Chapter Two

6.5K 114 5
                                    

Shiro's POV

Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin habang naglalakad papasok sa malaki at nakakalulang gate ng bago kong eskwelahan. May dalawang lalaking naka-black tuxedo ang nagbabantay. I smiled at them, pero na-itchapwera ang lola niyo. Nang makapasok ako ay tumambad sa'kin ang mangilan-ngilang estudyanteng nagkalat sa daan. They're all wearing the uniform, samantalang ako, naka-civilian. Na-delay kasi sa pagpapagawa ng uniform ko kaya naman, pansin na pansing transferee ako.

Pero hindi ko inaasahang hindi pa ako nakakapaglibot ng buong akademya ay may lumapit na sa'kin upang makipagkilala. She's smiling at me, na para bang gustong-gusto niya ako. Ang cute, cute naman ng babaeng ito.

"Good morning!" masigla niyang bati. Mukhang magkakasundo kami nito, ah! Tinignan ko ang kabuuan niya. She wears the uniform fantastically and I must say, it really suits her. The uniform is composed of a white blouse inside a black blazer, with a gold necktie attached around the neckline.

Ang palda naman ay above the knee, kulay itim din. Nakita ko ang kumikinang niyang patch sa bandang kaliwa ng kanyang pantaas na uniform that stated, she's a senior student and her name is Mikaela Louis Beyzier. A smile automatically crept on my face as I greeted her.

"Hello!" Sabi ko, ang dali naman palang magkaroon ng kaibigan dito. Nakaka-excite tuloy lalong makakilala ng iba pa.

"Mukhang bago ka dito ah," sabi niya.

"Oo eh," nahihiya kong sagot sa kaniya.

Nagtaka ako nang bigla niya akong iwan at patakbong pumunta sa gitna ng stage malapit lang sa entrance ng eskwelahan. Narinig ko pa ang maingay na tunog ng one inch heels niya, bagay na bagay niya talaga ang uniform at nagmukha siyang manika.

Hindi ko alam kung bakit siya pumunta doon. Siguro, sa napaka-laki at napakagandang pagkaka-disenyo ng stage na 'yon, dun ginaganap ang mga ceremonies at programs. Nakita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagdikit ng kanyang dalawang kamay sa pagitan ng bibig niya at saka siya... sumigaw?

"Helloooooo students," tumingin ako sa paligid at kalahati ng mga naglalakad at naguusap na mga estudyante ang huminto sa mga ginagawa para pakinggan si Mykha,

"...may transferee sa school natin. Help me welcome her, okay?!" Tumingin ang mga estudyante sa'kin.

Nakasuot lang ako ng simpleng T - shirt na may Hello Kitty na design at pantalon. Nakakahiya. Pakiramdam ko, namula ang pisngi ko dahil dun. Kailangan pa bang gawin ni Mykha ito?

Kasalukuyan akong nakayuko nang may tumapik sa balikat ko, I turned to look at the person to find a very pretty girl, smiling at me. I awkwardly smiled back. I find out that her name is Princess Camille Salvador as I quickly sneak on the patch in her uniform.

"Welcome, transferee!" Aba, dumadami yata ang bumabati sa'kin. Sana lang at matandaan ko ang mga pangalan nila.

"Ah, thank you!" Ang sarap sa feeling, parang welcome na welcome ako!

Sunud-sunod na ang mga bumati sa'kin. Napahinga ako nang malalim nang makitang papalapit sa'kin si Mykha. Nakangiti na naman ito,

"Kumusta? Sino lahat nakilala mo?" tanong niya as she approached me. Nginitian ko siya at isa-isang inalala ang mga ka-eskwelang bumati sa'kin, na natandaan ko ang mga pangalan, at saka isa-isa ring binanggit sa kanya.

Pabiro akong tinapik ni Mhyka sa balikat at parang gulat na gulat siya.

"Hindi nga? Si Emmanuel, kinindatan ka?"

"Oo, bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nagpatuloy kami sa pagke-kwentuhan habang naglalakad palibot ng eskwelahan.

"Ikaw na, sikat kaya 'yon. Gwapo raw, hindi naman masyado."

The Long Lost QueenWhere stories live. Discover now