Chapter 15- [House Rules]

154K 3.8K 115
                                    

A/N: Apologies kasi ngayon lang ulit ako nakapag-UD si Ate Anya. Salamat po sa paghihintay! Dalawang chapter na yung in-update ko ah. Bawing-bawi na ko. BWAHAHA! Thank you ulit sa pagbabasa ng HHSW! Actually, may konkretong plot na to at may ending na kaso di ko pa talaga naitatype kasi walang time. Yun Lang.

P.S. Bawal ang spoiler. Haha!

HugsAndKisses,
GrandDuchessANYA

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HANNA's POV

"Naku. Wag na, Daniel. Baka magalit pa si Kade eh pag nakita ka." Ang kulit kasi. Sinabi ko na nga na hanggang sa gate nalang ng village nya ako ihatid. Nabanggit ko kasi sa kanya na naglalakad lang ako.

"Are you sure?" Tanong nya sa akin.

"Yup. Malaki na ko no. Saka wala namang halimaw na nangangain dyan sa loob ng village namin. Sige na. Alis ka na." Taboy ko sa kanya.

"Sige na nga. Bye!" Binuksan ko na yung pinto ng kotse nya at lumabas na ako.

"Bye! Ingat ka!" Kumaway pa ako sa kanya.

Nag-umpisa na akong maglakad papasok sa village at papunta sa bahay. Malapit-lapit lang talaga tong lugar na to sa school kaya dito pinili nila Daddy. Saka hindi maghihinala yung mga kaklase ko na dito ako nakatira kasi sobrang gaganda ng mga bahay dito.

*beep!!!*

Waaah. Ano bang problema nitong sasakyang to?!

Hindi ko nilingon yung sasakyan. Binilisan kong maglakad pero sumusunod pa din sa akin yung sasakyan. Nakakabahan na talaga ako. Baka kidnapin ako. >_<

*beeeeep!!!!*

Napalingon na ako sa sasakyan. Teka! Sasakyan to ni--

"KADE?!"

"Ano, ayaw mong sumabay?! Bahala ka." Medyo binilisan nya yung takbo.

"PSSST! OY! HINTAYIN MO KO!" Habol ko sa kanya. As in--literal akong tumatakbo.

Huminto din naman sya. At sumakay na ako sa kotse. Kakahingal. Grabe.

Maya-maya lang, nasa bahay na kami.

Pansin ko na parang kanina pa sya iritable. Di ko alam kung bakit.

Pagpasok namin sa bahay, sumalampak agad ako sa sofa at binuksan yung t.v.

Siya naman, padabog na binuksan yung ref.

"F*ck!" Sigaw nya.

"Anong problema mo?"

"None of your business. Di mo ba nabasa yung papel na binigay ko sayo kanina?" HALA! Nakalimutan ko.

"Aah... Di pa eh."

Kinuha ko yung papel sa loob ng bag ko at sinimulan ko ng basahin.

Kade's RULES

1. No invading of privacy.

2. Don't talk to me UNLESS you have to say something important.

3. Curfew: 10:00 P.M.

4. Do everything that I'll say.

5. Don't talk to me at school by all means.

6. Clean my car every week.

7. Never wake up late in the morning.

8. Outsider is not allowed inside the house.

9. Don't tell me what to do with my life.

10. Never brag about our 'relationship' in public.

"Hanep! May pa-rules rules ka pang nalalaman. Hahaha!"

"PAG DI MO SINUNOD KAHIT ISA SA MGA YAN, MAY PUNISHMENT KA SAKIN!" Sigaw nya.

"What kind of punishment?" Paghahamon ko sa kanya.

"A punishment that you'll never forget in your entire life." Waaah. Katakot naman. >_<

Umakyat na sya sa taas. Magpapahinga na siguro. Umakyat na din ako at dumirecho sa kwarto ko para magbihis. Napadaan ako sa pintuan ng kwarto nya.

Badtrip yung lalaking yun! Di man lang kumain!

Bumaba ako sa kitchen para magluto. Actually, isa akong preservative girl. As in, puro preservatives lang ang laman ng katawan ko kasi di talaga ako marunong magluto. Di tulad ng andun pa ko sa bahay namin dati nakatira. Mukhang mapupurga ako ng de lata dito eh.

Nagbukas ako ng sausage at nagsaing ako ng kanin. F.Y.I. lang, marunong din naman ako gumamit ng rice cooker no. -_-

Nilagay ko yung mga pagkain sa tray at umakyat ako sa taas. Nilapag ko yung tray sa harap ng pinto ng kwarto nya.

Kawawa naman eh. Mukhang badtrip kanina, nakalimutan yatang kumain.

Kumatok ako sa kwarto nya.

*knock-knock*

"SUNGIT! MAY PAGKAIN DITO! KUMAIN KA HA?"

Bahala sya kung kakain sya. Basta ako, concern lang ako sa kanya.

(.....)

Haaaa.

[Time Check] 8:17 A.M.

*boogsh*

Ouch! Aray ko! Ang sakit sa pwet. T_T

Takte malelate na naman ako. 9:00 kasi pasok eh.

Lumabas ako sa kwarto, syempre. Umalis na kaya si Kade?

Tumingin ako sa pinto ng kwarto nya.

0_0

HALA! Nasaan na yung tray ng pagkain dito kagabi? Baka kinain ng aso. Pero wala naman kaming aso ah.

Tumakbo ako sa baba at nakita ko si Kade na nagsusuot na ng sapatos nya.

"Kinain mo yung pagkain kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Pakelam mo?"

"Eeh. Kinain mo nga?"

"Alangan namang tinitigan ko lang. Edi di mauubos yun."

"Waaa. KINAIN MO YUNG NILUTO KO?" I can't believe it.

"Hah! Luto ba tawag mo dun? Galing sa lata yung sausage at hilaw pa yung kanin?! Gusto ko ngang isuka eh."

"ANG YABANG MO! Lumayas ka na nga!"

"Mag-aral ka kasing magluto. Ayaw ko namang makatikim ng mga ganung klaseng pagkain yung mga magiging anak natin. Alis na ko. Bye."

|Ayaw ko namang makatikim ng mga ganung klaseng pagkain yung mga magiging anak natin|

|...klaseng pagkain yung mga magiging anak natin|

|.....mga magiging anak natin|

O_O

Pakituktukan nga yung ulo ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

P.S.

Paki-VOTE na rin po and leave any comment. :D

I-follow nyo na rin ako (sa may gusto lang.)

May Facebook Page na ang HIS HIGH SCHOOL WIFE! (click the external link.)

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon