Chapter Three

2.2K 63 0
                                    

Mykha's POV


"Gosh, Shiro! Gumising ka na, please?" Parang gusto kong umiyak, it had been twenty minutes after she fainted but still... hindi pa rin siya nagigising. Ano ba naman kasi iyan! Unang araw niya pa lang dito pero ganito na ang nangyari.

"What happened, Mikaella?" Pasigaw na tanong ni Kuya Gabriel kasama sa'kin. I turned to face him, pero wala akong maisagot. Tumulo na ang luha ko mula sa mga mata because of so much emotions I feel at the moment. Umiling-iling ako. I don't know what happened, what should I do? There's got to be something that bothered her before turning into like this. Nanginig ang dalawa kong kamay. I can't understand, sino namang mga chismosa ang paguusapan siya habang nakatalikod? And why did she react this way?

"I don't know, I don't know," bulong ko sa sarili ko. I don't bother if they can hear me, or not. Nanginginig ako habang patuloy na umiiling-iling. Nakakatakot ang nakita ko kanina. 'Yong mga mata niya, they... they turned red. Bakit? I should be aware that this school I've chosen to study was full of abnormal students. But Shiro... Shiro is different.

"Gabriel, call Anne immediately," As far as I remember, nang magkwentuhan kami ni Shiro, she mentioned Ma'am Anne is the name of her mom. Pero kahit na darating na ang mama ni Shiro, hindi pa rin ako mapakali. Gaaah, the tension is killing me. Ano ba talagang nangyayari?

"Attention, students! Wala ng P. E. time, you can go home now!" Sigaw ni Kuya Gabriel, at ilang segundo pa ay naramdaman kong isa-isa nang nagsilalisan ang iba pang mga estudyanteng nandito sa silid kani-kanina lang.

"What happened to Shiro?" Mrs. Anne came, she seemed to be so worried. Pinuntahan niya kaagad si Kuya Gabriel at tinanong kung anong nangyari kay Shiro, but he just shook his head. Mrs. Anne came close to her daughter. Doon naman gumalaw si Shiro at nagmulat ng mga mata-I still wonder what happened to her eyes awhile ago. Pero wala ng panahon para isipin 'yon. Dahil sa pagaalala, niyakap ko siya ng mahigpit pagkaupo niya. At nang ma-realize ko kung anong ginawa ko, agad akong kumalas. Nakakahiya naman 'yon.

"Mom," hinawakan niya ang ulo niya na parang may masakit d'on.

"I saw someone, mom," For a minute, she looked terrified.

"Kamukha siya ni Kuya Gabriel." What? Who the hell was that?

"He's Andrew," mahinang sabi ni Ate Gabriella, ngunit sapat na upang marinig naming lahat na natira sa classroom.

"Andrew?" tanong ni Shiro. Umiling-iling si Kuya Gabriel.

"Umalis na muna kayo ni Shiro, Mikaela. She needs to rest, pati na rin ikaw." I politely nodded at Kuya Gabriel at saka na inilagay ang kanang kamay ni Shiro sa balikat ko, tinulungan din ako ni Mrs. Anne para maakay siya. Napaisip ako at napabuntong-hininga. I've never been worried like this in my entire life. Para silang may tinatago and I can't help but be curious about it.

This is really strange, ano bang tinatago nila tungkol kay Shiro? I'm seriously getting confuse here.

The Long Lost QueenWhere stories live. Discover now