clarkson ang kamay niya pero agad niyang binawi 'yon.

"Kailan uli ang checkup mo?" untag nito sa kanya nang hindi siya nagsasalita.

"Next week pa."

"I'll go with you."

"Okay."

"Do you want to eat? Baka nagugutom na si baby."

Baby na naman. Ang baby lang talaga nila ang mahal nito at hindi siya.

"Busog pa kami. Mamaya na lang."

"Did you hear about Axer's car accident with Mandy?" parang wala lang na tanong nito.

Napasinghap siya sa narinig. Wala siyang alam sa balitang 'yon. "No! Kailan nangyari 'yon?"

"Hmm, one month ago, I guess. Mild injury lang naman ang nangyari kay Axer at—"

"How about Mandy?" nag-aalalang tanong niya.

"She's fine and may mga gasgas lang sa mukha."

Ang kinis-kinis pa naman ng mukha ni Mandy, 'tapos magagasgasan lang. "Ano ba ang nangyari at bakit magkasama sila?"

"Nagkita lang sila sa isang bar malapit sa resort and Axer was drunk that night."

"Bakit naman kasi nagpakalasing siya?" inis na tanong niya.

"Because of that island girl."

"You mean si Hillary?" She heard about Hillary from Elisse of course. Isang beses niya pa lang nakikita si Hillary at sa resort din. Mabait ang babae at isa pa, kakaiba ang ganda ng isang 'yon.

"Yes, babe. Ang tagal niya nang sinusuyo pero hindi pa rin siya sinasagot. Masyadong matigas ang isang 'yon," tukoy nito kay Hillary.

Ilang buwan nang nanliligaw si Axer sa babae. At ayon kina Clarkson ay never pang nasaksihan ng mga ito na nanligaw si Axer dahil sa isang kisapmata lang ay nakukuha na nito agad kahit ilan pang babae ang gusto. So bakit pa nga manliligaw kung sa isang kindat lang ay magsisilapitan na rito ang mga babae?

"Hindi na nga pumapasok sa trabaho si Axer para lang makasama si Hillary. I think in love talaga ang kaibigan ko."

Sinulyapan ni Amber ang lalaki dahil mukhang seryoso ito sa pagkukuwento tungkol sa love life ng kaibigan. "In love? That's unbelievable!"

"Hey, I'm a man kaya alam ko ang feeling kapag in love din ang isang lalaki and Axer is in love with that woman. I'm sure about that."

"So bakit hindi pa siya sinasagot ni Hillary?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Kahit siya ay nase-sense na mahihirapan nga si Axer dahil kakaiba ang babaeng 'yon. Parang may something sa aura nito na hindi niya ma-explain.

"You don't need to lift your eyebrow, babe."

"Answer me. Bakit kaya?"

"Hindi ko rin alam."

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now