Chapter One

13.9K 135 4
                                    

      Shiro's POV

    Minulat ko ang mga mata ko, kinukusot habang tinitignan ang paligid. Sumulyap ako sa labas ng bintana at nakita kong ang tataas ng mga puno sa labas, ang iba ay hindi pa masyadong pamilyar sa'kin. Lumingon ako sa harapan at napansing natutulog si Mommy habang si Daddy naman ang siyang nagmamaneho papunta sa lugar na hindi ko alam at hindi ako pamilyar. Dapat ay sanay na ako sa pagpapalipat-lipat namin ng bahay, ng lugar na titirhan, pero hindi. Hindi pa rin ako sanay. Nahihirapan pa rin akong iwan ang mga bagay na nasimulan ko na sa lugar na hindi naman namin paglalagian nang matagal.

"Shiro," tawag sa'kin ni Daddy. Pinangilabutan ako dahil iba ang tonong ginamit niya sa'kin at hindi ang malambing niyang boses. This conversation sounds like important to him, kailangan kong makinig nang mabuti. Dahil kung hindi, ako lang din naman ang madedehado. I don't know this place, ang alam ko lang ay panandalian lang din ang pag-stay namin dito.

"This will be the last place you'll ever be," sabi niya nang hindi nakatingin sa'kin at sa daan pa rin nakatuon ang pansin.

"Lahat ng pinakita't sinabi ko sa'yo ay totoo, Shiro," dagdag niya.

Hindi na muling nagsalita si Daddy matapos nun. Nanatiling tahimik sa loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog na nanggagaling sa aircon ng kotse, at ang kaunting pag-galaw ng manibela ng kotse. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang malakas na sigaw ng isang agila. Mas lalo akong kinabahan.

Naramdaman kong huminto ang paggalaw namin. Tinitigan ako ni Daddy, matagal bago ko pa man naisip na ang ibig niyang sabihin ay kailangan ko nang bumaba.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, natatakot akong bumaba. Hindi biro ang mga letratong pinakita sa'kin ni Daddy, they're strange creatures. Dambuhalang mga hayop na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Natatakot ako sa pwede kong maging reaksyon, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. So far, this is the strangest and most terrifying trip we ever had. At ako, ako ang unang kikilos at hindi si Daddy o si Mommy. Ako.

"Don't be afraid, Shiro. This is the place you truly belong. Ang mga pinakita ko sa'yo kahapon, sila ang nararapat na kaibigan mo. You'll be safe there. All you have to do is to be brave to step out of the car and move." Daddy said with a smile. Ngumiti na lang din ako.

Hinawakan ko ang handle ng sasakyan sa loob at dahan-dahan 'yong tinaas. Nang mabuksan ko na ay humakbang na ako palabas. Hindi ko alam kung nakailang lunok ba ako dahil ito na yata ang pinakamalaking pintuan ang nakita ko. At hindi lang 'yon, kumikintab pa ito at kulay ginto! Rinig na rinig ko ang pagaspas ng mga agila sa buo kong paligid, pero hindi ko sila nakikita.

Naglakad ako sa tapat ng gate at kusa itong bumukas. Tumambad sa'kin ang napakalaki at napakahabang bus. Tumatakbo akong pumasok sa nakabukas nitong pintuan at napangiti. Sayang-saya ako dahil...

This place is so cool!

Tumingin ako sa labas habang umaandar ang bus. Namangha ako dahil lahat ng makita ko ay kulay ginto. Nang tumingin ako sa taas ay may lumulutang na mga salitang The Gozum's Golden Villages. May nadaanan kaming mga nakatayong bahay na dikit-dikit.

My eyes widen when I saw a fountain, imbis na kulay puting tubig ang lumabas ay kulay ginto! May mga paru-parong ang lalaki ng mga pakpak at ang ga-ganda ng mga kulay. May nakita rin akong mga bulaklak na naglalabas ng golden glitters sa hangin.

Waaah! Paraiso yata itong napuntahan namin nila Daddy, eh. I can't imagine this will be the place I belong. Na ito ang lugar na pwede kong tawaging akin. Ang bahay ko, ang tahanan ko.

Huminto ang bus at bigla akong nakaramdam ng lungkot. Lumabas ako at laking-gulat ko nang may makita akong pegasus sa harap ko! Sobrang ganda niya!

Yumuko siya sa'kin bago mag-salita. "I'm Stevan at your service, Miss." sabi niya. Nagsasalita rin pala ang mga pegasus? Woaah!

Sumakay ako sa likuran niya at halos magkanda-lula ako dahil ang taas ng nilipad namin. Kumapit ako sa kanya nang maigi habang dinadaldalan ko siya ng kung anu-ano.

Natigil lang akong magsalita nang may napakalawak na tubig sa ibabang kulay itim, kakulay ng nagiisang isla doon. Nakaramdam ako ng pangamba at takot. Anong klaseng lugar 'yon? At bakit sa lahat ng magagandang nakita ko, ito lang ang nagkulay itim at mukhang mapanganib na lugar.

"Don't look at the Phantom Island, Miss. It's a very dangerous place to look at, much more to go to." bulong ni Stevan. Bumuntong-hininga ako.

"Anong klaseng lugar ba ang Phantom Island?" tumingin ako sa mukha niya at nakita kong may pagaalinlangan doon. Natawa ako at saka pabiro siyang hinampas.

"'Wag mo nang sabihin, mukhang mata-tae ka na dyan, eh." sabi ko. Natawa rin siya.

Binaba niya ako sa isa muling napakataas na kulay puting gate. Nakabukas ito.

Hindi ko namalayang umalis na pala si Stevan. For a moment, nandoon lang ako at nakatitig sa napakalaking eskwelahan.

"Miss Shiro Zeyniro?" may bumulong sa likod ko. Lumingon ako sa harap at nakita ko ang isang mukhang sampung taong mas matanda sa'king lalaki na nakasuot ng black suit at gold na necktie. He smiles at me at doon ko napagtantong ang gwapo pala niya, mukha siyang prinsipe.

"Master Gabriel is waiting at his office," sabi niya, ang pormal naman niyang makipagusap.

Sumunod ako sa kanya nang iminuwestra niya ang direksyon kung saan ako dapat pumunta. Huminto kami sa isang pintuan na gawa sa salamin. Kumatok siya nang tatlong beses bago ako iwan. Awtomatikong bumukas ang pintuan at hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakitang punong-puno ng libro ang office ni Master Gabriel. Master? Siya siguro ang tinuturing na presidente ng eskwelahang ito o ang may-ari.

Natuon ang mga mata ko sa isang singkit na lalaking nakangiti sa'kin. Tumayo siya at halos mabali ang leeg ko sa sobra niyang tangkad. Seryoso? Ako lang ba ang maliit sa lugar na ito?

"Please sit down, Shiro."

Sinunod ko siya. Prente akong umupo at saka siya tinignan.

"I've already given your parents the number of the school, we'll call you by the time you can enter the school and be a part of it. Your papers and other documents are already signed by your parents so just your attendance today will make you an official student of the Golden Academy," nakangiti niyang paliwanag. Ngumiti na rin ako.

"Naghihintay na ang mga magulang mo sa labas. You can go now." sabi niya at saka tumayo. Ganun na rin ang ginawa ko. Inayos ko ang dress na suot ko at saka ngumiti sa kanya.

"Master Gabriel," pagtawag ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya at sa lugar na ito.

"Hmm?" sagot niya.

"Thank you po," sabi ko. Yumuko ako bilang tanda ng paggalang at saka lumabas na sa kanyang office. Bumaba ako ng hagdan at bago pa man ako tuluyang makalayo, narinig ko ang mga yabag ng isang malaking tao. Lumingon ako.

"Kuya Gabriel na lang, Shiro. It would be very fine if you call me that." sabi niya. Kailangan niya pa ba akong habulin para lang sabihin 'yan?

Napangiti ako at saka tumango, "Yes, Kuya Gabriel."

The Long Lost QueenWhere stories live. Discover now