Chapter 14: Revelations

2.1K 46 3
                                    

Shiro's POV

Nang makarating kami in the middle of nowhere. Nagtaka ako dahil mukhang familiar sa akin ang lugar na ito. Isang magandang lugar na puno ng bulaklak. Malamig ang simoy ng hangin. Habang naglalakad kami ay nakita namin ang isnag mag asawa sa sakahan malapit sa ilog. Nilapitan namin sila. Pero hindi nila kami makita. Maya maya napansin ko ang matandang babae na lumapit sa isang basket sa ilog at kinuha ito. Pag kabukas sa basket ng matanda nabigla ito sa nakita nya. Isang sanggol ang nakasilid sa basket. At nang inilabas labis akong nagulat sa aking nakita. Hindi ba ako iyong nakasilid sa basket?? Bakit ako nandito at sino ba sila?? Maya maya humarap sya  sa akin.  

(Author: Papalitan ko munang Siyenthera pangalan nung nag POV.. Para hindi magulo.)

Shiro: Ako iyan... 

Siyenthera: Ano??

Shiro: Ako ang batang iyan. At sila ang magulang ko.

Nabigla lang ako sa sinabi nya. 

Shiro: Hindi ba gusto mong malaman ang iyong nakaraan??

Tumango lang ako.

Shiro: Makinig ka sa akin.

Pumunta kami malapit sa ilog at doon umupo kami sa damuhan... 

Shiro: Noong unang panahon nagkaroon ng labanan ang mundo natin... Ang mundo nyo at ang mundo naming mga tao. Sa kasagsagan ng labanang iyon ay isinilang ang dalawang sanggol na pareho ang pangalan. Ang isang sanggol ay mula sa mundo ng mga tao at ang isa ay mula sa mundo ng mga Angel Gods. Ang Angel Gods. Sila yung mga taong nakilala mo sa nakalipas na mga araw. Nakahati ang Angel Gods sa dalawa. Una ang Big Four. Sila ang mga taong may taglay na kapangyarihang pamahalaan ang isang lugar. Kabilang sa Big Four sina Gabriel Andrew Zeyniro o Kua Gab, Gabriellea Andrea Zeyniro o Ma'am Gab, Gabriel Andrew Zeyniro o Gab Andrew ang iyong amain, at ang iyong ina na si Gabriellea Anne Zeyniro. Sa katunayan ang iyong nakilalang magulang ay magkapatid. At kasama sa Big Four. Pinabantay ka lang sa kanila sakaling may mangyaring masama sa iyo. At ang huling grupo. Ang grupo ng mga bampira. Iyon sina Hunter, Zero(Satan), Iris, ang batang ubod ng gwapo na si Hermes. At iisa lang ang kanilang reyna at ikaw iyon Siyenthera. Sa bandang huli ay natalo ang Angel Gods sa mga tao. At hindi ko alam kung sino ang nagsabi na ako si Siyenthera. Kaya wala nang magawa ang mga magulang ko kung hindi ay itago ako.  Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging sunud sunuran sa Big Four. Nang dahil doon nag away ang dalawang panig ng mga Angel Gods kaya nahati sa tatlo ang teritoryo ng Angel Gods. Na hanggang nagyon ay hindi pa rin magkasundo hanggang hindi bumabalik ang kanilang reyna ay hindi titigil ang digmaang na namamagitan sa kanila. At sa iyong lagay ngayon. Mukhang ikaw na lang ang pag asa. Kapag nagsimula ng laban ang dalawang panig wala nang matitirang buhay pa sa mundong ito. 

Siyenthera: Anong ibig mong sabihin??

Shiro: Nasa iyo na ang huling pagpapasya.

Tapos maya maya ay nawala na lamang syang bigla at pagmulat ng mata ko nasa kwarto na agad ako ni Kua Gab. Naririnig ko pa ang huli nyang sinabi sa akin...

"Nasa iyo na ang huling pagpapasya."

Anong ibig nyang sabihin sa kanyang huling sambit bago mawala.?? 

======

Next UD na lang po ang part 2... Hindi ko rin po alam kung kailan ang Next UD ko.. Magsisimula na po kasi yung school days po namin sa monday... Subaybayan nyo na lang po

The Long Lost QueenWhere stories live. Discover now