10

154K 3.2K 392
                                    


Chapter Ten

You deserve that, douche bag." Umuungol na pinatungan ni September ang namamagang mukha niya ng ice bag. Pinukol ko siya ng masamang tingin.

            "Man, you punch like a fucking sailor."

            "Buti nga sa'yo, gago," naiinis na sagot ko bago iniswitch sa silent mode ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Elaine had been calling me non-stop for the past hour. Ang tanging ginawa ko lang ay ang padalhan siya ng isang maikling mensahe. I told her that something important came up so I have to postpone the trip to Cebu.

            I know she's upset with me. She has every right to be.

            "Pare naman, sana sa braso mo na lang ako sinapak. Bakit kailangang sa mukha? Masisira ang reputasyon ko sa girls nito. Magmumukha akong basagulero!" reklamo niya. "At isa pa, alam mo bang plano kong mag-artista? Itong mukhang 'to, ito ang puhunan ko."

            I flipped my middle finger and scowled. Inis na inis ako kanina nang malamang biro lang pala niya na nasa ICU si Sam. The prank has gone way too far for an April Fools joke. I had to cancel the trip I promised Elaine. The pilot had to re-route. I was panicking as I got down the jet and almost tripped."

            "Happy April Fools day, man."

            "Siraulo!"

            Para akong wala sa huwisyong nagmamadaling bumalik ng Ilocos dahil akala ko ay nasa panganib na naman si Sam. I even had a friend of mine hack into the hospital records to check kung saan may Maria Samantha Antonio na naka-confine.Nang malaman kong isang malaking biro lang ang lahat ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sapakin si September.

            "Kapag biniro mo pa ako uli ng ganyan, Hulyo Setyembre, sinisiguro ko sa'yong paglalamayan ka na." Nag-iigting ang panga ko.

            I was worried sick about Sam, damn it! Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng jet. Ang lakas ng tibok ng puso ko at paulit-ulit kong idinasal na sana ay maging maayos ang lagay niya.

            "Hindi ko naman alam na talagang kakagat ka!" sansala niya. Muli ko siyang minura bago tumayo. I felt a bit nauseous because of the ride so I grabbed my phone and headed to the guest room. Iniwan ko siya ro'n para asikasuhin ang natamo niyang black eye. Tinignan ko ang phone ko at bumuntong-hininga bago tinawagan si Elaine. She answered in a heartbeat.

            "Zade, you promised." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Humiga ako sa kama at ipinatong ang cellphone ko sa dibdib matapos ko itong ilagay sa loudspeaker.

            "I know. I'm sorry," tugon ko. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

            "Naiinis ako sa'yo. Ito ang unang beses na hindi ka tumupad sa pangako mo."

            I sighed once more. "Importante lang talaga 'to."

            "Is it more important... than... than me?" she asked. Natigilan ako at bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako makaapuhap ng isasagot sa kanya. Hinanap ko sa puso ko ang sagot ngunit pati ito ay tila nalilito rin.

            "No, of course not..." nag-aalangang sambit ko pagkalipas ng ilang segundo.

            "What is it this time? Meeting? Conference? Pagbabysit sa kambal? Pagsama kay Daze sa shopping? Is it Kervin's business? What is it, Zade?"

            I stayed silent. Minsan lang magalit si Elaine. When she does get angry, it gets really hard to appease her. Kaya hindi ko na sinasabayan, nakikinig na lang ako sa mga sinasabi niya para matapos agad ang away namin.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now