12

138K 3.2K 450
                                    


Chapter Twelve

            Nakapamulsa ako habang malungkot na nakatingin sa langit. I'm still not happy.

            Kahit nagpakatotoo na ako sa sarili ko ay hindi pa rin ako masaya dahil alam kong nasaktan ko si Elaine. She had been nice and loyal. But in return, I gave her infidelity. Parang ngayon ko pa lang naabsorb lahat ng nagawa ko.

            I've been so stupid to allow this to happen.

            Gusto ko ng bumalik sa Ilocos at makasama si Sam pero may humahadlang sa akin. Naglakad ako papunta sa isang simbahan at nagdasal. Humingi rin ako ng tawad dahil sa pangangalunya ko sa babaeng walang ibang ginawa kung 'di mahalin ako ng buong puso at pahalagahan ako.

            Paglabas ko ay may nakita akong nagtitinda ng mga bulaklak. I bought one bouquet and walked toward the hotel Elaine's staying at. I need to give her a proper apology, a proper explanation. I owe her that, at least.

            I'm not okay with how we ended things earlier.

            Hindi tama ang pagsigaw ko sa kanya kanina. Kahit saang angulo ko tignan ay mali iyon. Napakabait ni Elaine at hindi ko halos maisip na naatim kong taasan siya ng boses just to get my point across. I just couldn't control my feelings anymore. Whatever I do, no matter how much I try to delay the truth from escaping my traitorous lips, it will still come out.

            Mahal ko si Sam, noon, ngayon, at sa lahat ng bukas na darating.

            Binati ko ang receptionist ng hotel bago pumanik sa room ni Elaine. Natatanaw ko na ang pintuan niya kaya sinimulan na akong kabahan.We had been together for almost two years and I owe her this -- a closure. Nang nasa tapat na ako ng pinto niya ay kakatok na sana ako nang marinig ko ang paghagulgol niya. May kumurot sa puso ko.

            I'm so sorry, Elaine. I had been such a jerk and you deserve someone who wouldn't do the things I did to you. Someone who would see you the way that I didn't.

            My mouth went dry when I heard a familiar guy's voice. Kung hindi ako nagkakamali ay ang kaibigan niyang doktor ito, si Mico.

            "Elaine, tahan na. Please. Hindi ko kayang makita kang ganyan. Alam mo naman, 'di ba? Nandito lang ako palagi para sa'yo."

            "I don't need you, Mico. Si Zade ang kailangan ko, hindi ikaw!" Elaine replied. Lalo lang nadagdagan ang guilt na kumakain sa puso ko. "Mahal na mahal ko siya."

            I was rooted in place. Hindi ako makakuha ng lakas ng loob na kumatok pa dahil sa narinig kong sinabi niya. I just stood there, frozen with guilt and so much self-loathing.

            "Elaine, your pain is my pain. Kung puwede ko lang kunin at akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, maniwala ka sa 'kin, gagawin ko."

            "Mico, he no longer wants me... Bakit ayaw niya na sa akin? Gaano ba kaganda 'yang ex niya? Gaano katalino? May titulo ba 'yon tulad ko? Does she come from a good family? Will she take care of him like I did? Pineperahan lang naman niya si Zade noon, e. Paano nakakasiguro si Zade na hindi na niya 'yon gagawin ngayon?"

            "Shhh, tahan na. It's going to be okay, Elaine. Hayaan mo na sila. Wala naman na tayong magagawa ro'n, e. Zade has made his choice. Karma will clap him back."

            "Hayaan? That's easy for you to say. Niloko nila ako. Niloko. Nila. Ako. They fucked behind my back, Mico, how can they be so unfair to me?" Rinig na rinig ko ang mga iyak niya mula dito at para iyong malaking sampal sa buong pagkatao ko. Her words are creating wounds on my being. Pero totoo naman ang sinabi niya. I cheated. I treated her unfairly.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now