6

154K 3.3K 443
                                    


Chapter Six

Zade Andrei

            "That is so fucked up, man," wika ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan -- si September. Kinuha niya ang kopita na naglalaman ng alak at dahan-dahang sinimsim ito. Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na couch ng living area niya bago nagsalin ng sariling alak sa baso ko. Nabanggit ko sa kanya nag nangyari kahapon sa amin ni Sam.

            Ngayon ay nandito ako sa resthouse niya. Abala siyang nagtatago rito dahil may isa siyang fling na hinahabol-habol na naman siya pagkatapos niyang biglaang makipaghiwalay rito. Minsan, nalilito na rin ako sa kung sinong flavor of the month niya. Sana'y makahanap na siya ng babaeng para sa kanya dahil sumasakit na ang ulo kong tandaan ang mga pangalan ng mga babaeng isang buwan lang naman ang itatagal.

            "I know it's fucked up," sagot ko.

            "Nagkausap na ba kayo ni Elaine?"

            "She called me earlier today and told me she misses me," I stated softly.

            He closed his eyes as he reclined.

            "And what did you say?" curious niyang tanong. Buntong hininga ako bago ibinaba ang baso ng scotch sa table.

            "I told her I missed her, too. I told her that I love her."

            I feel terrible.

            Pakiramdam ko ay napakasama kong tao dahil sa ginawa kong pumunta kay Sam kahapon. Umuwi na ako ng Manila no'ng isang araw pero ayaw niyang patahimikin ang utak ko. I decided to see her. Sabi ko basta masilayan ko lang siya ay okay na. Aalis na ako. Kaso hindi 'yun ang nangyari. I even asked her to walk with me!

Hot damn.

            "You're an asshole!" He laughed at me. Hindi ako sumagot. It's true. I am a big asshole. I deserve a million punches because of what I did.

            Frustrated na napasabunot ako sa sarili kong buhok. Mahal ko si Elaine at ayaw ko siyang saktan. Pero hindi ko maintindihan ang biglaang pagkagusto ko na makasama si Sam. Nang magkita kami ay para bang bumalik lahat ng alaala sa akin -- mga alaalang akala ko ay matagal ko nang nabaon sa limot. Lahat ng sakit, ng saya, ng tawa, ng iyak ko sa kanya.

            I remember the first time I met her.

            It was a restaurant a few blocks from school. She had been so shy at first when I tried to talk to her, but in the end, she smiled at me.

            The second time we saw each other was a month after the first. Siya 'yung candidate ng Education department para sa Ms. Maximilian. Sadly, she didn't win. Nakita ko siyang tipid na ngumiti sa audience bago malungkot na bumaba ng entablado. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin no'n at tumakbo ako papunta sa backstage.

            I ran fast so I could catch her. Nang nakatayo na ako sa backstage ay nagulat ang ibang mga contestants na naroon. Nagbulong-bulungan sila dahil nakita nila ako. Ano raw kaya ang dahilan ng pagpunta ko ro'n? May sinadya raw ba akong babae?

            I ignored them and walked over to Sam who was sitting in one corner.

            "Hi," I greeted. "Congratulations." Nagtaas siya ng tingin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pati ang kaunting pagkabigla. Dahan-dahan niyang inayos ang upo at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa noo.

            "Hindi ako yung nanalo, ayun oh." Ininguso niya ang kampeon na abalang kumukuha ng litrato kasama ang tropeo at korona. "I let the whole department down."

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now